Excited na tumayo ang dise siyete años na bintanang si Cloud sa gitna ng kanilang campus gymnasium habang tangan ang isang bouquet ng mga rosas sa kanyang mga kamay.
Iyon ang araw na pinakahihintay niya— ang tuluyang kalimutan ang takot at pangamba upang isakatuparan ang kanyang matagal na niyang pinapangarap gawin sa larangan ng pag-ibig; ang magtapat ng pagmamahal sa bukod tanging babaeng pinag-alayan niya ng kanyang puso at damdamin.
Si Lorraine.
Nakangiting nag-thumbs up siya sa mga kinuntsaba niyang mga juniors, sophomores at freshmen na mga kaibigan upang maging instrumento sa kanyang planong pagtatapat. Nagtatago ang mga ito sa mga sulok ng gymnasium habang may dala-dalang tig-iisang tangkay ng mga rosas. Kapag nakapagtapat na siya kay Lorraine ay sesenyasan niya ang mga itong isa-isang lumabas at ibigay sa babae ang mga bulaklak.
Planado niya ang lahat. Ganoon siya ka seryoso sa binabalak niyang gawin. Ganoon siya ka-seryoso kay Lorraine. Kung ang ibang mga binatnang kaedaran niya ay ginagawang laro at biro ang ganoong bagay, siya ay hindi. Seryoso siya pagdating sa kanyang pagmamahal kay Lorraine. Handa niyang ialay ang lahat-lahat sa babae.
Nang matanaw ang kanyang kaibigang si John na paparating at nag-thumbs up—tanda na nagawa nito ang pinasuyo niya ritong kausapin si Lorraine na pumunta ng gym kung saan siya naroon—ay biglang nagrigodon ang puso niya.
Hinugot niya ang puting panyo sa bulsa at pinunasan ang kanyang noo. Paparating na ang babaeng minamahal niya. Maisasakatuparan na rin niya sa wakas ang pangarap niya.
Napangiti siya kahit kinakabahan nang masilayan ang mukha ng kanyang pinakamamahal na naglalakad papuntang gym. Kasunod nito ang dalawa nitong mga kaibigan na sina Leah, at ang kapatid niyang si Sophia. Walang problema sa kanya kung kasama nito ang dalawa, ang importante ay naroon ito.
Medyo nagtaka siya at kabuntot din ni Lorraine si Raphael na bitbit pa ang bag nito. Anong ginagawa nito doon? Ang alam niya kasi ay nanliligaw din ito kay Lorraine. Ganunpaman ay inignora niya ang presensya ng lalaki at nag-concentrate sa paparating na si Lorraine.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa bouquet ng mga rosas sa kanyang likuran at binigyan ng isang matamis na ngiti ang babae nang makarating ito sa kanyang harapan.
Lalo siyang kinabahan nang makita ang salubong na mga kilay nito habang nakahalukipkip na nakatingin sa kanya."I heard from someone that you want to see me here? What do you want? I didn't do any offense as far as I can remember," masungit na sabi nito.
Bigla siyang nawalan ng sasabihin habang nakatitig sa maganda nitong mukha. Nabibingi siya sa lakas ng pintig ng puso niya. Nanginginig ang kanyang mga tuhod.
"Hey!" Pinitik nito ang mga daliri sa harapan niya upang gisingin siya sa pagkatulala. Medyo nahihimigan niyang naiirita ito sa kanya.
Inalis niya ang bara sa kanyang lalamunan at pilit nagpaka-pormal. Dahan-dahang inilabas niya ang bouquet sa kanyang likuran at inabot sa babae.
"P-para sa 'yo, Lorraine," nakangiting sabi niya.
Narinig niyang patuyang nagtawanan sina Leah at Raphael sa likuran nito samantalang iiling-iling lang ang kapatid niya habang nakamasid sa kanila. Hindi siya pinanghinaan ng loob sa reaksyon ng mga kasama nito.
"What's that?" Tila lalo pang nairita si Lorraine nang makita ang bouquet na hawak niya.
"For you. I-I just want to tell you that I am in love with you and I..." biglang nablangko ang isipan niya habang nakatitig sa magandang mukha nito. Nakalimutan niya lahat ang minemorize niyang sasabihin.
"...I want to be your boyfriend. Please accept my love."
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
Художественная прозаLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...