CHAPTER 32

56.8K 1.1K 7
                                    

"He's dead..."



Hindi nakaimik si Lorraine sa ibinalita ni Cloud. Patay na ang lolo nito. Ramdam niya ang lungkot at pighati ng asawa niya sa malakas nitong hagulhol sa kabilang linya.

Kinakagat niya ang ibabang labi upang huwag lumabas ang pinipigilang luha. Nadudurog ang puso niya para kay Cloud. Parang gusto niyang lumipad papuntang Davao upang yakapin ito.

Alam niyang nalulungkot ito sa mga oras na iyon at kailangan nito ang presensya niya. Parang gusto niyang magsisi at hindi siya sumama.


"Condolence..." tanging nasambit niya.


"I guess you can't really force people to stay in your life," anito kapagkuwan.


Don't worry, I will stay...

"Let's pray for his soul to rest peacefully in heaven. Don't worry, he's in the  hands of our Lord right now, watching over you and Sophie..."


Gusto niyang palakpakan ang sarili sa nasabi. Kailan pa siya natutong mangonsola? Wala iyon sa bokabularyo niya! Nahahawa na yata siya sa kabaitan ni Cloud.



"I guess you are right. He doesn't want to see us crying and doing this kind of drama. I only hoped his soul is peacefully resting in heaven now and not roaming around the world looking for high breed horses. He is fond of horses, you know," natatawang sabi nito.


God, I miss his laugh.

Natawa na rin siya.
"Is he fond of cock fights too?" tanong niya.


"No, why?"



"Baka kako mahilig siya sa sabong, hamunin niya pa si San Pedro," biro niya.



Ang lakas ng tawa nito. Aliw na aliw siya kahit nangungulila siya rito. Tumitindi ang pagnanais niyang makita si Cloud sa bawat araw na wala ito sa piling niya.



"Cloud?"


"Hmm?"


I miss you. I love you so much!

"Don't hang out with other girls out there!" sa halip ay sabi niya.


Natawa ito nang mahina. "You're not jealous, right?"


I am. I am deadly when I get jealous.
"Of course not! I just want to remind you that I don't share my man to anyone!"



Natahimik ito.
"If I didn't know you better, I will think you're jealous right now. But since...never mind! I guess I better sleep now," anitong tila humikab pa.



Shit! Puputulin na niya ang tawag! Ayoko pa! Mag-usap muna tayo!

"I-inaantok ka na ba?"



"Yeah..."


Naawa naman siya. Mas maiging matulog na nga ito dahil hindi maganda ang pinagdaanan nito kanina.

"Okay, sleep tight. Good night!"



"Night..."


The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon