"Hey, girl, how are you?" tanong ni Lorraine kay Sophia sa kabilang linya. May gusto siyang itanong dito.
Lately ay napapansin niyang malungkot si Cloud.
Natatanggap kasi ito ng balita na lumalala ang sakit ng Lolo nito. Lagi niya itong nahuhuling nakatulala. Minsan pa'y nahuhuli niyang namamasa ang mga mata nito sa tuwing kausap ang abuelo sa telepono.Ayaw niyang nakikita itong ganoon. Nahahabag ang kalooban niya. Gustong-gusto niyang aluin ito ngunit kapag lumalapit siya'y panay naman ang iwas nito sa kanya. Kung may magagawa lang sana siya para maibsan ang lungkot na nararamdaman ng asawa niya.
"Not fine. Nasa Davao ako, girl. Binabantayan ko si Lolo," sagot nito sa kabilang linya.
"Oh, my God! Don't tell me nagkita uli kayo ni Condrado? Umuwi rin siya diba?"
Si Condrado ang estranged husband ni Sophia. Maagang nagpakasal ang mga ito at maaga ring naghiwalay.
"Uh...y-yeah. Who told you?"
Natigilan siya. Paano niya sasabihing si Cloud ang nagsabi? Sinesekreto pa rin niya ang relasyon sa kapatid nito.
"Uhm...I was just guessing. Anyway, how's your Lolo?" pag-iiba niya sa usapan.
"He's getting worse day by day. I'm so sad, I don't want him to die," naiiyak nang sabi nito.
"Hey, don't cry. It will be fine..." pagpapakalma niya rito.
"I wish Kuya Cloud was here. We need him! But I don't know where he is. He filed a long leave in his company. The last time I heard from him is he's going to help a very important person."
Natigilan siya. Yeah, I'm that very important person.
Nang matapos ang tawag kay Sophia ay agad niyang pinuntahan si Cloud sa opisina. Nakaharap ito sa labas ng bintana at nakapamulsa, malalim ang iniisip. May palagay siyang namomroblema na naman ito sa kondisyon ng abuelo.
Na-guilty na naman siya. Kung hundi dahil sa problema ng kompanya ng pamilya niya'y baka nasa tabi ito ng Lolo nito ngayon.
Lumapit siya rito at niyakap ito mula sa likuran. Napalingon ito sa kanya ngunit ibinalik agad ang tingin sa labas ng bintana.
"How's your Lolo?" tanong niya.
He sighed.
"I don't know. I don't want to think he's leaving us. It will just break my heart," malungkot na sabi nito.Lalo siyang nahabag dito.
"Do you want to go back to Davao?" tanong niya.Humarap ito sa kanya.
"I wished I could but...how about you and this company?""I can manage for now. Leave it to me. If there's a problem, I'll call you. In the meantime, stay with your Lolo," nakangiting sabi niya.
Masuyong hinaplos nito ang mukha niya. "Are you sure?"
Tumango siya saka ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito. Tumingkayad siya at ginawaran ito ng isang mabilis na halik sa mga labi.
"Don't worry about me, you take care of your Lolo, okay?"
Tumango ito saka ngumiti. Ngiting hindi umaabot sa mga mata.
He's really sad. I wish I can lessen his burden.
---------
Isang linggo na ang nakakaraan magmula nang umuwi si Cloud ng Davao. Isang linggo na ring parang tangang nakatitig su Lorraine sa larawan nito sa kanyang cellphone. Stolen shot nito iyon habang nakayuko at nagsusulat sa opisina.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
Художественная прозаLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...