Ala una na ng madaling araw ngunit dilat pa rin ang mga mata ni Lorraine. Sinilip niya si Cloud na natutulog sa katabing couch. Hindi niya pinayagang matulog ito sa tabi niya dahil baka kung ano na namang gawin nito.
Kailangan niyang dumistansiya sa lalaki. Napapansin niya kasing hindi na siya katulad ng dati na mabilis na nakakaiwas sa mga advances nito. Ngayon ay natatangay at nadadarang na siya nito.
She wondered what changed. Kung pagbabasehan ang feelings niya kay Raphael ay wala namang nagbago.Ang feelings niya siguro kay Cloud ang medyo nag-iba. Medyo nagiging malapit na ito sa puso niya. Pero sigurado siya, si Raphael pa rin ang mahal niya.
Nang maalala si Raphael ay bumangon siya at nagsuot ng roba. Tatawagan niya ang lalaki sa may balcony. Mabilis siyang lumabas ng kuwarto at nagtungo sa balcony.
Inilabas niya ang cellphone at idinial ang numerong ibinigay ng lalaki. Sigurado siyang gising pa ito dahil alas siyete pa ng gabi sa France ng mga oras na iyon. Makailang beses na nag-ring ang phone bago may sumagot.
"Hello, this is Raphael speaking."
Tumahip ng malakas ang dibdib niya nang marinig ang boses ng lalaki. Para siyang kinakapos ng hininga.
"H-hello?" aniya.
"Yes, who's this please?"
"Raph, this is Lorraine," pakilala niya. Kinakabahan pa rin siya.
Sandali itong natigilan bago sumagot. "Hey, Lorraine! I was lookin' for you. How are 'ya?"
Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makapaniwalang nag-uusap sila ng lalaki ng mga oras na iyon.
"I'm great! I'm in Philippines right now," sagot niya.
"Really? I'm about to go there. Actually, I booked a flight for tomorrow!"
Na-excite siya sa sinabi nito.
"Let's meet up! Just call me once you arrived in Manila!""Alright. See you then!"
"Right, see you..." Humugot siya ng malalim na hininga bago sabihin ang matagal na niyang gustong sabihin dito.
"I missed y---"
Ngunit hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla na lamang namatay ang linya. Napabuntong hininga siya.Biglang sumingaw ang munting ngiti sa kanyang mga labi. Magkikita na sila ni Raphael! Tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkita sila ng lalaki!
Nagpasiya siyang bumalik na sa silid nila ni Cloud. Pagpihit niya ay muntik na siyang atakehin sa puso nang makita ang Mama ni Cloud na nakahalukipkip na nakatayo sa bukana ng balcony.
Tila tinakasan siya ng dugo sa mukha. Kanina pa ba ito roon? Naririnig ba nito ang pag-uusap nila ni Raphael? Bigla siyang kinabahan.
"A-auntie..."
Madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Akmang lalagpasan na niya ito nang magsalita ito.
"I'm not always in my children's side but I love them more than your father loves you. Don't do anything that will break my son's heart or I'll ruin you. You don't know what I'm capable of, My dear," mahina ngunit nagbabantang sabi nito.
Napalunok siya. Hindi siya sumagot at tuloy-tuloy na iniwan ito. Mukhang narinig nga nito ang pinag-usapan nila ni Raphael. Sana huwag siya nitong isumbong kay Cloud. Tiyak na magagalit sa kanya ang asawa niya.
Hindi siya natatakot sa banta ng Ginang. Hihiwalayan niya si Cloud bago pa lumalim ang pagsasama nila. Iyon ang ipiproceso niya sa Manila kapag bumalik sila.
-----------
"Bakit gusto mo nang umuwi sa Manila? Hindi ba napag-usapan na natin ito? Mananatili muna tayo rito hangga't hindi pa tuluyang gumagaling si Lolo?"
Hindi makatingin ng diretso si Lorraine kay Cloud habang nakikiusap ito sa kaniyang harapan. Nagpumulit siyang umuwi kahit ayaw pa nito.
"I c-cant stand your mother, Cloud! And b-besides, she can take care of your grandpa. Better yet, stay here and I'll go home alone," pagdadahilan niya.
"I told you to ignore Mama. She can't harm you as long as I'm here. I will protect you from her."
Marahas siyang napabuntong hininga.
"Please, Cloud. I want to breath! I want to stay away from your family drama because I'm still stuck on my own!"Matagal siyang tinitigan nito bago bumagsak ang mga balikat.
"Okay. If that's what you want, I'll let you win this time. I'm going to pack my things too," sumusukong sabi nito."No, stay here, Cloud. Your Lolo needs you," pigil niya.
"You're right, My Dear. I shouldn't have included you in my family drama. I forgot you are going through just the same. I'll call Sophia to come here since Condrado is also going home. I'll just finish what I left in your family's business."
Wala siyang nagawa kundi hayaan itong mag-empake ng mga gamit nito. Nakokonsensya tuloy siya. Napakabait at maunawain nito. Hindi niya dapat sinasamantala iyon. Dapat na talaga niyang pakawalan ang lalaki. Mas lalo itong masasaktan kapag lumalim pa ang nararamdaman nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...