CHAPTER 73

88.7K 1.7K 169
                                    

"I said, get inside!" bulyaw ni Lorraine kay Cloud.

Nanatiling hindi kumikilos ito habang nakatingin sa helicopter sa harapan nila. Pinapasakay niya ito ng helicopter ngunit ayaw nitong pumasok. Kanina pa ito tahimik at hindi sumasagot sa mga tanong niya. Alam niyang galit ito dahil kanina pa nakatiimbagang. Wala rin naman itong choice kundi sundin siya.

Halos mabunutan siya nang napakalaking tinik sa puso nang malamang hindi naman pala ito ikakasal at best man lang. May pag-asa la siya. Tama si Sidney, masyado kasi siyang impulsive. Nakabuti na rin iyon dahil madali niyang nasolo si Cloud. This time ay itutuwid na niya lahat ang mga kamalian.

"Why are you acting so brave? Nakakalimutan mo ba na hawak ko ang buhay mo? One click of this gun and your life is over!" pananakot niya rito.

Iiling-iling na pumasok ito ng helicopter. Alam niyang hindi naman talaga ito masyadong natitinag sa baril pero sinusunod naman ang gusto niya.

Pakipot kasi. Hindi na lang ako kausapin!

She's planning to bring him back to the mountain where Ka Teryo and his folks live. Doon mismo sa bahay na tinirhan nila ni Cloud ng ilang linggo. Gusto niyang isipin na gumaganti siya rito dahil sapilitan din siyang dinala nito doon noon. Pero ang totoo ay gusto niyang dalhin ito doon upang masolo ito at mag-usap sila nang maayos.

Mas maganda nang doon upang kapag nag-away na naman sila ay mabilis silang makapag-usap at magkabati. Napapagod na kasi siya na sa tuwing may hindi sila pagkakaintindihan ay lagi na lang umaalis ang isa sa kanila at matagal bago bumalik. Nagkapatong-patong na ang hinanakit nila sa isa't isa na dapat ay napag-uusapan agad nila sa umpisa pa lang para hindi na lumaki.

Tinawagan niya ang sarili nilang company chopper upang dalhin sila doon. Walang kamalay-malay si Cloud sa binabalak niya. Maganda na rin iyon para hindi na ito makapalag pa. Nanatili itong tahimik at nakatanaw sa malayo.

Minabuti niyang kunin ang kanyang hand lotion saka ipinahid sa kamay. Inaamin niyang nagustuhan niya ang suot ni Cloud na tuxedo. Maganda ang pagkakagawa ni Sophia doon at  lalong lumutang ang kaguwapuhan ng asawa niya. Mabuti na lang pala at dinukot niya ito upang hindi na ito mapagpantasyahan pa ng ibang babae.

"You're not even going to ask me why we're in a helicopter?" tanong niya sa nananahimik na si Cloud.

Hindi ito sumagot. Nakatingin lang sa labas ng bintana.

Bingi-bingihan. Kuuu...

"Because I want to push you in the ocean!" inis na sagot niya.

Hindi pa rin ito nagkomento. Ang sarap nitong itulak sa dagat kung hindi lang niya ito mahal.
Nagpasiya siyang isuot muli ang kanyang mamahaling shades at sumandal sa upuan. Kunwari ay natutulog siya at isinandal ang ulo sa balikat ni Cloud.

Naramdaman niyang tiningnan siya nito. Pilit nitong tinatanggal ang ulo niya ngunit lalo pa niyang idiniin ang sarili at ipinulupot ang mga kamay sa braso nito. Narinig niya pa ang pagbuntong hininga nito at hinayaan siya. Gusto niyang matawa, talo ito sa kakulitan niya!

Nagising siya sa malamig na hanging dumadampi sa balat niya at sa ingay ng mga manok sa paligid. Nang idilat niya ang mga mata ay nasa pamilyar na kubo siya. Ngunit nag-iisa lang siya sa kuwarto. Wala si Cloud! Hindi kaya ay iniwan siyang mag-isa nito doon at umuwi ito kasama ang helicopter?

Mabilis siyang bumangon at hinanap ito. Nagsimula na siyang kabahan nang hindi ito makita sa buong bahay. Nang lumabas siya ay nagulat pa siya nang makitang pinapalibutan na nang naglalakihang nga puno ng mangga ang bakuran. Umuulan nang malakas sa labas, kaya pala malamig. Nag-iba na rin ang paligid, marami nang tumubong mga puno ng mangga sa unahan. Pinanatili kaya nito ang ayos sa lugar na iyon kahit nasa siyudad na sila?

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon