CHAPTER 60

57.4K 1K 14
                                    

Abot-abot ang kaba ni Lorraine habang tumatakbo papuntang Emergency Room ng ospital kung saan dinala si Cloud. Kasunod niya sina Sidney, Ian, Guia at ang asawa nitong si Diego. Sina Sophia, Resha at ang mga asawa ng mga ito ay naiwan sa bahay nina Sophia dahil nga sa party.

Na-guilty siya kay Sophia dahil kailangan pa niyang ilihim dito ang nangyari sa kapatid nito. Hindi niya kayang sabihin dito ang masamang balita dahil ipinagdiriwang nito ang kaarawan ng anak.

Maraming tao ang nasa Emergency Room, hindi niya tuloy malaman kung saan siya magtatanong kung nasaan si Cloud. Para siyang baliw na isa-isang tinitingnan ang mga pasyenteng nakahiga sa kama.
Pinanghinaan siya ng loob nang hindi makita ang asawa niya.

Nang makakita ng Nurse Station ay agad siyang nagtungo roon at nagtanong sa nag-iisang nurse na nakatayo.

"Miss, where's Cloud Martinez?" tanong niya sa Nurse. Nanginginig na siya sa sobrang kaba.

Saglit na natigilan ang nurse nang makita siya. Mukhang na starstruck pa ito sa kanya at hindi makapagsalita.

"He arrived due to vehicular accident," dagdag ni Guia na nakarating na rin sa Nurse Station, kasabay sina Diego, Ian at Sidney. Tumakbo kasi siya kanina kaya naiwan ang mga ito sa hallway.

Doon lang tila nakahuma ang nurse.
"Ah...s-si Mr. Martinez po, iyong nagtamo ng multiple trauma dahil sa car collision? Nasa Operating Room na po. Direct admission po iyon dahil kailangang ma-operahan ang paa niya dahil sa multiple fracture,"  tuloy-tuloy na imporma ng nurse.

Oh,my God!

Napakapit siya nang mahigpit sa braso ni Guia dahil sa narinig. Hindi niya maisip na ang kanyang pinakamamahal na si Cloud ay nagtamo ng maraming bali sa katawan.

Tila bibigay na ang mga tuhod niya sa sobrang panginginig. Parang deja vu ang nangyayari sa kanya. Parang ganoon din ang scenario na nangyari sa kanya noong isinugod sa ospital ang kanyang ama.

Ang sikip ng kanyang dibdib, hindi siya makahinga. Nananakit na ang mga mata at lalamunan niya sa pag-iyak. Mabuti na lang at iginiya siya nina Sidney at Ian sa isang bakanteng upuan. Sina Guia at Diego ay nagpaiwan sa Nurse Station at kinausap ang doktor na sumuri sa asawa niya.

Oh, God, please help my husband to get through this. Don't take him away from me. He's my life and my happiness.

Nagsisisi siya sa mga nagawa at pagtrato niya noon kay Cloud. Kung sana'y nagawa niyang iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal, hindi nito sasapitin ang ganoong trahedya.

Naramdaman niya ang mahinang paghagod ni Ian sa kanyang likuran.

"Calm down, Lorraine. Everything's going to be fine. Cloud is strong and brave. I bet God wont let him down because he's a good person," pagpapakalma ni Ian sa kanya.

Kung sana ay ganoon lang kadali gawin ang sinabi ni Ian. Paano kung kunin si Cloud sa kanya ng Diyos dahil sa sobrang kabaitan nito? At paano kung isa iyon sa parusa ng Diyos sa kanya dahil sa pagwawalang bahala niya sa mga taong nagmamahal sa kanya?

Nasapo niya ang kanyang mukha dahil sa pagtulo na naman ng kanyang mga luha.
Narinig niya ang mga yabag ng kung sino na papunta sa direksyon niya kaya nag-angat siya ng tingin. Sina Guia at Diego, malungkot na nakatingin ang mga ito sa kanya. Lalo siyang kinabahan.

"What happened?" agad na tanong niya.

Nagtinginan muna ang mag-asawa bago nagsalita si Guia.

"Cloud is in critical condition right now and he needs to undergo multiple surgeries. His right femur—the long bone on his right thigh—is severely injured. The Orthopedic Surgeon will place some screws and plates on his broken femur to put it back. If the operation will be successful, he's going to have a cast and won't be able to walk for  some time," ekspleka ni Guia.

Mas lalo siyang nahintakutan. Nasa kritikal na kondisyon ang asawa niya!
Nabali ang buto nito at kailangan nito ng matinding operasyon. Nalulungkot siya dahil alam niyang made-depress ito kapag nalaman nitong hindi ito makakalakad pansamantala kapag nagising na ito. Sana ay maging matagumpay ang operasyon. Hindi niya kayang may mangyaring masama kay Cloud.

"Don't worry, Lorraine, you'll get through this. Just pray, okay?" ani Guia at hinawakan pa ang balikat niya.

Humugot siya ng malalim na hininga saka tumango. Umaasa siyang magiging maayos lang ang lahat.
Sana makaligtas si Cloud. Kapag nangyari iyon ay hindi na niya ito bibigyan pa ng sama ng loob. Pagsisilbihan at aalagaan na niya ito. Ipapadama niya rito ang kanyang pagmamahal na ilang taon din niyang ipinagkait sa asawa.

Sana bigyan pa sila ng second chance ng Panginoon. Ipinapangako niyang hihigitan pa niya ang pagmamahal ng asawa niya sa kanya.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon