CHAPTER 7

76.6K 1.4K 7
                                    

"Hey, another margarita, please!" tawag ni Lorraine sa bartender.



Nasa bar counter siya at umiinom mag-isa. As usual, maraming tao sa bar na pinuntahan niya. Nandoon kasi ang sumisikat na DJ sa bansa at nagpapamalas ng galing sa paglalaro ng musika. Pumapailanlang ang isang malakas at upbeat na club music. Hindi niya alintana ang ingay sa paligid dahil lunod siya sa sariling problema.

Medyo tipsy na siya dahil kanina pa siya umiinom. Naka-apat na baso na siya ng margarita. Wala ang mga kaibigan niya. Iyon ang unang beses na uminom siyang mag-isa.

Kapag tinawagan niya ang mga ito ay malamang puputaktehin siya sa problema niya. Hindi kasi siya mahilig tumambay sa bar at uminom. Iisipin agad ng mga ito na may matindi siyang pinagdadaanan at tiyak niyang hindi siya tatantanan ng mga kaibigan hangga't hindi siya nagsasabi ng totoo.

Pero ayaw nga niyang sabihin...
Gusto niyang lusutan 'yon ng mag-isa!
Kakayanin niyang harapin si Cloud ng mag-isa! Hindi siya hihingi ng tulong sa nga kaibigan, lalo na kay Sophia!

Nagpupuyos pa rin ang kalooban niya kay Cloud. Ang kapal ng mukha nitong gipitin siya ng ganoon! Parang gusto na niyang umiyak. Pakiramdam niya'y bibitayin siya sa tuwing naaalala ang nalalapit nilang kasal.




"Maam, may kasama po ba kayo? Mukhang lasing na po kayo. Hindi po kami nagbibigay ng panibagong inumin sa mag-isang costumer. Baka mapahamak pa po kayo sa daan," anang bartender sa kanya.




Agad uminit ang ulo niya sa sinabi nito. Nahampas niya nang malakas ang bar counter na siyang ikinaigtad nito. Talagang inaalipin na ng alak ang utak niya. Hindi na niya kasi makontrol ang kanyang sinasabi at ginagawa. Sino ba ito para sabihing hindi na niya kaya pang uminom?




"I don't care. Give me another glass right now!" matigas na utos niya.




Napakamot ito sa ulo. "P-pasensya na po, Maam, pero hin—"




"Give me another glass or I'll call your boss to fire you!" mataas na ang boses na banta niya rito. Humalukipkip pa siya. Ang bigat-bigat na ng ulo niya.



Tila namutla ito at hindi nakakilos. Agad na lumapit ang isang kasamaham nito.




"May problema po ba, Maam?" tanong agad ng bagong dating na bartender.




Itinuro niya ang naunang bartender. "This stupid bartender won't give me another drink. Don't you know who I am?" malditang sabi niya.




Nagtangka naman itong magpaliwanag.
"Kasi po, Maam, may—"





"Give her another drink, Karl."




Napalingon siya nang may magsalita sa kanyang likuran. Tila gusto nang sumabog ng ulo niya nang makita kung sino ito.

Si Cloud.




Oh, for crying out loud, what is he doing here? I'm drowning myself in alcohol just to forget his horrible existence and he keeps on appearing like that!




Nakapamulsang nakatitig ito nang mariin sa kanya saka naglipat ng tingin sa bartender.




"I'm with her. Give her another drink," kalmanteng utos nito sa mga bartenders na tila isang amo.



Mabilis namang tumalima ang dalawang bartender at nagkumahog sa pagkuha ng inumin niya.
Tumikwas ang gilid ng kanyang mga labi at inignora si Cloud. Lumapit ito sa kanya at umupo sa bakanteng stool sa kanyang tabi. Gusto sana niyang bulyawan ito at paalisin sa inuupuan ngunit nagpigil siya.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon