CHAPTER 52

56.3K 977 18
                                    

Mabilis lumipas ang isang linggo, puspusan na ang pag-eensayo nina Lorraine at ibang mga modelong rarampa sa Fashion Event na idadaos ng grupo nina Heather. Isang napakalaking fashion event kasi n'on dahil magso-showcase ng mga primera klaseng designs ang mga sikat at bigating Filipino Designers. Idagdag pang aabutin ng humigit kumulang pitompung libong katao ang inaasahang dadalo. At gaganapin iyon sa S.M Mall of Asia.

Isang linggo na rin niyang inililihim sa asawa niya ang pinaggagagawa niya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya masabi. Nakadagdag pa ang partisipasyon ni Raphael sa proyektong iyon kaya hindi niya magawang magtapat kay Cloud. Mabuti na lang at hindi na ito ang nagpapatakbo ng kompanya nila dahil tiyak na mapapansin nito ang lagi niyang pagliban sa opisina.

Ilang beses na siyang umuuwi ng dis oras ng gabi. Mabuti na lang at tulog lagi si Cloud sa tuwing nakakauwi siya. Kapag nagtatanong naman ito kung bakit ganoon ang oras ng pag-uwi niya'y idinadahilan na lang niya na subsob siya sa trabaho at marami siyang papeles na kailangang pag-aralan sa opisina.

Hindi naman ito nagkokomento sa isinasagot niya at tahimik lang na tumatango. Matalino si Cloud, alam niyang kapag nagpatuloy siya sa pagsisinungaling ay makakahalata na ito. Mabuti na lang at gaganapin na ang event kinabukasan at sa ngayon nga ay dress rehearsal na nila.

Pupungas-pungas na nagtungo siya sa banyo at naligo. Inumaga siya ng gising. Dapat ay alas cinco pa lang ng umaga'y naroon na siya sa runaway para sa dress rehearsal. Alas sais na. Kung hindi pa siya tinawagan ni Heather ay hindi pa siya magigising. Ganoon siya kapagod nang nagdaang gabi.

Matapos maligo at mag-ayos ng sarili ay kinuha na niya ang kanyang bag at lumabas ng kuwarto. Halos lakad at takbo na ang gawin niya upang tawirin ang distansiya ng pinto ng kanyang silid papuntang pinto palabas. Pipihitin na niya sana ang seradura nang biglang magsalita si Cloud.


"Going somewhere, My dear?"


Natigilan siya at napalingon sa dining table. Hindi niya napansin na naroon si Cloud at nagbabasa ng newspaper habang nag-aagahan. May umuusok na pagkain sa hapag. Kumalam ang sikmura niya ngunit pinigilan niya ang sarili. Male-late na siya!

Nang hindi siya sumagot ay ibinaba nito ang newspaper at seryosong lumingon sa kanya.
Ang lamig ng mga titig nito.

"I...uhm...I need to go...I'm late..." tanging nasambit niya.


Nanatili ang malamig tingin nito sa kanya. Napalunok siya. Nagpasiya siyang lapitan ito at gawaran ng halik sa mga labi. Kinabahan siya nang hindi ito gumanti. Tumingin siya sa mga mata nito. Kinakabahan siya sa malalamig nitong mga mata. Tila nang-aarok na naman ang mga tingin nito.



"Care to tell me your activities, Lorraine?" seryosong tanong nito.

Napakagat labi siya. He's mentioning my name and not "my dear" anymore. He's dead serious.

Inulit niya ang lagi niyang inirarason dito. "I'm busy int the office, Hon. I'm taking our family business seriously."


Tila hindi ito naniniwala ngunit hindi naman komontra sa sinabi niya. Nag-iwas ito ng tingin at may ibinigay sa kanyang tarheta.


"Take this," anito.


Tinanggap niya iyon at binasa. Isang address ang nakasulat doon.

"What's this?" nagtatakang tanong niya.


"I want you to be there at exactly seven in the evening. I'll be waiting for you," anitong tumayo na sa kinauupuan at nagpahid ng tissue sa bibig.



"But, Hon...I think I can't—"


Natigil siya sa pagsasalita nang magsalubong ang mga kilay nito sa kanya. "You're the boss of your own company, I can't see any reason for you not to stop working and join with me tonight."



The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon