"Why do you want me to dive deep and catch a big fish while there are lots of small fish around here?!" iritableng tanong ni Lorraine kay Cloud.
Kanina pa sila sumisid sa ilog. Namumula na ang ilong niya. Tinuruan siya nito ng iba't ibang estilo kung paano manghuli ng isda. Kapag sumisisid naman sila ay ayaw nitong puntiryahin niya ang maliliit na isdang nasasalubong nila. Ang gusto nito ay iyong malaki, katulad nang nahuli nito kanina.
"Because those small fish are still young. They don't have the essential nutrients that we need! Let them grow first," sagot naman nito.
"Why are you so picky? We just need something to eat, that's all!"
"If you want to eat, eat healthy. Don't settle for anything less. Just like in business, My dear. Aim for big investors that can contribute a lot in your company. You cannot benefit from small time investors, just give them your support," paliwanag na naman nito.
"Don't explain to me your crap because I'm not a businessman!" inis
na sagot niya."Yes you are. After this vacation, I'm gonna teach you how to manage your family's business," seryosong saad nito.
Nalaglag ang mga panga niya. "Why me?"
"Because you are my wife and the sole heiress of your family's empire," sagot nito.
Naguguluhang napatingin siya rito. "Anong pinagsasasabi mo? I have my siblings. And they're the legal children."
Mariing napatingin ito sa kanya. "That's why I told you to read the contract I gave you before agreeing to marry me," iiling-iling na sabi nito.
Naguguluhang nakamasid lang siya rito. Lumapit na naman ito sa kanya at hinapit siya sa baywang. Napakapit siya ng mahigpit dito dahil alam na niya ang susunod na gagawin nito.
Lumusong uli sila sa tubig. Nakayakap pa rin siya ng mahigpit dito. Tinanggal naman nito ang pagkakayakap niya sa katawan nito at itinulak siya. Hinila nito ang braso niya para sumisid sa ilalim.
Nang makakita ng malaking isda ay binitiwan siya ni Cloud saka nito iyon hinabol. Nakaabang lang siya at naghihintay sa mangyayari. Nang harangin ni Cloud ang daanan ng isda ay napaliko ang isda at lumangoy papunta sa direksyon niya. Agad naman niyang itinutok ang spear sa isda at sinalubong ito.
Huli na nang mapagtanto ng isda na nakatutok dito ang spear dahil mabilis na naitarak niya iyon sa katawan nito. Tuwang-tuwang umahon sila ni Cloud.
"I did it!" tuwang-tuwang sigaw niya saka itinaas pa ang spear na may isda sa ere. Kumekembot-kembot pa siya sa tubig sa katuwaan.
Nakangiti namang nilapitan siya ni Cloud saka siya hinapit at hinalikan sa mga labi. Nabura ang ngiti niya at nasentro ang kanyang utak sa mainit na labi ni Cloud na masuyong gumagalaw sa ibabaw ng mga labi niya. Nag-init ang kanyang pakiramdam. Awtomatikong napapikit siya.
God, why am I feeling like this? I like his kiss!
Nang pailaliman nito ang halik ay nabitawan niya ang spear at nangunyapit sa batok nito. Agad naman nitong nasalo sa isang kamay ang spear at nagpatuloy sa paghalik sa kanya.
Hindi iyon ang unang beses na nahalikan siya. Ilang lalaki na ang nakatikim ng mga labi niya pero bakit parang kakaiba ang mga labi ni Cloud? Ibang iba rin kay Raphael. Lalo na nang magsanib ang mga dila nila, parang kumalat ang init sa buong katawan niya. Para siyang kinukuryente.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...