Dahan-dahang pinihit ni Lorraine ang seradura ng pinto ng kanyang silid. Iniiwasan niyang makagawa ng ingay sa madilim na kuwarto. Nang mapagtagumpayang makapasok ng tuluyan sa silid na walang nagawang ingay ay tiningnan niya agad ang kama. Nagtaka siya at walang natutulog doon.
Where's Cloud?
Agad niyang binuksan ang ilaw at kumalat ang liwanag sa buong silid. Ngunit hindi niya pa rin matagpuan ang asawa niya. Pumasok siya sa kanyang banyo, sinilip kung nandoon ito. Ngunit wala...
"Nasaan siya? Galit ba siya sa akin?" nanlulumong kausap niya sa sarili. Kanina pa niya tinatawagan ito ngunit hindi ito sumasagot.
Aminado siyang malaki ang kasalanan niya. Nang magtext siya rito kanina ay nagreply lang ito ng "Fine. Have fun". Kinutuban siya sa reply nito dahil kadalasan ay isang paragraph ito kung magtext sa kanya. Hindi tatlong salita lamang. Kinabahan siya kaya tinawagan niya ito ngunit hindi nga ito sumasagot.
Malamang ay nagtatampo na iyon sa kanya at nagpalipas ng gabi sa totoong bahay nito.
Come to think of it, hindi niya pala alam kung saan ang totoong bahay nito. Hindi niya naitanong iyon dito. Kahit kailan naman ay hindi siya nagtanong ng mga bagay tungkol kay Cloud. Lagi na lang siya ang tinatanong nito.
Ayan tuloy, kahit gustuhin man niyang kausapin ito'y hindi niya alam kung saan ito pupuntahan.Napabuntong hininga siya habang binubuksan ang wardrobe niya. Nandoon pa rin ang mga gamit nito.
Buti na lang. I thought he's fed up on me.
Baka nagtatampo lang ito. Ganoon naman sila, away at bati. Ganunpaman, napag-uusapan naman nila agad ang away nila. Kahit iyong paggamit niya ng pills, matagal ngunit natanggap naman nito ang desisyon niya.
Nagpasiya na siyang mag-ayos at matulog. Masyado nang kinakain ng Fashion Show ang oras niya. Hindi dapat iyon ang unahin niya dahil may-asawa na siya. She must set her priorities.
Cloud is my priority but this event is only once in a lifetime. And this will definitely be the last. I can't compromise anymore. I can't compromise my husband.
------------
Isang masigabong palakpakan ang umugong sa buong SM Mall of Asia Arena. Nasa back stage si Lorraine at nire-retouch ng kanyang make-up artist. Nagsimula na ang Fashion Show. Nakikita pa niya ang mga kasamahang modelo na nakalinya habang suot ang mga damit na likha ng mga sikat ding Filipino Designers.
Naririnig na niya mula sa katabing speaker ang pagkanta ng isang local RNB artist na sikat na sikat ngayon sa buong Pilipinas.
Natuwa siya at nakakarinig din siya ng mga talentong pinoy. Nasanay siyang sina Adam Levine, Justin Beiber, Justin Timberlake at iba't ibang foreign artists ang kumakanta sa tuwing rumarampa siya.
Nang mag-cue ang director ng show na siya na ang susunod na rarampa ay inihanda na niya ang sarili.
I wish Cloud is here to witness my last walk. He never get the chance to see me walking in a runaway, I'm pretty sure he will be proud. And I could not ask for more.
She sighed and stood up in the back of the stage. As the curtains parted, he braced herself up again and flashed her famous stoic expression. She began walking, watching the stage.
Nakabibinging palakpakan ang naririnig niya. Nakakataba ng puso ang suportang ipinapakita ng mga Pilipino sa kanya. And they were not ordinary Filipinos. They are famous celebrities, prominent people, politician, beauty queens and etc.
Nasalubong niya ang mga mata ni Raphael habang kinukunan siya nito ng mga litrato. Nag-iwas siya ng tingin at ibinalik ang tingin sa mga tao. Bigla siyang kinabahan nang makita ang isang pamilyar na pigura.
Cloud?
Hindi siya sure kung si Cloud nga iyon dahil bigla itong nawala sa paningin niya. Hinanap niya uli ito sa kanyang mga mata ngunit hindi na niya ito mahagilap. Guni-guni niya lang ba iyon?
Ayaw pa sana niyang matapos na mag-pose sa stage ngunit may time limit ang exposure nila. Magsusuot na naman kasi sila ng panibagong design sa back stage.
Muli niyang binigyan ng isa pang sulyap ang mga audience, umaasang makikita ang kanyang asawa ngunit nabigo siya. Mabigat ang loob na tumalikod na siya at naglakad pabalik. Nang makabalik siya sa back stage ay magbilis siyang inayusan ng kanyang PA at iginiya sa dressing room upang magpalit ng panibagong damit.
Habang nagbibihis ay hindi niya mapigilang isipin muli ang nakita niyang pigura kanina.
"Was that Cloud? But that's impossible, he never had an interest in Fashion Shows like this. It is impossible for him to know. This was not even televised," kausap niya sa sarili.
"Miss Lorraine, two minutes before your next turn," paalala ng PA niya sa labas ng kanyang dressing room.
Mabilis naman siyang nag-ayos at hindi na nag-isip pa. Lakad takbo siya habang bumabalik sa back stage.
Muli niyang hinanda ang sarili. Kakaiba naman ang suot niya dahil halos kita na ang kaluluwa niya sa liit ng saplot niya.Isa iyong lingerie na gawa ng isang magaling na designer. Kakaiba dahil pinapalibutan iyon ng mga balahibo ng manok. Pati ang ulo niya'y may nakalagay na tila ulo ng manok. Nakakapagtakang naasiwa siya samantalang sanay siyang magsuot ng mga two piece sa Victoria's Secret dati.
Naasiwa siyang makita ng ibang tao ang katawan niyang para lang sana kay Cloud. Ewan niya ba at kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan niya. Nagpatuloy siya sa pagrampa. Isinapuso na niya ang ginagawa dahil iyon na ang kahuli-hulihang pagrampa niya.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
Fiksi UmumLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...