CHAPTER 27

59.2K 1.3K 24
                                    

Pinasadahan ng tingin ni Lorraine ang sarili sa isang full length mirror sa kanyang kuwarto. Nakasuot siya ng simpleng above the knee red halter dress na tinernohan niya ng velvet six inches high heeled sandals. Light lang ang make-up na inilagay niya sa mukha ngunit pulang-pula ang kanyang mga labi.


"Whoah, I told you we're just going to a simple party, you dont have to dress like you're going to a fashion show!" natatawang komento ni Cloud habang pinagmamasdan siya sa harap ng salamin.



Pumihit siya paharap dito. Nagusot ang mukha niya nang makita ang ayos nito. Nakasuot ito ng simpleng maroon polo at black slacks. Leather black shoes naman ang suot nito sa paa. Hindi ito baduy o pangit tingnan ngunit hindi niya gusto ang mga kulay ng damit na suot ni Cloud. Masyadong dark at dull.

Actually, lahat ng mga damit nito sa closet ay puro dark, nagmumukha itong mas matanda sa totoong edad nito kapag laging dark ang suot.



"Seriously, why aren't you hiring a stylist, Cloud? You can hire as much as you want to dress you up!" napapalatak na sabi niya.



Napatingin ito sa suot saka ibinalik ang mga tingin sa kanya.
"My dear, I'm not a celebrity so I don't need a stylist. And besides, I am a businessman, I don't need to dress glamorously."



Umingos lang siya at nilapitan ito. Inayos niya ang pagkakatupi ng kuwelyo nito saka pinagpagan ang balikat nito. Titig na titig ito sa kanya.



"From now on, I'm gonna be your stylist. But that's not for free, okay? You need to pay me something," presenta niya sa sarili.


Natawa ito sa sinabi niya.
"I'm deeply honored to have a supermodel as my stylist. How can I pay you this honor, My dear?"

Kunwari'y nag-isip siya.
"A yatch will do."


Natawa na naman ito.
"My stylist is very expensive! I cannot afford your service, Madame!"

Umingos siya. "I am not just an ordinary Stylist! I am a supermodel!"


Aliw na aliw na tiningnan siya nito.
"A yatch for being a Supermodel Stylist and a palace for a Supermodel Wife. You're indeed expensive, My dear!"


Pinaikot niya ang mga braso sa leeg nito at nginitian ito ng matamis.
"That's the price for being my husband. You should be proud of yourself. You got yourself a gem!"

Mariing tumitig ito sa mga mata niya.
"Never been so proud, My dear. Never been so proud..." mahinang usal nito.

Namagneto yata siya at hindi na rin niya maalis ang mga paningin sa mga mata nito. Kusang pumikit ang mga mata niya nang unti-unting bumababa ang mga labi nito sa kanya. Kusa niya ring sinalubong ang mga halik nito.

Hindi niya alam kung kailan nangyari ngunit parang nasasanay na siya sa init ng mga halik nito. Para ngang hinahanap-hanap na niya. Para siyang kinukuryente na hindi niya maintindihan sa tuwing nagsasanib ang mga labi nila.

Mayamaya'y ito na ang kusang tumigil sa halikan nila. Muntik na siyang matawa nang makitang kumalat ang lipstick niya sa mga labi nito. Pinahid ng hinlalaki niya ang mantsa ng lipstick. Hinuli nito ang kanyang kamay saka hinalikan.



"Why do you have to be so beautiful, My dear?" madamdaming wika nito.


Napangiti lang siya habang pinagmamasdan ito. Para siyang tangang nag-iinit ang mukha sa papuri ni Cloud. Hindi lang naman ito ang lalaking nagsasabi sa kanya ng ganoon.
Ilang minuto pa'y nagsimula na silang gumayak para pumunta sa party.

-------

Isang simple at jam-packed ang party na pinuntahan nina Lorraine at Cloud. Puro mga ka-batch nito sa high school ang mga dumalo, mostly ay sa Supreme Student Council. Ang iba sa kanila'y pamilyar sa kaniya at may ibang totally ay hindi niya alam na nag-eexist. Three years ang agwat nila ni Cloud kaya hindi siya pamilyar sa batch nito.

Kaarawan ng Professor nila noong High School, si Mr. Ferrer. Ito ang adviser ng SSC at isa ring English Teacher. Under siya rito noong nag Fourth Year High School siya.

Lumayo siya ng kaunti kay Cloud at kumuha ng inumin sa isang mesa. Medyo out of place kasi siya sa topic ng mga kausap nito dahil puro walang katapusang ekonomiya ng Pilipinas ang pinag-uusapan. Iba-iba rin talaga ang fields of interests ng bawat isa.

Nangangalahati na siya sa kanyang iniinom nang biglang may magsalita sa kanyang likuran.


"Lorraine Salve, is that you?"

Napalingon siya rito. Isang babaeng medyo umbok ang tiyan na kumikislap-kislap pa ang mga matang nakatunghay sa kanya ang nakita niya.
Pamilyar sa kanya ang mukha nito ngunit hindi na niya maalala kung saan niya ito nakita.



"I'm sorry but, do I know you?" tanong niya sa babae.



"Shit na malagkit, ikaw nga! Ako 'to, Bes! Si Leah! Leah Pascual. Isa sa mga Queencats dati!"



Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang babae. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Walang bakas ang sexy at magandang Leah na kilala niya. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin nito at nakipag beso-beso. Agad naman niyang inilayo ito sa katawan niya.



"Hey, control yourself, Girl! Gosh! Are you really Leah?" 'di makapaniwalang tanong niya.


"Oo, Bes, ako itey! Nabuntis lang ako kaya ako naging ganito ka voluptuous pero ako pa rin 'to. The one and only!"



She's really Leah. I remembered she's the biggest jologs and troll back in high school. I don't even know why she became one of the Queencats.



Namataan niyang papalapit si Cloud sa kanya at mukhang nag-aalala.

"My dear, are you okay? Is there a fan that's been bothering you?" bulong nito sa kanyang tenga.




Gusto niyang matawa sa tanong ni Cloud. Napagkamalan nitong fan si Leah!

"OMG........!"


Napatingin na naman siya sa babae nang sumigaw ito.


"Claudio Martinez, ikaw ba 'yan? Ang guwapo-guwapo mo na, ah!" anito kay Cloud.



Nagtatakang napatingin si Cloud kay Leah pagkatapos ay ibinalik sa kanya.


"She's Leah Pascual, one of the Queencats before," pakilala niya sa babae.



Agad namang nagliwanag ang mukha ni Cloud nang maalala ang babae.
"Oh, really? Nice to meet you again, Leah," anitong inabot pa ang kamay kay Leah.




Tuwang-tuwang nakipag-handshake naman si Leah sa asawa niya.
"Me too, nice meeting you too, Claudio!"



"Are you with someone else?" tanong ni Cloud dito.



"Ay, yes! Ha-ha! Silly me, I didn't introduce my husband to you. But you know him already, especially Lorraine," makahulugang sabi nito.




Napatingin siya sa babae. Mabilis itong nakaalis at mukhang may hinanap. Malamang ay ang asawa nito.
Inayos na naman niya ang kuwelyo ni Cloud. Ewan niya ba at pinagdidiskitahan niya ang kuwelyo nito.


"Ehem!"


Narinig niya ang pagtikhim ni Leah sa tabi niya tanda na nakabalik na ito.
Nang balingan niya ito ay nagtaka siya nang mapansing mariing nakatingin ito sa kanya. Inilipat niya ang tingin sa kasama nito. Nabitin sa ere ang hininga niya nang makilala ang lalaking kasama ni Leah.



"Lorraine, Claudio, I want you to meet my husband...Raphael Luna. I'm sure you know him," makahulugang pagpapakilala ni Leah.


Ilang sandaling naghinang ang mga mata nila ni Raphael. Seryoso ang anyo nito habang nakatingin sa kanya. Nang mga oras na iyon ay tila binunot sa kanya ang kanyang puso.

God, he's married... I c-cant take this...please kill me now!

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon