Chapter 72

72.3K 1.3K 97
                                    

Walang pasabing tinapakan ni Lorraine ang break ng kanyang kotse. Muntik pang sumubsob si Sidney sa dashboard kung hindi lang ito naka seatbelt. Nasa Manila Cathedral na sila at maghahasik nga raw ng lagim. Mabilis siyang lumabas ng kotse at pumasok ng simbahan.

"Hoy, hintayin mo ako!" habol ni Sidney sa kanya.

"Park the car!" utos niya rito.

"Aba kung makapag-utos ka parang driver mo ako, ah!"

Hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy sa loob. Isinuot niya ang kanyang Versace shades at feeling Victoria's Secret model na rumampa sa aisle. Malakas na talaga ang tama ng alcohol sa kanya. Hindi na niya makontrol ang sarili.

Mukhang kanina pa nagsisimula ang ceremony dahil nagsasalita na ang pari sa harapan ng mga ikinakasal. Habang papalapit ng papalapit sa mga ito ay ponagmasdan niya ang likod ng groom. Gusto niyang umiyak, kumpirmadong si Cloud nga iyon. Kilalang-kilala niya ito kahit nakatalikod.

Tindig at pangangatawan pa lang, alam niyang si Cloud iyon! Nagngingitngit na binilisan niya ang paglalakad. Hindi niya alam kung paano nito nagawang maisakatuparan ang kasal na iyon samantalang kasal pa sila. Kunsabagay, mayaman si Cloud. Malay ba niyang may ginawa ito sa kasal nila na lingid sa kaniyang kaalaman? Paano kaya kung matagal na pala nitong napawalang-bisa ang kanilang kasal nang hindi niya alam?

Sa inis ay kumembot siya nang bongga sa carpeted na sahig. Sayang at hindi siya nagsuot ng itim na dress, bagay sana ang attire niya sa kanyang masamang balak. Wala siyang pakialam kung pagtinginan man siya ng mga tao, ang importante—maagaw niya si Cloud!

Narinig pa niya nang malakas ang tanong ng pari kay Emily.
"Emilia, are you willing to take this man to be your local wedded husband—"

"Don't you dare!" malakas na sigaw niya.

Para siyang kontrabida sa pelikula, with all the glittery stiletto, signature dress, at Versace shades. Grabe ang sipa ng alak sa sistema niya, lumakas ang loob niyang gawin iyon. Kung nasa normal lang sigurong estado ang kanyang pag-iisip ng mga oras na iyon ay nuncang gumawa siya nang ganoong karumal-dumal at nakakahiyang eksena!

Naglingunan lahat ang mga tao sa kanya, kabilang na si Emily. Gulat na gulat ang mga ito habang nakatingin sa kanya. May iba pang napasinghap. Para siyang nasa pelikula at nasa climax stage, kung saan pahihirapan na niya ang mga bida.

"How dare you marry a married man, Emily! He is my husband! Imoral ka! Kabit!" malakas na sigaw niya.

Kung cheap lang siya ay sinugod na niya ito at sinabunutan. Kaso bagong manicure lang ang mga fingernails niya. Ayaw niyang marumihan iyon nang malansang dugo ni Emily.

"What are you talking about, Lorraine? Are you crazy?" naguguluhang tanong nito.

"Oh, yes! I'm a crazy bitch! You messed up with a wrong bitch, you hoe! Give me back my man or I'm gonna send your soul to Lucifer!"

Nakikita na niyang naalarma na ang mga tao sa paligid. Nahagip pa ng mga mata niya si Condrado na nakamaang na nakatingin sa kanya. Si Sophia ay tila pinipigilan ang tawa. Feeling niya ay alam nito ang pinaggagagawa niya at hinahayaan lang siya. Knowing Sophia, magkaugnay ang bituka nila ng babae.

"Hey, Cloud! Humarap ka sa akin duwag ka! After you've taken my virginity, purity, heart and soul, you chose to marry that disgusting prawn?"

Napa-"Oh!" ang mga tao sa paligid.
Gusto na niyang lumubog sa kahihiyan sa pinagsasasabi but she continue to act evil.

Doon lang dahan-dahang humarap sa kanya ang groom. At tila tinakasan siya ng lahat ng dugo sa mukha. Daig pa niya ang may malalang anemia. Hindi si Cloud ang nasa altar kundi ibang lalaki! Pero kamukhang-kamukha ito ni Cloud, younger version nga lamang. Nakataas ang dalawang kamay nito sa ere na tila sumusuko sa kanya.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon