"You cooked all of these foods for me?"
Gusto nang matawa ni Lorraine sa gulat na ekspresyon ng mukha ni Cloud habang hindi magkamayaw sa pagtingin ng mga pagkaing niluto niya.
Hiniram niya ang mga recipes ni Resha. May sarili kasing restaurant ito at napakahusay na cook. Mostly sa mga pagkaing niluto niya ay alam niyang magugustuhan ni Cloud dahil mahilig ito sa Filipino food.
"Yeah. You can eat it all by yourself!" nakangiting sabi niya saka nilagyan ng pagkain ang plato nito. Feel niya ang magpaka "devoted" wife.
"Why didn't you tell me while we were with Emily earlier? We could have invited her over."
Nabura ang matamis niyang ngiti. Okay na sana, binanggit pa nito ang pangalan ng babae. Hindi niya alam kung bakit siya nagngingitngit kay Emily samantalang wala naman itong ginagawang masama sa kanya. As far as she know, she's the one who owns Cloud's heart, not Emily. Dapat kampante siya.
But no. Nakikita niya kasing iba ang karakter ni Emily. Natural na maganda ito, mahinhin kumilos, mukhang mabait, maraming alam sa gawaing bahay, masunurin at higit sa lahat...kilala ng pamilya ni Cloud!
Kumbaga, ito ang tipo ng babaeng pinapakasalan at sineseryoso ng mga lalaki. Kung mababagok lang ang ulo ng asawa niya'y baka magising ito sa kahibangan sa kanya at piliin si Emily!
Kaya kailangan niyang kumilos at mas lalo pang baliwin ang kanyang asawa bago pa ito masulot ng iba!"But I want us to be together, Cloud. Just the two of us."
Diniinan pa niya ang salitang "US".Nakita niyang umarko ang dalawang kilay nito na tila takang-taka na sa pinagsasasabi niya.
"Have you done something bad, Lorraine? C'mon, you can tell me. I won't get mad," seryosong tanong nitong binitiwan ang mga kubyertos at pinagsiklop pa ang mga kamay sa ibabaw ng mesa.
Wala akong nagawang masama! Wala! Wala! Na-realized ko lang na mahal kita kaya ako nagkakaganito!
"What are you talking about? Just because I cook doesn't mean I've done something wrong. I just want to fill your stomach because I know what have you been going through lately," katwiran niya.
Nakatitig pa rin ito sa kanya na tila hindi naniniwala sa dahilan niya.
"Why is it hard to believe you?"
Inirapan niya ito.
"I am not a liar!"
Yamot siyang umupo at kumain. Bakit ayaw nitong paniwalaan siya?Tila napansin nitong nagtatampo na siya kaya nagsimula na itong kumain.
"Wow! This is so tasty, so delicious!" eksaheradong puri nito sa mga niluto niya habang panaka-nakang tinatapunan siya ng sulyap.
Mabilis namang bumalik ang mga ngiti niya. "Really? Do you want me to cook this kind of meal everyday just for you?"
Muntik na itong mabulunan dahil bigla itong natawa sa pagitan ng pagnguya. Pulang-pula ang mukha nito habang hindi magkamayaw na umiinom ng juice.
Nang mahimasmasan ay napapatastikuhang tumingin ito sa kanya.
"Seriously, did you eat something? Why the sudden change? Being a devoted wife is not your character."
Sibimangutan niya ito.
"Bakit ayaw mo?""No...I mean, I like it but this is just strange. I'm suspecting you need something from me. What is it? Spill it out."
Nothing! I just want you to love me for the rest of our lives!
![](https://img.wattpad.com/cover/73847021-288-k283734.jpg)
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
Ficción GeneralLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...