"I said revise this report!"
Napatigil sa pagbubukas ng pinto si Cloud nang marinig ang malakas na sigaw ng kanyang asawa na si Lorraine mula sa loob ng opisina nito. Tumigil siya sandali sa pagkilos at piniling makinig sa dahilan nang pagsigaw nito. Nahuhulaan na naman niya kung bakit. Malamang ay pinagagalitan na naman nito ang sekretarya.
Hindi na bago sa kanya na lagi niyang nararatnan ang asawa sa opisina nito na mainit ang ulo. Actually, she is five months pregnant. Laking tuwa niya nang malaman na nagbubuntis na ang kanyang asawa. At kambal pa! Wala na siyang mahihiling pa! God must have listen to hin once and for all because He didn't just give him his prayer, He poured it.
Lorraine as his wife is already a dream come true. When she fell deeply in love with him was his biggest triumph. Having her carry his own heir was a blast of blessing. He couldn't ask for more. He was utterly and completely happy. He couldn't believe how he almost gave up on loving Lorraine. It was a good thing he kept fighting. He had the most wonderful reward at the end.
Pero magmula nang mabuntis si Lorraine, inaamin niyang lalo itong nagiging tigresa. Well, mahal niya ang asawa niya but he must admit she was a little fierce. Nagiging mas mainitin ang ulo nito ngayon at laging nasisinghalan ang mga tauhan nito. Alam naman niyang epekto iyon ng pagbubuntis nito pero kaawa-awa ang mga nasasampolan ng kamalditahan ng asawa niya. Mabuti na lang at sa bahay nila'y maamo naman ito sa kanya.
Napaatras siya nang biglang bumukas ang pinto at nakasimangot na lumabas ang sekretarya nito. He must commend the secretary for staying with his wife amidst all her attitude crisis recently. Nag-mental note siyang bibigyan ito ng regalo o bonus sa suweldo para naman maibsan ang sama ng loob nito.
"Who's in there? Show your face to me, you eavesdropper!" rinig niyang sigaw na naman ni Lorraine sa loob. Marahil nakita nito ang anino niya kaya napagkamalan siyang usisero.
Nagpasiya siyang pumasok sa loob ng opisina nito. Agad na nabura ang nakasimangot nitong mukha nang makita siya. Ngumiti ito nang pagkatamis-tamis at patakbong lumapit sa kanya. Agad itong yumakap sa kanya at ipinulupot ang mga kamay sa kanyang leeg. Dinampian niya ito nang masuyong halik.
"How are you, sweetheart? I missed you so much," malambing na sabi nito.
Gusto niyang matawa. Parang hindi ito nanigaw at nanindak ng sekretarya kanina sa bilis nang pagpapalit ng mood.
"I don't believe you missed me. I just heard you terrorizing the secretary a while ago," biro niya.
Nanulis ang nguso nito. He found it cute so he kissed her instantly without saying a word. Ngumisi ito. It made his heart skipped a beat.
How beautiful!
Hindi niya alam kung paano pasasalamatan ang Diyos sa biyayang ipinagkaloob Nito sa kanya. Sometimes he thinks that he doesn't deserve all His blessings. That he doesn't deserve Lorraine for he was just a simple man and Lorraine is something else. Isang bituin si Lorraine na nasa pedestal at kay hirap abutin at pinapangarap din ng karamihan. Samantalang siya ay kontento nang nakamasid dito. He couldn't believe his luck.
Ilang beses na siyang pinaiyak at nasaktan nito. Dumating siya sa puntong durog na durog na siya at gusto nang sumuko. Mabuti na lang at hindi ito sumuko sa kanya. Nasasaktan din naman siya sa tuwing itinataboy niya ito para maprotektahan niya ang kanyang sarili. Ngunit sa pag-iwas niya rito'y hindi niya inaasahang nasasaktan din niya pala ito. Kaya bakit pa niya pahihirapan ang mga sarili nila kung puwede naman pala silang lumigaya?
Letting go should never be a first choice. Fighting for your love is. And that's what he learned from the challenges with their relationship. Worth it din naman ang paghihirap nila kasi nananatili ang pagmamahal at respeto nila sa isa't isa. They learned from the hardships they've been through. May bonus pa silang mga babies.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...