CHAPTER 40

61.3K 1.2K 39
                                    

"Uh...C-cloud... I mean, Chairman, are you going somewhere?" kandautal na tanong ni Lorraine kay Cloud.





Nag-angat ito ng tingin sa kanya mula sa binabasa nitong dokumento saka tumango. Nadismaya siya. Akala niya'y mayayaya niya itong lumabas. Birthday niya kasi.

Kanina pa niya gustong yayain ito kaso bigla silang nagkaroon ng meeting. Naiinis siya dahil panay ang pagpapatawag nito ng meeting, mukhang minamadali nito ang progreso ng kompanya. Halatang gusto na nitong iwan ang posisyon. Halatang gusto na siyang iwan nito.

Katatapos lang ng kanilang meeting at nagbabakasakali siyang maka-date ito sa espesyal na araw na iyon ngunit binigo siya nito. Pero hindi pa rin siya susuko!





"Is that important? Can you cancel it for me? I need to talk to you," giit niya.





Tumaas ang kilay nito.
"It is very important and I cannot cancel it just because of you."




Ouch! Nag-init ang kanyang mukha lalo pa't nandoon ang sekretarya ng kanyang ama at kanina pa nakikinig sa kanila. Ito rin kasi ang sekretarya ni Cloud.





"If you don't have anymore concerns, I'd better get going. I don't wanna be late with my appointment," tila nagmamadaling sabi no Cloud saka tumayo at nag-iwan ng mga instructions sa sekretarya.




Walang paalam na tinalikuran siya nito at lumabas ng conference room habang bitbit ang attaché case. Naiwan siya roong nagngingitngit. Sakto namang tumunog ang cellphone niya. Nang makitang si Sidney ang tumatawag ay agad na sinagot niya iyon.





"Hello?" medyo iritableng sabi niya.




"O, napaano ka na naman? Bakit ang init ng ulo mo?"





"Hindi mainit ang ulo ko!" asik niya rito.




"Hindi pa mainit ulo mo sa lagay na 'yan, ha. Natutunaw na nga ang cellphone ko, eh," pang-aasar nito.




Nairita na siya ng tuluyan. "What do you want?!"




"Tsk! Sunduin mo nga ako dito sa East Dane Garden Restaurant. Naiwan ko ang wallet ko sa bahay, wala akong pambayad," anito.



"Great! Eh di maghugas ka ng mga plato!"



"Nakakayamot ka talaga! Puntahan mo na ako dito! Bilis na! Ang dami pang satsat!" reklamo nito.




Patitikimin na niya sana ito ng sermon ngunit nagbago ang isip niya. Nakakapagtaka at hindi na siya masyadong palaaway. Nahawa na yata siya sa pagiging kalmante ni Cloud.

Wala siyang nagawa kundi puntahan si Sidney sa restaurant na sinasabi nito. Nasa gitna iyon ng isang mall na parang hardin. Malapit lang ang mall sa building nila.

Nagulat siya nang makita ito sa isang mahabang mesa na alam niyang pang maramihan. Agad na nilapitan niya ito saka pinagalitan.




"You have some guts eating in this expensive restaurant with a table reserved for six without bringing a single cent? Shame on you!"




Nagkibit balikat ito sa sinabi niya saka may sinenyasan sa likuran niya. Nang mapalingon siya ay nagulat siya nang makita sina Ian, Guia at Resha sa kanyang likuran habang may bitbit si Guia na isang cake.





"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" panabay pang kanta ng mga ito.




The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon