CHAPTER 11

69.2K 1.4K 78
                                    

"What?!" gilalas na tanong ni Lorraine kay Cloud nang pagsindihin siya nito ng posporo para silaban ang kumpol ng mga panggatong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"What?!" gilalas na tanong ni Lorraine kay Cloud nang pagsindihin siya nito ng posporo para silaban ang kumpol ng mga panggatong.




Kaya pala ito nagsisibak ng kahoy kanina dahil gagawin nito iyong panggatong.



"Make a fire from the match, My dear," ulit nito.



"How?!"



Kunot-noong lumingon ito sa kanya habang naglalagay ng tubig sa isang malaking palayok.

"Hindi mo alam kung paano gamitin ang posporo?"




"No! I'm using a lighter, duh!" katwiran niya. Hindi siya tanga, hindi lang talaga niya nasubukang gumamit ng posporo sa tanang buhay niya.




Umiling-iling na naman ito.
"Well this is a forest. You cannot find a lighter around here. Better use the match."




"Eh di ikaw ang magsindi tutal ay alam mo!" pabalang na sagot niya.




"You wouldn't learn anything if everything is spoonfeeding. Use your hands, My dear."




Nainis na naman siya.
"You didn't bring a lighter?"




"I wouldn't let you use a match if I brought a lighter, would I?" sarkastikong sagot nito.




Ang sarap ibato dito ang panggatong. Nagtagumpay talaga itong inisin siya. Kanina pa siya nauubusan ng pasensya rito!

"Teach me then, you fuckin' moron!" gigil na singhal niya rito.





Marahas na napatingin ito sa kanya. "One more cuss from you and we are going to stay here for the rest of our lives," banta nito.




Biglang naumid ang dila niya. Nagtagis na naman ang kanyang mga bagang.

Screw you, Cloud! Magbabayad ka talaga sa akin kapag nakawala ako rito!




"Then teach me how to operate this thing!" nanggagalaiting singhal niya.




Marahas na bumuntong hininga ito at iniwan ang ginagawa. Lumapit ito sa kanya at pumuwesto sa kanyang likuran saka hinawakan ang dalawang kamay niya. Dumidikit na ang likod niya sa katawan nito samantalang magkalapit na ang mga mukha nila. Bigla siyang hindi napakali.




"W-what are you doing?"




"I will teach you how to use this simple thing. Even a five year old child can do this, I wonder why you can't. Listen very carefully because I'm not going to repeat it again," mariing sabi nito saka iginiya ang kamay niyang may hawak ng posporo pagkatapos ay ikiniskis iyon sa lalagyan. Sumilab agad ang posporo.





The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon