CHAPTER 13

62K 1.3K 17
                                    

"What's that?"


"Banig," sagot ni Cloud habang naglalatag ng tinatawag nitong banig sa papag. Para iyong mat na yari sa dahon.


"Don't tell me diyan ako matutulog?" nahihindik na tanong niya.


"Yeah, dito 'tayo' matutulog," nakangiting sabi nito.


Lalo siya nahindik. Patutulugin siya nito sa isang banig at worst...tatabihan pa siya!

"No way! You're not going to sleep beside me!"


"Oh, c'mon, My dear, your husband is dead tired," anitong initsa ang dalawang unan sa banig pagkatapos ay humiga.


Nataranta siya. Tatabihan talaga siya nito! Mabilis niyang nilapitan ito saka hinampas sa dibdib. Napakislot ito, halatang nasaktan.


"Umalis ka r'yan! Ayokong katabi ka! Kadiri!" bulyaw niya rito.


Hindi siya nito pinansin at nang-aasar na kumulob pa. Lalo siyang nagngitngit.


"Cloud! Get off right now!" sigaw niya.


Inangat nito ang ulo at tiningnan siya.
"This is the only bed we've got. Saan mo ako patutulugin?"


Pinalakihan niya ito ng mga mata.
"Anywhere away from me! Better yet matulog ka sa damuhan kasama ang mga palaka at mga manok!" singhal niya.



Tumihaya ito habang nakatingin pa rin sa kanya. "Seriously, My dear, I'm tired and I want to sleep. Can you just let me sleep here tonight? I'll make my own bed tomorrow, dont worry," pagsusumamo pa nito.


Inismiran niya lang ito saka humalukipkip. "I don't care! This is your idea of honeymoon, isn't it? Magdusa ka! Get off my bed right now!"


Bumuntong hininga ito saka bagsak ang mga balikat na bumangon at binitbit ang unan. Lumabas ito ng kuwarto nang walang iniwang salita. Agad niyang isinara ang pinto saka iyon ini-lock.

Nagsimula na siyang maglagay ng beauty cream sa kanyang mukha.
Kailangan niyang alagaan ang kanyang balat dahil baka magka premature aging siya dahil sa stress kay Cloud. Nagpahid din siya ng lotion sa buong katawan dahil natatakot siyang makagat ng kung ano-anong insekto sa gubat.

Kinuha na niya ang kumot at ipinatong sa banig. Wala talaga siyang tiwala sa banig na 'yon at baka may mga surot pa sa ilalim.
Kinuha niya uli ang isa pang kumot at iyon ang ipinantakip sa sarili.

Nagsimula na siyang ipikit ang mga mata nang marinig ang mahinang pagkatok ni Cloud sa pinto.


"My dear, I forgot my blanket. Can you please hand it to me?" anito sa labas.


Napatingin siya sa kumot na ipinangtakip niya sa banig. Di yata't iyon ang tinutukoy nitong kumot.

Hmp! Magdusa siya! Siya ang may kagagawan ng lahat ng ito kaya bahala siya sa buhay niya!

Imbes na lumabas at ibigay dito ang kumot ay nagtalukbong siya at nagkunwaring tulog na.


"My dear?" katok uli nito.


Get lost and go to hell! You deserve that for doing this to me!

-------

Busangot na nagising si Lorraine dahil sa ingay ng mga manok. Tila may concert na nagaganap sa labas ng kubo at nagduet pa ang mga tandang sa pagtilaok nang malakas.

Agad na nangalingkig siya dahil sa lamig ng hangin. Nang tingnan niya ang kanyang relo ay alas sais pa lang ng umaga. Nagpasiya na siya bumangon dahil mukhang hindi na siya makakatulog sa ingay sa labas.

Bumaba na siya ng kuwarto at nagtungo sa kusina. Agad na namataan niya si Cloud na humihigop ng kape. May pandesal at cheese spread pa siyang nakita sa mesa. Saan kaya nito nakuha ang mga pandesal at spread na 'yon?


"Good morning, My dear. Let's have a breakfast," nakangiting yaya nito.


Lalo siyang sumimangot. Bakit nakangiti pa ito sa kabila nang pagpapalayas niya rito kagabi sa kuwarto at pag-angkin sa kumot nito?


"I hate your guts!" sikmat niya rito.


"Thank you. Atleast you feel something for me now," nakangising turan nito.


Nabuwesit na naman siya. Umagang-umaga ay sira na ang araw niya. Nagkuntsabahan yata ito at ang mga manok sa labas para sirain ang araw niya. Lalagpasan na sana niya ang lalaki nang magsalita ito.


"Hold your temper and eat, My dear. We're going to hunt for food later."



Nanlaki ang mga matang napalingon siya rito.
"What?! What do you mean we're going to hunt for food? You're going to make me a savage like you?!"



Muntik na itong mabulunan nang marinig ang sinabi niya.
"My dear, we're just going to catch a fish and harvest some fruits. I'm not going to make you Pocahontas," natatawang sabi nito.


Nakahinga siya nang maluwag. Ang iniisip niya'y uutusan siya nitong manghuli ng mga usa o mga baboy damo! Pero manghuhuli pa rin sila ng mga isda! Ni Gold Fish nga sa aquarium hindi niya mawakan, isda pa kaya sa ilog? Padabog na umupo siya ng silya at kumuha ng pandesal saka iyon nilagyan ng cheese spread. Mataman lang itong nakatingin sa kanya.


Natigilan siya habang nakatingin sa pandesal. "How did you get these pandesals anyway?" nagtatakang tanong niya.


Humigop muna ito ng kape bago sumagot. "A man who's riding a carabao came earlier and gave me those," anito.


"But you told me the carabao only visits here once a week!"

"Today is that 'once a week'," matipid na sagot nito.


Gusto na niyang magwala. Gusto na niyang isaboy dito ang mainit na kape. Bakit di nito sinabi sa kanya? Nakauwi na sana siya! Mas gugustuhin pa niyang sumakay ng kalabaw kaysa manatili sa gubat kasama ito!


"Why didn't you tell me? I want to go home now!" nanggigigil na singhal na naman niya.


"You want to leave me alone? My dear, I didn't know that," nagmamaang-maangang sabi nito.


Pinanlisikan niya ito ng mga mata.
"Hell yes! Living with you in the same roof disgust me a lot!"


"Ouch," kunway nasasaktang sabi nito ngunit nakangiti namang humihigop ng kape.


Nanghihinang napasandal na lang siya sa silya habang nagngingitngit na pinagmasdan ito.
Seriously, hindi ito ang Cloud na kilala niya. Ang dating Cloud ay takot at nahihiya sa kanya. Ni ayaw nitong gumawa ng mga bagay na ikakasama ng loob niya. Anong nangyari dito?

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon