Nanlaki ang mga mata ni Lorraine nang biglang yumapos sa kanya si Cloud. Tiningnan niya ito, mahina itong humihilik habang nakapikit. Mukhang mahimbing na natutulog.
Napatingin siya sa braso nitong nakapulupot sa katawan niya. Dahan-dahan niyang inangat ang mabigat na kamay nito upang maalis sa pagkakadantay sa dibdib niya. Ngunit lalong sumiksik ito at idiniin pa lalo ang pagkakayapos sa kanyang katawan. Idinantay pa nito pati ang paa sa kanyang mga hita. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang lakas ng pintig ng kanyang puso.
"Lorraine..." mahinang usal nito sa gilid ng kanyang tenga. Mukhang napapanaginipan pa siya.
Kinilabutan siya sa posisyon nila. Malalim na ang gabi ngunit nakikipagsabayan pa ang malakas na pintig ng kanyang puso sa malakas na agos ng ulan. Kanina pa siya hindi makatulog at pabalin-balin. Si Cloud ay mabilis na hinila ng antok at kanina pa humihilik.
Hindi siya sanay na may katabi sa pagtulog. Ngunit panatag naman ang pakiramdam niyang katabi si Cloud. Kahit likod lang nito ang nakikita niya kanina'y pakiramdam naman niya'y protektado at ligtas siya.
Napabuntong hininga siya at pinagmasdan ang mukha nito. Nakasiksik ang mukha nito sa gilid ng kanyang leeg. Para itong bata na sumisiksik sa ina. Hinayaan na lang muna niya ito at mukhang doon ito komportable. Itinaas niya ang kumot na nakalihis sa katawan nito at inangat iyon papunta sa may balikat nito nang sa ganoon ay hindi ito lamigin.
Para siyang timang na matamang nakamasid sa mukha nito. High School pa lamang sila'y napapansin na niya ang kakaibang hitsura ni Cloud. Dahil sa sobrang payat at sungki-sungki ng mga ngipin nito dati ay natatabunan ang totoong hitsura nito. Hindi niya inaasahang magiging ganoon ito kaguwapo kapag nag-mature.
Kumunot ang noo niya nang maramdamang unti-unting umiinit ang katawan ng lalaki. Pati ang buga ng hininga nito'y mainit din.
Sinalat niya ang noo nito, mainit. Medyo nangangatal rin ang katawan nito. Lumayo siya rito ng kaunti at pinagmasdang maigi ang mukha nito, namumula iyon.Sinalat niya uli ang noo ng lalaki, mainit pa rin iyon. Mahinang niyugyog niya ito.
"Hey, Cloud, wake up! You're having a fever!" gising niya rito.
Ngunit mahinang ungol lang ang isinagot ni Cloud. Tila wala sa sarili. Bumangon na siya at mas lalong nilakasan ang pagyugyog dito.
"Hey, Cloud! Wake up! You're feverish!" muling pukaw niya.
Ngunit hindi ito nagising. Tumalungko ito at hinapit ang kumot sa katawan, tila ginaw na ginaw kasabay nang panginginig ng katawan. Sinalakay siya ng kaba. Mukhang hindi na maganda ang kondisyon nito.
Tumayo siya at lumabas ng silid saka nagtungo sa maliit na kusina. Tama nga si Cloud, nandoon si Ka Teryo at ang pamilya nito. Natutulog gamit ang banig sa sahig. Magkayakap pa ang tatlo. Dahan-dahan siyang kumilos at kinuha ang maliit na planggana sa may lababo saka iyon pinuno ng tubig.
Bumalik siya agad sa silid at inilapag ang dalang planggana sa sahig. Naghanap siya ng damit sa loob ng isang maliit na aparador saka iyon ibinabad sa tubig. Mayamaya'y piniga niya iyon ng mabuti saka ipinahid sa mukha ni Cloud.
Nakita niyang napakislot ito at patuloy sa panginginig.Lalo siyang kinabahan. Niyugyog niya uli si Cloud.
"Cloud, wake up! You're making me scared..." naiiyak nang sabi niya. Ngunit nakapikit na nanginginig pa rin ang lalaki.
Sinubukan niyang ulitin ang pagpunas sa mukha nito. Bumaba pa ang pagpunas niya hanggang sa katawan nito. Ngunit tila wala siyang nakikitang pagbabago sa kondisyon nito. Sa halip na ipagpatuloy ang pagpupunas dito ay ginawa niya ang hindi niya inaakalang magagawa niya sa tanang buhay niya... Ang yakapin ito!
Niyakap niya ito ng mahigpit habang nanginginig pa rin ito sa init. Masuyong binulongan niya ito sa tenga.
"Hey, I'm here. Don't worry, I'm gonna take care of you, okay?"
Nanatili itong nakapikit. Maputla ang mga labi nito at namumula pa rin ang mukha. Muli niya itong niyakap ng mahigpit. Umaasa siyang maiibsan ng init ng mga yakap niya ang panlalamig nito.
Mayamaya'y naging payapa ang paghinga nito at tumigil ang panginginig. Hinaplos niya ang mukha nito kapagkuwan. Mainit pa rin ito.
"'Yan ang napapala mo sa katigasan ng ulo mo. If you didn't butt in like a hero in a pouring rain, you wouldn't have a fever!" mahinang pagalit niya rito.
Nagulat siya nang makarinig ng pagkatok sa pintuan.
"Ser, Madam, may problema po ba kayo?"
Narinig niyang tanong ni Ka Teryo sa labas ng pinto.Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap kay Cloud saka tumayo at binuksan ang pinto. Ang nag-aalalang mukha agad nina Ka Teryo at Nana Mila ang nabungaran niya.
"May problema po ba, Madam? Nakita ko po kasi kayong kumuha ng tubig kanina sa kusina," ani Nana Mila.
Nagpasiya na siyang sabihin sa mga ito ang kalagayan ni Cloud.
"May lagnat po kasi si Cloud. Hindi ko po alam ang gagawin kaya kumuha na lang ako ng tubig," pag-amin niya.Mabilis namang pumasok si Nana Mila sa loob ng silid at idinantay ang kamay sa noo ni Cloud pagkatapos ay tiningnan sila.
"Teryo, kumuha ka ng halamang gamot sa bakuran ni Tatang Semyong at pakukuluan ko. Mabisa iyon sa may lagnat," utos ni Nana Mila sa asawa.
Agad namang tumalima si Ka Teryo at lumabas ng kubo. Siya naman ay lumapit kay Nana Mila.
"Wala po ba kayong gamot sa lagnat kagaya na lamang ng Biogesic or Paracetamol dito, Nana?" tanong niya sa matandang babae.
"Ay, hindi kami gumagamit ng medisina dito, Madam. Mas mabisa para sa amin ang uminom ng halamang gamot. Huwag kayong mag-alala dahil mabisa iyon. 'Yon ang ipinapainom ko lagi kay Lita kapag nagkakalagnat siya,"
Napilitan siyang tumango. May pangamba man ay wala na siyang magagawa. Ang importante sa mga oras na 'yon ay ang kaligtasan ng asawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/73847021-288-k283734.jpg)
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
Fiksi UmumLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...