CHAPTER 39

61.5K 1.2K 49
                                    

"H-hello?" ani Sidney sa kabilang linya na halatang bagong gising. Naririnig pa ni Lorraine ang paghikab nito.



"Where are you? Come to my unit now!" mabilis na utos niya.




"Anak ng...teka, sino ba 'to? Lorraine, ikaw ba 'to?"




"Sino pa ba? Can you stop asking questions and come here? I need you! I'm going crazy!" frustrated na sabi niya.






"Huwag mo akong aartehang babae ka, ha! Matagal ka ng crazy!" bulyaw nito sa kanya. Nakangiwing inilayo niya ang tenga sa cellphone dahil muntik na siyang mabingi sa lakas ng boses nito.






"God, Sid! If you don't want to sleep, let me sleep!"
Narinig niyang reklamo ng isang lalaki sa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata niya, may kasama si Sidney sa kuwarto nito? At lalaki pa!






"Hey, hey, who is that, Sidney? Nagpapatulog ka ng lalaki sa kuwarto mo?" naninitang tanong niya rito.





"Anong pinagsasasabi mo? Si Andrew 'yon! Natutulog dito sa kwarto ko," sagot nito.





Napamaang siya. Ang alam niya, bodyguard ang papel ni Sidney sa buhay ni Andrew, hindi girlfriend!






"Bakit mo siya pinapatulog d'yan sa kwarto mo? Amo mo siya! Baka ano pang mangyari sa inyo!"






"Yuck!" mabilis na sagot nito. "Naglasing ang kumag dahil iniwan ng girlfriend, dito na nakatulog sa kuwarto ko! Teka, bakit ba ako nagpapaliwanag sa 'yo? Dapat ikaw ang magpaliwanag sa akin dahil tumawag ka ng ganitong oras!"





Napakamot siya ng ulo. Alas tres na kasi ng madaling araw. Hindi siya makatulog dahil nag-iisip siya ng plano kung paanong hindi siya iwan ni Cloud.

Ngayon lang nag-sink in sa utak niya ang drastic move ng asawa niyang i-annul ang kasal nila. Mali kasi talaga ang inaakala nitong nagsiping sila ni Raphael. Hindi rin niya masisisi ito dahil may nagpadala rito ng mga larawan. Kahit siya, ganoon din ang iisipin kay Cloud kung may nakunan ito ng litrato habang nakikipagyakapan kay Emily.

Idagdag pang lagi niyang ipinagsisigawan dito dati ang pagmamahal niya kay Raphael. Malamang ay napuno na ito at umawas na ang hinanakit sa puso. Kaya ganoon na lang ang pagnanais niyang ibalik ang nawalang tiwala nito sa kanya.

Ang problema ay kung paano? Wala siyang alam sa panunuyo ng isang lalaki. Hindi kasi siya ang naghahabol kundi siya lagi ang hinahabol. Si Cloud lang ang bukod tanging lalaking hahabulin niya sa tanang buhay niya.





"May malaking problema ako, ano ka ba? I need your brilliant idea!"





Pumalatak ito. "Si Cloud na naman ba 'yan?"




"Yes."





Nakikinita na niyang umikot ang mga eyeballs nito sa kabilang linya. "Bakit hindi mo tinawagan sina Ian, Resha at Guia? Busy akong bantayan itong alaga ko!"






"Duh, as if kukunsintihin ako nina Resha at Guia kapag nagpapayo ako sa kanila. Conservative ang mga 'yon. For sure papayuhan ako ng mga 'yon na hintayin si Cloud."





"Oh, eh, bakit hindi mo nga naman hintayin? Malay mo nagtatampo lang 'yon sa 'yo tapos makikipagbalikan after?"






"No...I can sense something, Sid. Feeling ko fed up na siya sa akin. He told me to let him go," naiiyak na pagkukuwento niya.






The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon