CHAPTER 38

57.4K 1.2K 15
                                    

"C-cloud..." kinakabahang tawag ni Lorraine sa lalaki.



Nakatayo na naman ito sa opisina ng kanyang ama at nakatanaw sa labas ng bintana. May tangan itong mga larawan sa isang kamay samantalang ang isang kamay ay nasa bulsa.

Nang lingunin siya nito'y bigla siyang napalunok. Seryoso na naman ang anyo nito, ngunit hindi katulad ng dati. Mukha itong pagod at nahihirapan. Ang mga mata nito'y walang buhay na nakatingin sa kanya. Wala ang pamilyar na kislap sa mga mata nito sa tuwing nakikita siya.

Kahit gusto niyang takbuhin ang lalaki at salubungin ng yakap at halik pagkatapos ay sabihin dito ang salitang "I love you" ay bigla siyang natakot. Mukhang hindi iyon ang tamang oras. He looked dead serious.

Naroon lang ito at mariing nakatingin sa kanya, hindi nagsasalita. Hindi kumikilos. Tila nanunumbat ang mga titig nito. Hindi na siya mapakali. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay ang pagiging tahimik ni Cloud. Ibig sabihin lang kasi niyon ay hindi maganda ang mood nito.



Hinanap niya ang kanyang boses at nagsalita.
"W-where have you been these past few days? I...I was looking f-for you."



Hindi ito sumagot at nag-iwas lamang ng tingin. Lumapit ito sa mesa at may kinuha sa tokador saka initsa sa ibabaw. Isang folder. Malamang ay ang kontrata na naman iyon. Umupo ito sa swivel chair at sumandal.
Nakakapangilabot ang mga titig nito sa kanya.



"Sign the contract," utos nito sa malamig na boses.



Napalunok uli siya. Ang sabi sa kanya ni Attorney Francisco, pirmahan na niya ang kontrata bago pa mapawalang bisa ang kasal nila. Katibayan kasi iyon nang paglilipat nito ng kompanya ng kanyang ama sa pangalan niya.

Pero nagdadalawang isip siya. Ayaw niyang pirmahan ang kontrata upang hindi makawala si Cloud sa kanya. Alam niya ang dahilan ng pagpapakasal nito ay upang maisalin lang sa pangalan niya sa legal na paraan ang kompanya. Hangga't hindi niya napipirmahan iyon ay hindi ito puwedeng makipag hiwalay sa kanya.



Ayaw muna niyang intindihin iyon at nilihis niya ang usapan.
"Where have you been? Nag-alala ako ng husto sa 'yo! You didn't even bother texting me! Paano kung nagka-problema ang kompanya?" kunwari'y pagalit na sita niya rito.




Nanatiling nakatitig ito sa kanya.
"Sign the contract so I can set you free," ulit nito. Binalewala ang panglilihis niya.




Nahigit niya ang hininga dahil wala na itong paligoy-ligoy pa!

"What do you mean?" nagmamaang-maangan niyang tanong.



Lalong dumilim ang mukha nito.
"Don't act like as if you don't know anything. I told Attorney Francisco to tell you about the annulment."




Shit, bakit napaka-prangka mo, Cloud? Sa tingin mo hahayaan kitang iwan ako? In your dreams!

"W-why would we have a-an annulment? W-we're okay," patuloy na pagmamaang-maangan niya.



"We were never okay, Lorraine." malamig na tugon nito.




Kinakabahang lumapit siya sa harapan ng mesa saka tinukod ang dalawang kamay.

"Is it about the incident in the restaurant with Leah? Don't listen to her! She's lying! You have to trust me, Cloud. I'm your wife!"


Tumikwas ang gilid ng mga labi nito.

"Trust...it doesn't exist in our relationship, Lorraine. You ruined it countless times," mapait na sagot nito.




Nahihirapan na ang kalooban niya sa mga panunumbat nito. Hindi niya kinaya ang pagiging kalmante at pagiging prangka ni Cloud.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon