CHAPTER 48

63.9K 1.1K 7
                                    

"Hi, girls! How's everyone?" nakangiting bungad ni Lorraine kina Ian, Guia, Resha at Sidney na nakanganga at tahimik lang na nakatingin sa kanya.



Nasa Conchita sila, ang restaurant na pagmamay-ari ni Resha. Oo, sosyal na ang kaibigan niya at may sarili ng restaurant.

Sinundan siya ng mga ito ng tingin nang umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ni Resha. Karga-karga nito ang cute na cute na anak nitong babaeng si Dominique. Gigil na hinalikan niya ang bata saka pinisil ang pisngi nito.

Saludo siya sa kaibigan niyang si Resha dahil sa kabila nang pinagdaanan nitong dagok sa buhay, lalo na ang pagkamatay ng panganay na anak nitong si Dan-dan, ay nananatili itong matibay at matatag.

Kung sa kanya siguro nangyari iyon ay baka hindi na niya alam ang gagawin sa buhay niya. Hindi nga lang niya nakita nang ilang linggo si Cloud ay halos mabaliw na siya.



"Anong masamang hangin ang humampas sa iyong babae ka at biglang naging high sa kaligayahan? Noong huling kita natin ay bume-best actress ka pa sa drama dahil iniwan ka ni Cloud," taas kilay na komento sa kanya ni Sidney.



Bumungisngis siya.
"I got Cloud back. Apparently he can't live without me."


"Wow! Iba ka talaga, girl. Ang lakas rin ng kamandag mo kay Kuya Cloud, eh no?" ani Ian.


"Oo naman!"


"So, anong plano ninyo ni Kuya, mag-aanak na ba kayo?"


Napatingin siya kay Resha dahil sa sinabi nito. Natigilan kasi siya. Bumaba ang tingin niya kay Dominique. Inaamin niyang gustong-gusto niyang makakita ng cute na bata ngunit hindi pa siya handang maging ina. Feeling niya'y hindi niya linya iyon. Hindi niya kaya.


"Uh..w-well, a child is not in our mind right now. Me and Cloud are enjoying our lives with only the two us," mabilis na sagot niya. Kinuha niya ang ice tea sa harapan niya at ininom agad iyon. Bigla kasing nanuyo ang lalamunan niya sa topic.

Ngunit hindi tumigil sa pangungulit ang mga ito kahit nakikitang hindi siya komportable.

"Pumayag si Kuya Cloud? Hindi ba't mahilig siya sa mga bata? Naalala ko dati noong mga bata pa lang tayo, ang sabi ni Kuya gusto niya ng sampung anak," ani Guia.

Nasamid siya sa iniinom.
Sampu? Gosh! Ano ako, aso? No way! Masisira ang figure ko!

Naasiwang iniba niya ang usapan.
"Can we talk about other things? Anyway, how's everyone?" Matagal-tagal na rin mula nang huli niyang makausap at makita ang mga ito. Naging busy siya sa pagpapatakbo ng kompanya ng ama niya.

"Hindi kami fine!" sagot ni Sidney.

"Kailan ka pa naging 'fine'?" natatawang balik niya.

"Simula noong mag-away kayo ni Sophia! Kita mong hindi na siya nagpapakita. Hindi na namin alam kung saan na siya hahagilapin. Hindi namin siya ma-kontak!"

Awtomatikong napatingin siya sa bakanteng upuan sa kanyang tabi. Kulang nga sila. Exclusive lang kasi ang mesang iyon sa kanilang magkakaibigan kaya ramdam agad nila na may kulang. Actually ay kanina pa niya napapansin na wala si Sophia.

Bumagsak ang mga balikat niya.
"What do you want me to do?"

"Talk to her. For sure kapag kinausap mo 'yon, mawawala agad ang tampo n'on," ani Guia.

"Paano ko siya hahanapin kung kayo nga ay hindi siya mahanap? Galit sa akin 'yon kaya mas lalong iiwasan ako no'n!"

"Ay, shunga!" humagikhik na sabi ni Ian sabay high five kay Sidney. Nainis siya sa ginawa ng dalawa.

"Isa, Ian," banta niya rito, sabay pinandilatan ito ng mga mata.

"Shunga ka naman talaga. Nasa iyo ang pinakamalaking access, girl. Kapatid niya ang jowabels mo! Tanungin mo si Kuya kung nasaan ang little sister niya!"

Hindi siya nakaimik. Mayamaya'y nagsalita siya.
"Eh, paano kung hindi niya rin alam?"


Umingos si Sidney.
"Hay naku, hayaan na lang natin si Sophia. Malay n'yo, nakidnap na 'yon tapos pinatay tapos hinulog sa imburnal!"

"Sidney!" sabay pa nilang lahat na sita sa babae.

Inaamin niyang medyo kinabahan siya sa sinabi nito. Paano kaya kung may nangyaring masama kay Sophia kaya hindi nila ito mahagilap?
Oh, Lord. Please, huwag naman!

Matapos ang isang oras na pag-uusap ay nakabuo sila ng plano. Nakapagdesisyon sila na isa-isang hanapin si Sophia. Nagpaalam agad ang iba sa kanila na aalis na. Si Guia at Resha ay sinundo ng mga asawa samantalang si Ian at Sidney ay magkasabay na umuwi. Siya ay nagtungo agad sa sasakyan niya at tinawagan agad si Cloud. Hindi siya nakapaghintay na itanong dito kung nasaan si Sophia.


"Hey, Cloud..."



"Yes, My dear, I was about to call you up. Where are you?"

"I'm on my way to the company."

"Oh, can you please come here? I'm in Mc Belle Restaurant near the company. I want you to meet someone."

"Okay."

Ilang minuto pa ay nakarating na siya sa restaurant na sinasabi ng asawa niya. Nagpahid siya ng lipstick saka sinipat ang mukha sa salamin. Dapat magandang maganda siya para hindi mapahiya si Cloud.

Umibis na siya ng sasakyan at pumasok ng restaurant. Agad na namataan niya ang kanyang asawa na nakaupo sa isang four seater table. May kaharap itong isang makisig na lalaki na nakatalikod naman sa kanya. Naka-uniporme ito na tila isang kapitan ng barko o eroplano.

Tumayo naman si Cloud nang makita siya saka hinalikan siya sa pisngi. Pinaikot niya ang braso sa baywang nito saka tumingin sa kaharap nito.
Napatda siya sa hitsura ng lalaki. Medyo may hawig ito kay Emily ngunit hindi niya maitatangging malakas ang dating nito.

Idagdag pang may hitsura ito at makisig ding katulad ng asawa niya. Ngumiti ito sa kanya at lumabas ang malaking dimple nito sa kanang pisngi. Gumanti rin siya ng ngiti dito.

Tumingin uli siya sa asawa niya.
Nakangiting ipinakilala nito ang lalaki sa kanya.


"My dear, this is Captain Condrado Dimaguiba, Emily's cousin and my brother-in-law," tila proud na proud na pakilala nito.


Nanlaki ang mga mata niya. Napatingin uli siya sa lalaki.
Siya si Condrado? No wonder baliw na baliw si Sophia sa kanya.

Iyon ang unang beses na nakita niya ito kahit pa matagal na niyang alam kung sino ito sa buhay ng kaibigan niya. Hindi kasi ipinapakita ni Sophia ang picture nito sa kanilang magkakaibigan dahil baka raw magkagusto rin sila.

Inaamin niya, kung hindi lang niya mahal na mahal ang asawa niya'y baka magka-crush din siya kay Condrado. Pero dahil walang ibang guwapo sa paningin niya nang mga oras na iyon kundi si Cloud, hindi tatalab ang kamandag ni Condrado sa kanya.

Inaamin niyang guwapo ito, ngunit mas guwapo para sa kanya ang asawa niya. Mas maputi nga lang si Cloud dahil anak mayaman ito. Napag-alaman niya kasing isang simpleng trabahador sa Hacienda de Soledad si Condrado dati at doon ito nakita ni Sophia. Ang luka-luka niyang kaibigan ay pinikot ito. May ginawa yatang kalokohan si Sophia sa lalaki kaya napilitan itong pakasalan ang kaibigan niya.

Hindi na siya magtataka at mukhang nasa magkapatid na Martinez ang dugo ng mamimikot. Knowing what Cloud did to make her his wife. Napailing na lamang siya sa kalokohan ng magkapatid.

Pero wait, what is Condrado doing in here? I thought he was a world class pilot and he barely stays in Philippines? Is this about Sophia? May kinalaman ba siya sa pagkawala ng kaibigan ko kaya nandito siya sa harapan namin ni Cloud ngayon?

--------------

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon