Medyo kinakabahan si Lorraine nang finally mahagilap na niya si Madam Francesca. May kausap itong tatlong mga babaeng kaedaran nito habang karahap ang isang painting. Bakas ang paghanga ng ginang sa painting at tila binibida nito iyon sa mga kausap. Narinig niya dati kay Sophia na mahilig talaga sa mga paintings ang mama nito.
Sa kabilang bahagi naman ay nandoon si Emily, nakaupo ito sa harapan ng isang mesa habang pumipirma ng autograph. May mangilan-ngilang mga taong nakapila doon habang nag-aabang na magpa-autograph.
Hindi katulad ng dati karami ang mga tao sa exhibit. Tapos na kasi noong isang araw pa ang launching ng panibagong exhibit ni Emily. Palagay niya'y huling araw na iyon kaya kaunti na lang ang dumadating. Pero nandoon pa rin si Madam Francesca upang ipakita ang suporta nito sa babae.
Nainis na naman siya sarili at bigla na naman siya nakaramdam ng insecurities kay Emily.
Sige, magselos at mainggit ka na naman, Lorraine. Uusad ang buhay mo n'yan!Humugot siya ng malalim na hininga at tinanggal ang mga agam-agam sa dibdib. It's about time na makipagbati na siya sa dalawang importanteng mga babae sa buhay ni Cloud. Pasimpleng hinawakan niya si Ian saka hinila papalapit kay Madam Francesca. Kunwari'y naligaw lang sila roon dahil ife-feature kuno ni Ian sa show nito ang mga gawa ni Emily. In fairness naman kasi sa mga gawa ni Emily, pang world class naman talaga ang dating.
Lumapit sila ni Ian sa isang painting. Nag-instruct na siya rito kung ano ang gagawin. Mabilis naman nitong na-gets ang gusto niyang sabihin.
"This one right here looks extremely fascinating! I would love to place it in Malacañan Palace's dinning table!" eksaheradong puri ni Ian sa malakas na tono upang makuha ang atensyon nina Madam Francesca.
Nang tingnan niya ang painting ay muntik na niyang makurot ang kaibigan.
Maganda ang painting pero hindi iyon pang Malacañan Palace. Sinong abnormal ang maglalagay ng painting ng babaeng nagpapasuso sa anak sa harapan ng dinning table at kaharap ang mga cabinite ng Presidente? Wala! Si Ian lang at ang eksaherado nitong utak!"Umayos ka, girl. Future ko ang nakasalalay dito!" mahinang sita niya rito habang pasimple itong siniko.
"Ang ganda kaya ng komento ko, pang headline!" proud pang sabi ng hitad.
"Tse!" naiinis na singhal niya rito.
Napatingin siya sa dako nina Madam Francesca. Napalunok siya nang masalubong ang nanlilisik nitong mga mata. Mabilis itong nakalapit sa kanila ni Ian saka humalukipkip sa harapan nila. Napaatras sila ni Ian at baka bigla sila nitong sugurin at pagsasampalin.
Kagaya ng mga nakikita niyang eksena sa mga teleseryeng pinapanood ni Sidney."What brings you here?" nakaismid na tanong ng ginang. Ramdam niyang nagpipigil itong bulyawan sila ng kaibigan niya. Composed na composed pa rin ang tayo at kilos nito.
"We're just looking for a painting that I can feature in my show, Madame," sagot ni Ian.
Tumaas ang kilay nito kay Ian. Mukhang hindi pa kilala ng ginang na ang pinagtataasan nito ng kilay ay ang unica hija ng Presidente ng Pilipinas.
"Pardon me but, what type of show, my dear? I didn't remember inviting any circus here," nakangiting tanong ni Madam Francesca kay Ian na halata namang pilit.
Nagkatinginan sila ni Ian. Alam niya, ramdam niya, na naimbyerna ang kaibigan niya sa sinabi ng ginang. Hinawakan niya ang kamay nito at pilit na pinapakalma. Kilala niya si Ian, second runner up ito ni Sidney na taklesa at prangka. Baka mapurnada pa ang pakikipagbati niya sa ginang kapag rumatsada na ang bibig nito.
BINABASA MO ANG
The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)
General FictionLorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. Not until fate played a wicked game on her. She ended up being a bride of a billionaire whom he reject...