One year later...
"Rain, don't forget Railey's first birthday, okay? See yah!"
"See yah. Bye," bagot na sagot ni Lorraine kay Sophia sa cellphone saka mabilis na nagpaalam.
Actually pang one hundred times na yata ni Sophia na ipinaalala sa kanya ang birthday party ng anak nito. As if makakalimutan niya eh siya ang tumulong ditong iluwal ang batang 'yon? Umiling-iling na lang siya at tumihaya sa kama. Tiningnan niya ang oras, alas dyes na ng umaga.
Kagigising lang niya. Binulahaw siya ng tawag ni Sophia. For seconds ay nakatitig lang siya sa ceiling kahit wala naman doon ang isipan niya.
God knows where...
Habit na niya iyon sa tuwing nagigising siya tuwing umaga. Wala naman talaga siyang particular na iniisip. Nakatitig lang siya doon. She suddenly felt the same old feeling again.
Emptiness...
Nagpasiya na siyang bumangon bago pa mauwi sa paglalakbay sa nakaraan ang utak niya. Marami pa siyang gagawin at isa na roon ay ang pakikipag-meeting sa isang panibagong kliyente.
Nanatili siyang Presidente ng kanilang kompanya at bumalik na rin kamakailan ang kanyang ama ngunit hindi na niya ito masyadong pinagtatrabaho. Matapos nitong magpagaling sa ICU at magpahinga ng ilang buwan ay nananatiling CEO ito ng kanilang kompanya. At tuwang-tuwa ito sa performance niya.
Ayaw niyang magmalaki pero simula noong pamunuan niya ang kanilang kompanya ay malaki ang inunlad ng negosyo nila. Nagkaroon sila ng maraming investors at nagkaroon sila ng iba't ibang expansions.
Lumawak nang husto ang business nila at naging kilala na rin sila sa loob at labas ng bansa.She tried hard to succeed. Not because she was extremely competitive but because she needed to keep herself busy. She needed her mind and body to be mentally and physically exhausted. Gusto niya, kapag umuwi siya ng bahay ay pagod na pagod siya at matutulog na lang. Ayaw niyang mag-isip pa. Baka kung saan na naman siya dalhin ng mga alaalang pilit niyang ignorahin.
Napabuntong hininga siya at bagot na pumunta ng banyo upang maligo. Excited siya sa pakikipagharap sa bagong kliyente ngunit hindi niya maikakailang kulang siya sa sigla. This past year, ever since she made that decision that turned her life upside down, tila isa na siyang robot na kumikilos lang dahil kailangan.
For a few minutes, she just stayed under the gushing water of the shower. Nakapikit siya at hindi kumikilos.
God, when will this end? Pagod na ako.
Kahit pa natatamasa na niya ang lahat, the love and appreciation of her father and the peak of her business career...she still feels empty. She's not miserable but she felt lonely.
Tumulo ang kanyang luha. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit nang tumulo ang mga luha niya nang walang dahilan. Akala niya ay pagod na siyang umiyak. Akala niya ay wala na siyang luhang mailalabas pa. Nagpasiya siyang patatagin ang sarili at umalis ng shower. Nagbihis na siya at umalis ng condo unit.
----------
Natapos ang pakikipag-meeting ni Lorraine sa kanyang bagong kliyente, si Jackson Biel. Isa itong half-American, half-Filipino businessman na nag-o-operate sa Hawaii ngunit gustong sumubok ng mga produkto sa Pilipinas. Mabilis na nagkapalagayan sila nito ng loob dahil mabait ito at maginoo.Guwapo rin ito at makisig. Humahanga siya sa lawak ng kaalaman nito sa pagnenegosyo. At kahit ayaw man niyang bigyan ng kahulugan ang mga titig nito sa kanya, alam niyang attracted ito sa kanya. Direct to the point din itong magsalita.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...