"I think we better get going," ani Lorraine kay Jean Louis.
Kanina pa niya iginagala ang paningin ngunit hindi na niya makita si Cloud. Umuwi na kaya ito? Pero nandoon pa ang Mama nito at pati na rin si Emily. Imposibleng iniwan nito ang dalawang babae.
Pero kanina pa niya ito hindi mahagilap. Kung kaninang panay ang tingin nito sa kanya, na tila ba aatakehin at lalamunin siya anomang oras, ay iniiwasan niya ito. Ngayon namang wala na ito, saka naman nagkanda haba ang leeg niya sa paghahanap dito. Ano pang saysay nang pananatili niya roon ng matagal kung wala na ito doon?
"But the exhibit is not yet finished," ani Jean Louis.
"This exhibit bores me like hell, Jean. Let's go home!" iritable na namang sabi niya.
Walang nagawang pumayag ito at hinanap ang kanyang ina at ang kanyang stepfather. Nagtungo siya sa isang madilim na bahagi upang doon maghintay.
Muntik na siyang mapalundag nang may magsalita sa likuran niya."Look who's here. My flirty, itchy wife."
Natigilan siya nang makita si Cloud na nakasandal sa dingding sa kanyang likuran. Doon pala ito tumatambay kaya hindi niya ito nakikita. May tangan na naman itong isang kopita ng alak.
Inirapan niya ito at muling tinalikuran nang maalala ang sinabi nito.
Flirty, itchy wife? Look who's talking!Nararamdaman niyang lumapit si Cloud sa kanya saka hinawakan ang balikat niya. Mabilis siyang pumiksi at lumayo sa lalaki. Naaamoy niya ang alak sa hininga nito. Namumula na rin ang mukha nito. Gusto sana niya itong bulyawan at pagalitan dahil sa paglalasing nito ngunit nagpigil siya. Ano bang pakialam niya kung maglasing ito? Problema na ito ni Emily!
"Sabihan mo 'yang Labanos mong boyfriend na umuwi ng mag-isa. Ako na ang maghahatid sa 'yo," utos nito.
Tiningnan niya ito ng masama. Lasing na talaga. Hindi na nito alam ang pinagsasasabi.
"Go home alone, Cloud! Jean Louis will send me home," pagtataboy niya rito. Kahit naiinis sa lalaki ay hindi niya mapigilan ang pusong pumintig malakas.
"Jean Louis pala ang pangalan ng bagong boyfriend mo," patuyang bulong nito na narinig naman niya.
Gusto na talaga niya itong bulyawan na layuan at tantanan na siya.
Muli nitong hinawakan ang balikat niya ngunit malakas niyang tinanggal ang kamay nito. Nakita niyang tila nasaktan ito sa ginawa niya."Is that man bothering you?"
Gulat na napatingin siya sa direksyon ni Jean Louis nang magsalita ito. Mukhang nakita ng lalaki ang ginawa ni Cloud. Agad niyang nilapitan ito saka hinawakan sa braso upang ilayo kay Cloud.
"N-no, he's not bothering me. Come on, let's go," aniya kay Jean Louis saka hinila ito.
"I'll be the one to send you home, Lorraine. Not that man!"
Napapikit siya nang magsalita na naman si Cloud sa mataas na boses. Naramdaman niyang napatiim bagang si Jean Louis sa sinabi ni Cloud. Nakita pa niyang kumuyom ang mga kamao ng lalaki. Hinaklot siya ng takot.
Agad niyang nilingon si Cloud. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang madilim ang mukha nitong papalapit sa kanya.
Mabilis na kumuwala si Jean Louis sa pagkakahawak niya at galit na itinulak ng malakas si Cloud."What the fuck is your problem, man?" malakas na sigaw ni Jean Louis kay Cloud.
Napasigaw siya nang biglang sapukin ng kamao ni Cloud si Jean Louis sa mukha. Agad namang gumanti si Jean Louis ng suntok kay Cloud. Sapul din ito sa bibig.
"Stop it!" malakas na sigaw niya at pumagitna sa dalawang lalaki.
"You fuckin' drunktard! You're gonna pay for this!" sigaw na naman ni Jean Louis at sinugod si Cloud.
Dahil sa kalasingan ay hindi agad nakailag si Cloud sa panibagong suntok ni Jean Louis. Hindi na siya magkamayaw sa takot at pangamba. Hinihila niya ang damit ni Jean Louis upang layuan nito si Cloud ngunit nakawala pa rin ito sa kanya. Niyakap na niya ito upang tumigil na sa pag-atake kay Cloud.
Ngunit mukhang lalong umigting ang galit ni Cloud dahil sa ginawa niya at sinugod ng magkasunod na suntok at sipa si Jean Louis.
Napasigaw na naman siya nang sumadsad sa sementadong sahig si Jean Louis.Mabilis na tinakbo ito ni Cloud at pinagsusuntok na naman sa mukha.
"Stop it, both of you!" halos mamaos ba ang boses niya sa pagsigaw sa dalawa.
Nagulat siya nang biglang dumating ang Stepfather niya at sinipa ng malakas si Cloud sa tagiliran. Mabilis namang nakabangon si Jean Louis at pinagtulungan ng dalawa si Cloud.
Muntik na siyang himatayin nang makitang sumuka na ng dugo si Cloud dahil sa malakas na pagkakasuntok ni Jean Louis sa sikmura nito.Stop this! Oh, my god! Cloud!
Mabuti na lang at nagdatingan ang mga security guards kasunod ang kanyang ina. Agad siya nitong nilapitan at niyakap. Natigil naman ang suntukan ng tatlo ngunit mukhang masama ang lagay ni Cloud dahil puro pasa na ang mukha nito at nakahandusay na sa sahig.
Nanginginig na humakbang siya papalapit sa kinaroroonan nito ngunit bago pa man siya makalapit ng tuluyan ay nagdatingan na sina Emily at Madam Francesca saka mabilis na dinaluhan ang lalaki. Hindi siya nakakilos nang makita ang nagbabantang tingin ni Madam Francesca sa kanya.
Mabilis siyang hinila ng kanyang ina paalis doon. Mangiyak-ngiyak na nilingon niya si Cloud. Nakaupo na ito sa sahig ngunit at pinapahid ang dugong tumutulo sa mga labi nito bago mariing sinundan siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
Fiksi UmumLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...