CHAPTER 6

84K 1.5K 60
                                    

Tumikwas ang kilay ni Lorraine nang makitang sumandal pa sa upuan si Cloud pagkatapos ay pinagsiklop ang mga kamay. Hindi nito inaalis ang mapanuring tingin sa kanya.
Ang ikinaiinis niya pang lalo ay mukha itong dismayado sa nakikita! Ang kapal!

What do you expect, Lorraine? Magtatatalon siya sa tuwa dahil nakita ka? Wake up, girl, iba na siya! Nag-aral 'yan sa Harvard at kahit supermodel ka, mas marami pa siyang nakakasalamuhang mas magaganda sa 'yo!

"If you have no more issues or whatsoever, can we start our discussion? I've got more important things to do than engaging in a senseless conversation, you know," pukaw nito sa pagkakatulala niya.

Naikuyom niya ang kanyang mga palad sa inis. Hindi niya matanggap na ngayo'y supermodel na siya'y nawalan ito ng amor sa kanya. Umaasta pa ito nang ganoon na tila ba malaking pabor sa kanya ang pagkikita nila.
Not that his reaction is a big deal to her but she can't help but cringe. He sees himself as a high and mighty human being!


Pekeng ngiti ang iginanti niya kay Cloud.
"I guess there's no need for us to discuss anything. I've been sold and bought without my consent. It wouldn't change anything if I voice out my right, would it?" sarkastikong sabi niya.


Lihim siyang napangiti nang biglang lumambong ang mga mata nito sa itinuran niya saka nag-iwas ng tingin.

Aha! The idiot still has a thing for me! nagbubunying sabi niya sa isipan.
So you're trying to mask your desire with your serious facade, huh? Carry on. I'm gonna play you with my own fabulous hands once I put my leash on your poor neck!

Tumikhim ito at nagsalita.
"Don't make it sound like you've been exploite—"

"Oh, wasn't I?" kunwari'y nasaktan na putol niya sa sasabihin nito.
"How would you feel if your own father sold you to a filthy and selfish billionaire?"

Nagsalubong ang mga kilay nito sa sinabi niya.
"Is that what you think of me, a filthy and selfish billionaire?"


Lalong nagbunyi ang kanyang kalooban. Apektado ito sa tingin niya sa pagkatao nito!
Nagpatuloy siya sa pang-iinis dito.

"Oh, my, aren't you? You bought a woman who despised you a lot. Are all women in the States disgusted with you? I can't blame them though, you're a pathetic asshole. I couldn't even imagine myself making out with you. I'd rather kiss a corpse!" maanghang na bato niya.

Nanatiling nakatitig lang ito nang mariin sa mga mata niya. Medyo nadismaya siya dahil wala itong naging reaksyon sa kanyang huling sinabi. Tila hindi naman ito naapektohan sa pang-iinsulto niya rito. Naging bato na talaga ito nang tuluyan.

Since when did he become a poker face? He used to show his emotions before!

Hindi niya tuloy maanalisa kung umepekto ba ang pang-iinis niya rito o hindi. Maliban sa paglambong ng mga mata nito kanina'y wala na siyang nababanaag na ekspresyon sa mga mata nito. Ganoon pa man ay ipinagpatuloy niya pa rin ang kanyang pagiging impaktita.


"Is this some kind of your wicked revenge because I rejected you way back in high school? My God, Cloud, you are so immature! Forcing me to marry you wont change my perception towards you. I will never ever love you even if you're the last guy on Earth. Kung nasusuka ako sa 'yo dati, mas nasusuka ako sa 'yo ngayon. You're nothing but a rubbish person!"


Nanatili itong nakatitig—straight sa kanyang mga mata. Walang katinagtinag. Gusto na tuloy niyang kumapit sa kinauupuan at baka magwala ito ano mang oras dahil sa pang-iinsulto niya rito. Pero laking dismaya niya nang wala na naman itong naging reaksyon.
Bakit naging mahirap itong hulihin ngayon? Pati ba pagtatago ng damdamin ay itinuturo sa Harvard?

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon