Iginala ni Lorraine ang paningin sa harapan ng mansyon ng Lolo ni Cloud. Luma na ang estilo niyon, kahawig ng sinaunang bahay ng mga kastila, ngunit halatang matibay iyon at hindi basta-bastang guguho.
Maganda rin ang exterior landscape. Halatang nagbayad ng malaki ang Lolo ni Cloud upang pagandahin ang paligid ng mansyon. Bago sila nakarating sa mansyon na iyon ay dinaanan muna nila ang napakalawak na taniman ng hacienda. Natatanaw niya ang lawak niyon kahit nasa bakuran na siya ng mansyon.
"Do you like here?" untag sa kanya ni Cloud saka siya inakbayan. Nakatanaw din ito sa hacienda.
"Yeah," matipid na sagot niya.
"Do you want one?" nakangiting tanong nito.
Nag-angat siya ng tingin sa lalaki. Nakangiti itong nakatingin sa kanya.
"If I tell you I like this hacienda but I want a bigger mansion, would you build it for me?" nanunubok na tanong niya. Hindi siya seryoso sa itinanong, gusto lang niyang pagtripan ito.
Masuyong tinitigan siya nito bago sumagot.
"I will build you a palace, if that's what you want."Namula ang kanyang mukha saka nag-iwas ng tingin dito. Tinanggal niya rin ang braso nitong nakaakbay sa kanya.
"Y-you're not serious. Why w-would you build a palace for me?" paiwas na sabi niya saka humakbang papalayo rito.
"Because you're my queen. I will give you anything you want. That's how much I love you, Rain."
Napalunok siya sa narinig.
Pinipigilan niya ang sariling lingunin ito.Please, Cloud, don't say that. I don't love you. I don't want to break your heart...
Matagal na niyang alam na may gusto ito sa kanya pero noon lang bumigat ng husto ang loob niya para sa lalaki. Ayaw niyang saktan ito.
Her heart already belonged to someone else...
To Raphael...
Napakislot siya nang yakapin siya nito mula sa likuran saka siya hinalikan sa likod ng ulo.
"Cloud..." mahinang sita niya rito.
Kinilabutan siya sa ginagawa nito. Ayaw niya ang reaksyon ng kanyang katawan sa tuwing nagdidikit sila.
May kung anong pinupukaw itong kakaibang damdamin sa kanya. Kinakabahan siyang baka saan mauwi iyon.Ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat. Ramdam niya ang init ng hininga nito.
"Let's get inside now, Cloud."
"Later, My Dear. I want to hold you like this in my arms."
Oh, for Pete's sake, Cloud. Stop being like this!
"Cloud!"
Biglang tawag ng isang babae.Napalingon silang dalawa sa pinanggalingan ng boses. Isang babae ang nakangiting nakatayo sa harapan ng mansyon. Maganda at maamo ang mukha nito. Tantiya niya'y kaedaran lang niya ito. Nakasuot ito ng bestida at ang buhok nitong mahaba ay malayang tinatangay ng hangin.
Nakatanaw ito sa kanila, lalo na kay Cloud. Agad namang kumalas si Cloud sa kanya at nilapitan ang babae. Patakbo namang bumaba ang babae sa mansyon at sinalubong si Cloud. Tumaas ang kilay niya nang yakapin nito ng mahigpit si Cloud. Ang lalaki naman ay gumanti ng yakap dito.
"Emily!" masiglang sabi ni Cloud.
"Cloud! Miss na miss na kita. Mabuti naman at binisita mo kami rito!" ganti naman ng babae.
Hindi nakaligtas sa kanya ang munting luhang sumungaw sa gilid ng mga mata ng babae. Kakaiba ang saya sa mukha nito habang kayakap ang asawa niya. Hindi ito mukhang kamag-anak lang nina Cloud. May kutob siyang kakaiba sa babae.
"I've missed you too. You've grown up to be a beautiful woman," komento ng asawa niya sa babaeng nagngangalang Emily. Magkahawak pa ng mga kamay ang dalawa.
Namula ang mukha ni Emily saka pasimpleng inipit ang buhok sa gilid ng tenga.
Tumaas lalo ang kilay niya lalo pa't tinitigan nito ng matagal ang asawa niya. Halatang-halata itong may crush kay Cloud.Tila noon lang siya naalala ni Cloud at ipinakilala sa babae. Iniwan ito sandali ni Cloud saka lumapit sa kanya at hinila siya papunta kay Emily.
"Ems, this is my wife, Lorraine," nakangiting pakilala ni Cloud sa kanya.
Saglit na nawala ang ngiti sa mga labi ng babae ngunit mabilis naman bumalik iyon.
"Ikinagagalak kitang makilala, Lorraine. Ako nga pala si Emily, kababata ni Cloud," pakilala nito sa sarili.
Pinilit niyang ngumiti kahit hindi niya feel at tinaggap ang pakikipagkamay ni Emily. Pinagmasdan niya ito ng maigi.
Maamo ang mukha nito at hindi niya ikakailang maganda. May pagka-mahinhin din ang kilos at gawi nito, parang dalagang Pilipina.Ngunit huling-huli niya ang masuyong pagsulyap nito sa asawa niya. Alam niya ang karakas nito. Hindi nito maitatanggi iyon sa kanya.
May gusto ito kay Cloud.Bagay ito at si Cloud. Parehong mukhang mabait at malumanay magsalita. Hindi rin ito maarte dahil wala itong kolorete sa mukha o mga anik-anik na jewelries sa katawan.
Simple lang ito. Katulad ni Cloud.
"Pumasok na kayo sa loob. Kanina pa kayo hinihintay ni Lolo Fabian," ani Emily.
Nagpatangay siya kay Cloud nang hawakan nito ang kamay niya at hilahin papasok sa loob ng mansyon. Sinulyapan niya si Emily na nasa likuran lang nila at nakasunod. Napansin niyang malungkot na nakatingin ito sa likod ng asawa niya.
Nang mahagip siya ng tingin ng babae ay ngumiti ito. Hindi niya magawang gumanti ng ngiti. Hindi niya alam ang nararamdaman niya. Hindi niya gusto ang presensya ni Emily kahit mukha namang harmless ito. Hindi rin siya galit sa babae. Unreasonable kung magagalit siya dahil wala itong ginagawang masama.
Nang makapasok sila sa mansyon ay agad na sinalubong sila ng mga matatandang katulong. Nagulat siya nang salubungin ng mga ito ng yakap si Cloud saka pinugpog ng mga halik sa mukha. Hindi magkamayaw ang mga ito sa pasalubong sa lalaki. Aliw na aliw naman si Cloud habang inaakbayan ang mga matatandang katulong.
"Sir Cloud, buti naman at umuwi kayo dito sa amin! Miss na po namin kayo!" mangiyak-ngiyak na sabi ng isang matandang matabang katulong.
"Miss ko na rin po kayong lahat!" nakangiting wika ng asawa niya.
"Ipinagluto po namin kayo ng mga paborito ninyong pagkain!"
"Salamat. Maraming salamat!" sinserong sabi ni Cloud sa mga ito.
"Mananatili po ba kayo dito, Sir? Hindi na po ba kayo aalis? Pakakasalan n'yo na po ba si Maam Emily?"
Awtomatikong napatingin siya kay Emily dahil sa narinig na turan ng isang katulong. Nahihiyang umiling si Emily upang siguro'y pabulaanan ang sinabi ng katulong.
Agad naman siyang nilapitan ni Cloud saka inakbayan.
"I'm sorry to tell you but I'm already married to this wonderful and beautiful woman right here," nakangiting anunsyo ni Cloud.
Dumako lahat ang tingin ng mga katulong sa kanya. Nakaramdam siya ng inis nang makitang tila nadismaya ang hitsura ng mg ito. May iba pang nagbigay ng malungkot na tingin kay Emily.
Hindi na siya natutuwa. Kung kanina'y iniignora niya ang nararamdaman, ngayon ay naiinis na siya.
At hindi niya alam kung bakit!
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
BeletrieLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...