Chapter 71

70K 1K 52
                                    

"Good morning, my dear," nakangiting bati kay Lorraine ni Cloud nang lumabas ito ng kanyang kuwarto. Nasa sala siya at nagbabasa ng magazine. Hinihintay niya talaga itong magising para palayasin.

Napangiti siya nang mapakla sa nakikitang malapad na ngiti  nito. Ang sarap sanang pagmasdan nito sa ngiting iyon kung totoo lang ang ipinapakita nito sa kanya, ngunit hindi. Nanatiling nakangiting tumabi ito sa kanya sa sofa.

"You can leave now. My boyfriend is coming," malamig na sabi niya rito habang kunwari ay nag-i-scan ng magazine.

Natawa ito. "Yeah, right."

Pinagtaasan niya ito ng kilay. "I mean it. Get your things and get the hell out of my sight. Jackson is coming."

Nakangiti pa rin ito. Sumandal ito sa sofa at inakbayan siya. "Is this one of your games? I am not buying it, my d—"

Doon tumunog ang doorbell niya. Alam niyang si Jackson iyon dahil tinawagan niya ito kanina. Nakakahiya dahil idinamay niya pa ito ngunit naiintindihan naman daw siya. Willing daw itong makipag-cooperate. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Nang makitang si Jackson iyon ay agad niyang ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito at pikit matang hinalikan ito sa mga labi.
Nasabihan na niya ito sa kanilang gagawin.

"What's the meaning of this!?" narinig niyang galit na tanong ni Cloud sa likuran nila.

Pinagsiklop niya ang mga kamay nila ni Jackson at kalmanteng hinarap si Cloud.
"I told you  he is coming but you didn't listen. I'm sorry you have to see it but blame that on yourself for being stubborn," maigting na sabi niya rito.

Tila nalilito ito sa mga nagaganap. Nanatili itong nakatayo sa harapan nila habang nakakuyom ang mga kamao.
"I thought you love me? You shouted my name when we made love last night!"

"That's because you told me to shout your name! I was never really feeling it. And correction, we didn't make love. We screwed! And man, you're the lousiest sex partner I ever had! You couldn't make me reach my climax. I have to fake it just to—"

Nagulat siya nang bigla nitong sipain nang malakas ang maliit na mesa sa harapan nito. Napaatras sila ni Jackson nang makitang pinanlisikan sila nito ng mga mata. Napalunok siya at napakapit kay Jackson.

"I swear, Lorraine, this is the last heartbreak you can ever inflict on me. I was hoping we can start a new life because my heart still beats for you. But who am I fooling with? You never changed. You chose to break my heart all over again. Thank you and goodbye!" garagal na sabi nito.

Napakagat labi siya. Nais niyang sugurin ito ng yakap ngunit kinastigo niya ang sarili. Ikakasal na ito sa iba! Ikakasal na ito kay Emily at hihiwalayan siya! Hindi dapat ito nag-iinarte nang ganoon kundi siya!
Nakita niyang nagpahid ito ng mata.

God, he's crying...

Nalusaw na naman ang puso niya. Hindi niya talaga kayang makitang nasasaktan ito. Parang doble ang sakit na hatid niyon sa kanya. Pero ana ba ang tamang gawin? Hindi siya bobo, naintindihan niya nang malinaw ang nabasa sa email ni Emily!

Pero bakit parang totoong nasasaktan si Cloud? Hindi ba dapat ay natutuwa siya dahil nakaganti na siya rito at kay Emily? Bakit  domoble ang bigat ng loob niya? Bakit gusto niyang bawiin ang nasabi?

Napaatras uli sila ni Jackson nang galit na maglakad si Cloud papunta sa direksyon nila. Nakakatakot ang madilim na hitsura nito. Tuloy-tuloy itong lumabas ng pinto ng unit  at malakas iyong isinara. Natulig ang tenga niya sa malakas na pagsara nang pinto. Nakita niya pang iiling-iling si Jackson sa nasaksihan.

Tama lang ang ginawa ko. Manloloko si Cloud. Hindi ko dapat siya panghinayangan!

——————

The Beauty And The BILLIONAIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon