CHAPTER 46

66.4K 1.2K 27
                                    

Titig na titig si Lorraine sa mukha ng natutulog na si Cloud sa kanyang tabi. Nakadapa ito at ang ulo'y nakaharap sa kanya. Mahimbing na itong natutulog.

Mukhang pinagod niya ito ng mabuti. Ilang oras din nilang pinalasap sa isa't isa ang ligaya ng pagsasanib ng katawan. Saksi ang hapdi sa pang-ibabag parte ng katawan niya sa mga naganap.

Napabungisngis siya habang inaalala ang mga nagyari. Ganoon pala iyon kasarap. Kung alam lang niya'y matagal na niyang pinagtangkaang gahasain si Cloud.

"May pa 'set you free' ka pang nalalamang lalaki ka! May hidden desire ka pa pala sa akin!" aniyang napahagikhik pa.

Maligayang-maligaya siya dahil kapiling na naman niya ito sa kanyang tabi. Medyo na-guilty siya dahil pinagod niya itong mabuti sa kabila ng bugbog at pasa nito sa mukha. Kinuha niya ang cellphone at kinuhanan ito ng litrato habang tulog.

Napangiwi siya nang makita ang pangingitim ng mga pasa nito sa mukha. Nagtataka nga siya at nakayanan pa nitong halikan siya ng marubdob sa kabila ng pananakit ng mga pasa nito.

Ilang beses siya nitong "pinarusahan" kagabi. Halos ikutin na nila ang buong kama dahil kung ano-anong posisyon ang naiisipan nilang gawin. Kahit nakailang rounds sila kagabi ay tila uhaw pa rin sila sa isa't isa. Gusto pa niyang ulit-ulitin iyon. Gusto niyang ipalasap ng ilang beses dito ang pagmamahal niya para hindi na ito tumingin sa iba.

Pinaglandas niya ang hinlalaki sa mga labi nito. Ang mga labi nitong maraming alam gawin. Natawa siya at nangigigil na hinalikan ito. Mayamaya'y bumangon na siya at naligo.
Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin.

Ibang katauhan na ang nakikita niya. Isang Lorraine na punong-puno ng kaligayahan. Isang Lorraine na punong-puno ng pagmamahal. Hindi pa niya kailanman nakita ang sarili sa ganoong estado. Pakiramdam niya'y nabuo na ang dati niyang watak na watak na pagkatao. Nagkaroon ng direksyon ang kanyang buhay.

Lahat ng iyon ay dahil kay Cloud. Sa lalaking ni sa hinagap ay hindi niya lubos inakalang magkukumpleto ng buhay niya.

Nakangiting nagtungo siya sa kusina.
Ipagluluto niya ito ng breakfast dahil tiyak niyang gutom na gutom na ito.
Natigilan siya nang maalalang wala na pala siyang stocks. Hindi naman kasi nagpasabi itong susugurin siya nito at gagahasain para naman sana nakapaghanda siya.

Mabuti na lang at may mga itlog pa siya at loaf bread, iyon na lang muna ang pagtatiyagaan nila upang magkalaman ang sikmura ni Cloud. Kapag nagising ito ay yayayain na lang niya itong mananghalian sa labas.

Nang matapos siya sa pagpiprito ng itlog ay agad niyang inayos ang lamesa. Nagulat siya nang bigla na lang may naramdaman siyang mga matang mariing nakatitig sa kanya. Nang magbaling siya ng tingin sa pintuan ng kanyang silid ay nakita niya si Cloud na nakasandal sa dingding at mariing nakamasid sa kanya.

Lumakas na naman ang kabog ng kanyang dibdib. Napalunok siya nang makita ang ayos nito. Magulo ang buhok, bukas lahat ang butones ng polo shirt at nakahantad sa kanya ang dibdib at tiyan nito.

I don't mind eating his eggs for breakfast!
Bigla siyang pinamulahan ng mukha sa naisip.
Iwinaksi niya ang kalandiang itinatakbo ng isipan niya.

Nagtaka siya nang dahan-dahang itong humakbang papalabas ng pintuan.


"Where are you going?" kunot-noong sita niya rito.


Tumigil ito ngunit hindi tumitingin sa kanya.

"Home..." matipid na sagot nito.

Napamaang siya. Uuwi ito? Ni hindi man lang sila mag-uusap?
Lumapit siya rito at humarang sa daanan nito.


The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon