CHAPTER 59

55.2K 979 59
                                    

"Listen to me, Cloud! We were not kissing. He kissed me! Oh, please believe me. I am your wife!" pagmamakaawa ni Lorraine kay Cloud.



Hinawakan pa niya sa magkabilang kamay ang mukha ng asawa niya upang matingnan siya nito sa mga mata nang makita nito na nagsasabi siya ng totoo. Umaasa siyang maniniwala ito sa kanya.

Ngunit unti-unting nanlumo siya nang makita ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Cloud habang tinatanggal ang mga kamay niya.
Walang salitang nagtuloy-tuloy na pumasok ito sa kotse nito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

Natulala siya sa bilis ng pangyayari. Sa isang iglap ay nakaalis si Cloud at muli ay iniwan na naman siya. Nasaktan na naman nila ang isa't isa. Patong-patong na ang sama ng loob nito sa kanya. Napasabunot siya sa kanyang buhok habang hindi alam ang gagawin. Nag-unahan na namang bumagsak ang mga luha niya.

Napaigtad siya nang may humawak sa balikat niya. Si Resha. Nasa likuran nito ang asawang si David na karga ang anak na si Dominique.


"Lorraine---"


Tila nakahanap siya nang masasandalan nang makita ang nag-aalalang mukha ng kaibigan niya. Hindi na niya napigilan ang pag-apaw ng kanyang kalungkutan at umiiyak na yumakap dito. Malamang ay nakita nito ang nangyari sa kanila ni Cloud.



"He hates me, Resha! Nahuli niya akong hinahalikan ni Raphael sa loob. Hindi ko kagustuhan iyon! Ayaw naman niyang makinig sa akin!" humahagulhol na pagtatapat niya sa kaibigan.



"I think you need to call him fast, Lorraine,"  sabi nito.




Kumalas siya sa pagkakayakap dito at nag-angat ng tingin.
"He hates me. He wont listen to me!"




"Kahit pa. Lasing si Cloud, baka madisgrasya siya sa daan sa lakas nang pagpapatakbo niya!"




Nanlaki ang mga mata niya at kinabahan. Hindi niya napansing lasing si Cloud dahil sa bilis ng pangyayari.
He's drunk and driving with a heavy heart. Oh, God!
Agad niyang kinuha ang cellphone sa shoulder bag at tinawagan ang kanyang asawa. Ngunit sa kamalasan ay patay ang cellphone nito.



Nagsimula na siyang mag-panic.
"His phone is off!"



Hinawakan siya ni Resha sa braso at iginiya upang pumasok uli sa loob ng bahay. Hindi na siya mapakali at patuloy na kino-contact si Cloud kahit alam niyang walang silbi ang ginagawa niya.

Nang makapasok sa loob ng bahay nina Sophia ay agad silang sinalubong ng mga kaibigan. Mukhang walang ideya ang mga ito sa nangyari sa kanila ni Cloud dahil nagkakasiyahan pa rin ang mga ito.

Namataan niya si Raphael na nakaupo sa isang mesa habang nakatingin sa kanya. Gusto niyang sampalin ito ngunit nagpigil siya. Kasalanan niya dahil hindi siya nakinig kay Sidney at inimbitahan pa rin ito. At isa pa ang magaling na si Sidney! Hindi pa direktang sinabi sa kanya na darating ang asawa niya!




Agad na tinanong siya ni Sophia.
"Rain, where's my brother? Isn't he coming?"



Kung ganoon ay alam ng lahat na darating ang asawa niya ngunit ni isa ay walang nakapagsabi sa kanya.
Hindi siya nakasagot kay Sophia. Nagpapasaklolong tiningnan niya si Resha. Ayaw niyang sabihin sa mga ito ang nangyari sa kanila ni Cloud kanina.

Agad namang nakuha ni Resha ang gusto niyang iparating dahil nag-alibi agad ito.

"Ah, baka na-traffic lang." 


Nakita pa niyang napatingin si David sa kanila. Na-guilty tuloy siya at dinamay niya pa si Resha.

Bigla na naman siyang inatake ng kaba. Binuksan niya agad ang cellphone at tinawagan si Cloud ngunit nakapatay pa rin ang cellphone nito. Nagpalakad-lakad siya upang mawala ang panginginig ng mga kalamnan niya. Takot na takot na siya. Sana walang mangyaring masama kay Cloud kundi ay ikamamatay niya.

Nagpatianod siya kay Resha nang hilahin siya nito sa isang upuan na katabi ni Sidney.
Kanina pa niya napapansin na nakamasid ito sa kanila.

"May problema ba kayong dalawa?" untag nito.



Sabay silang umiling ni Resha.
"W-wala, stressed lang si Lorraine," kaila ni Resha.



Gustong-gusto na niyang pagalitan si Sidney dahil sa paglilihim nito ngunit nanatiling tikom ang bibig niya. Nangyari na ang nangyari, wala na siyang magagawa pa.


Umismid si Sidney habang nakatuon ang mga mata sa kanya.
"Sino ba namang hindi maiistress samantalang inimbitahan niya ang ex niyang si Raphael sa party ng pamangkin ng asawa niya?"



"Sidney!"  saway ni Resha dito.



Nadagdagan ang guilt niya sa pasaring ni Sidney.
Hiling niya lang talaga ay walang mangyaring masama sa asawa niya habang nagmamaneho ito.

Napaigtad siya nang tumunog ang cellphone niya. Ngunit nagtaka siya nang makitang hindi naka-register sa cellphone niya ang tumatawag. Agad niyang sinagot iyon, umaasang si Cloud iyon na nagpalit lang ng numero ng cellphone.




"Hello? Is this Mrs. Lorraine Martinez?" anang boses lalaki sa kabilang linya.



Bumulusok ang pag-asa niya pababa nang mapagtantong hindi si Cloud ang tumatawag.

"Yes. This is Mrs. Lorraine Martinez. Who's this please?"




"I am SPO2 Ricardo Mascariñas, Maam. Can you please come to Sacred Heart Hospital right now because we rushed Mr. Cloud Martinez here due to vehicular accident?"



Parang niyanig ang buong sistema niya sa narinig. Ilang segundo siyang natigilan habang unti-unting nagsi-sink in sa utak niya ang sinabi ng pulis. Parang isang matalas na kutsilyo ang balitang dala ng pulis na humiwa sa puso niya.



"Mrs. Martinez?" untag ng pulis sa kabilang linya.



Doon lang siya binalikan ng huwisyo. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
Marahas na napatayo siya at napaiyak habang sapo ang bibig.



"What? N-nadisgrasya ang s-sinasakyang kotse ni C-cloud?!" di pa rin makapaniwalang tanong niya sa kabilang linya.



"Ahh...o-opo. Can you please come to this hospital, Maam, before it's too late?"


Parang gusto na niyang panawan ng ulirat sa narinig. Lumuluhang tinapos niya ang tawag. Agad naman siyang nilapitan nina Resha at Sidney.



"What's wrong? What happened to Cloud?" nag-aalalang tanong ni Resha.



Napakapit siya sa dalawa ng mahigpit sa takot na mahimatay siya doon.
"C-cloud's in the hospital. He met an accident!"

--------------

AUTHOR'S NOTE 📝

Merry Christmas, everyone!!!!

Merry Christmas, everyone!!!!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon