CHAPTER 47

65.7K 1.3K 21
                                    

"Cloud, bakit nga pala nandoon si Madam Francesca sa art exhibit ni Emily?"


Mula sa tinitipa sa keyboard ay nag angat ng tingin si Cloud kay Lorraine.


"She loves art. And besides, she loves Emily."


Ouch! Ang laki pala ng lamang sa kanya ni Emily sa Mama ni Cloud. Samantalang siya'y basang-basa na ang papel sa ginang.


"Galit pa rin ba ang Mama mo sa akin?" tanong na naman niya.



Nag-angat uli ito ng tingin sa kanya.
"Galit ba siya sa 'yo? Ikaw lang yata ang nag-iisip n'on."




She rolled her eyeballs.
"Duh, as if hindi mo napapansing allergic ang Mama mo sa akin. For all I know, si Emily ang bet niya para sa 'yo at hindi ako."


"It's me who'll choose the one my heart wants, not my Mom."


Napangiti siya sa isinagot nito. Simple ngunit malakas ang dulot na kilig sa kanyang dibdib. Nanggigigil na hinila niya ang upuan upang itabi sa inuupuan nito saka mabilis na hinalikan ito sa pisngi. Natatawang tiningnan siya nito saka ibinalik ang pansin sa ginagawa.

Nasa opisina sila ng kanyang ama. Actually ay ayaw na nitong bumalik doon dahil gusto nitong matuto siyang magpatakbo ng sarili nilang kompanya nang mag-isa. Naglambing lang siya na tingnan naman nito ang statistics nila para malaman niya kung nagtagumpay ba siyang patakbuhin ang kompanya ng tama.

Kaya naroon ito. Pero imbes na tulungan ito sa pag-edit ng mga dokumentong ipinabasa niya'y nanggugulo pa siya.
Hindi naman ito nagreklamo at hinayaan lang siya.

Pinagmasdan niya uli ito habang sinusuri ang mga dokumeto sa laptop. Magaan sa pakiramdam niyang nakakasama ito palagi. Masaya na siyang pinagmamasdan ang mukha nito. Iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng ganoon.

Na kahit dalawa lang sila sa isang kuwarto at maghapong nakatunganga at nag-uusap ay masaya't kontento na siya. Wala nang mas mahalaga sa kanya kundi makasama si Cloud.

Napansin niya ang cellphone nito sa mesa kaya kinuha niya iyon at tinangkang buksan. As expected, may password.

"What's your password, Cloud?" tanong niya.

Matagal bago ito sumagot.
"Why?"


Tumaas ang isang kilay niya.
"Your password is 'why'?"

"I mean, why do you want to know?"


Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. Wow, nakita na niya lahat sa akin tapos siya, ni password, ayaw ipaalam?

"Because I'm your wife!"


Saglit itong hindi nakasagot.



"May itinatago ka ba sa cellphone mo na ayaw kong malaman?" naiinis nang tanong niya.



Nag-iwas ito ng tingin at kunwari'y abala sa pagtipa ng keyboard.



"I'm warning you, Cloud..." nagbabanta nang sabi niya. May lalaki talagang matutulog sa labas ng kuwarto niya mamayang gabi.



"031519998," atubiling sagot nito.



Tiningnan muna niya ito ng masama bago mabilis na tinipa ang password sa screen. Tumambad sa kanya ang walang kalatoy-latoy na wallpaper screen ng cellphone nito. Agad siyang nagpunta sa gallery at naghanap ng mga pictures.

Habang ginagawa iyon ay nahuhuli niya itong panay sulyap sa kanya. Kinutuban siya ng masama. Ano bang itinatago nito? May mga pictures ba ito at si Emily doon? Nginatngat ng selos ang dibdib niya at mas lalo pang binilisan ang paghahanap ng mga larawan.

Nagtaka siya at wala na siyang ibang makitang mga pictures doon kundi picture ng aso nito at sapatos na bagong bili. Kumunot ang noo niya nang mahagip ang isang picture ng babae na naka-crop. Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kanya ang nakangiting picture niya noong elementary siya. Napangiwi siya dahil mukha pa siyang gusgusin at lampayatot noon.

Napatingin siya kay Cloud. Nahuli niyang nakatingin din ito sa kanya ngunit mabilis na nag-iwas ng tingin.




"Why is my picture here? Where did you get this?" nagtatakang tanong niya.


Hindi ito sumagot. Napaigtad ito nang sipain niya ang paa nito.

"I took it from...S-sophia. I cropped her face just to save your photo," sa wakas ay sagot nito.



Napamaang siya at tiningnan uli ang picture. Naalala nga niyang kuha nila iyon ni Sophia noong mga bata pa sila.

"But why is this pic in here? You can take a lot of pictures of me as an adult," nagtataka pa ring tanong niya.




Tiningnan siya nito sa mga mata.
"That girl in the picture took my heart away years ago and until now... I couldn't take it back from her."



Umawang ang bibig niya sa nalaman.
"You mean you have already fallen for me eons ago? Why didn't you tell me?!"

Natawa ito ng mahina. "I confessed to that girl a million times but I got her rejection a billion times too."



Hindi siya nakaimik. Hindi nga naman biro ang pinagdaanan nito sa kanya dati. Pinagmasdan niya muli ang picture niya. Neneng nene pa siya roon.

"Delete this, Cloud. You can save another picture of me," aniya.



Mabilis na inagaw nito ang cellphone sa kamay niya. Napamaang na naman siya sa ginawa nito.

"'Yoko nga. Kaya ayaw kong ipakita sa 'yo tong cellphone ko kasi sasabihin mo 'yan," nakasimangot na sabi nito.


"But I'm still ugly in there!"



"No she isn't. Back then, she's the most beautiful ten year old girl for a thirteen year old boy like me. I fell in love with this girl first."



"You mean, you love the shabby and lanky me more than the supermodel me now?"

Tumango ito.
Napapantastikuhang nakamasid lang siya rito habang pinagmamasdan ang nagniningning na mga mata nitong nakatingin sa picture niya.
Parang lumobo ang puso niya sa rebelasyon nito. Matagal na siya nitong mahal kahit hindi pa siya nakikilala nito.

Akala niya'y katulad din ito ng ibang mga lalaki dati na hinahangaan siya dahil sa taglay niyang kagandahan at kasikatan. Tanging panlabas na anyo niya lang ang gusto ng mga ito sa kanya at hindi ang totoong siya.

Samantalang si Cloud, kahit mukha siyang gusgusin at lampayatot sa picture niya'y nahulog agad ang loob nito. Hindi na niya napigilan ang sarili at muli itong niyakap at hinalikan. Mabilis naman itong gumanti ng mga halik sa kanya.

Hindi niya talaga pakakawalan ito kahit anong mangyari. Mamahalin niya ito habang buhay. Blessing si Cloud ng Diyos sa kanya. Nakahanap siya ng lalaking tanggap siya sa kabila ng kapintasan niya.

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon