The Star - PROLOGUE

46.8K 394 37
                                    

THE STAR

PROLOGUE:

Mula pagkabata, mga panahong halos may sipon pa akong tumutulo sa ilong, hanggang ngayon, tanging isa lang ang lalaking hindi nawala sa isip ko. Isang lalaking malapit lang pero ang hirap abutin. Siya si Franz Roff, 18 years old, second year college ng Physical Therapy sa St. John Colleges. Kababata ko siya kasi magkapitbahay kami. Nasa kanya na ata halos ang lahat. Tulad ng kakisigan, kagandahan ng katawan, talino, magaling sa sports, at mayaman. Napakaswerteng nilalang na noong nagsabog ata ang Diyos ng lahat ng biyaya ay gising na gising na siya. Pero isa lang ang hindi ko gusto sa kanya, isa siyang dakilang SUPLADO!

Samantalang ako, maganda rin naman ako, simple, mabait, matalino, palakaibigan, at hindi tulad ng mga fairy tales kasi mayaman kami. Pero isa lang ang problema ko, LAMPA ako. Wala nga akong sport na mapili na mag-eexcel ako eh. Kaya nga lalo akong bumibilib kay Franz. Kasi ang galing niya sa sports at hindi tulad ko.

Ako nga pala si Stephanie Cruz, 17 years old,  at second year Physical Therapy din ako sa St. John Colleges kasi maaga akong nag-aral noong bata pa ako. Bukod sa magkapit-bahay kami, sinisigurado ko pa na lagi kaming magiging magkaklase. Para lagi akong may chance na makita siya at makausap.

"Hoy Steph! Isara mo nga iyang bibig mo at baka mapasukan ka ng langaw!" Sigaw sa akin ni Franz. Naandito kasi kami ngayon sa school, sa ilalim ng malaking puno dito sa soccer field, at nagawa ng project namin sa Physics. Pinaghirapan ko ito. Binilhan ko pa si Miss Tessa (ang teacher nila) ng merienda kanina para lang ipartner niya ako dito kay Franz.

"Sorry!" Pulang-pula iyong mukha ko sa hiya dahil hindi ko namalayang nakanganga ako dahil sa kakatitig ko sa kanya. Magkatabi kasi kaming nakasalampak dito sa damuhan. Pero imbes na ma-offend ako ay natuwa pa ako. Kahit asarin niya lang ako, basta ang importante ay napapansin niya ako, happy na ako.

"Pulang-pula ka oh..Hahaha!" Humalakhak pa ito pagkatapos akong duro-duruin.

Hiyang-hiya tuloy akong hindi na makatingin sa mga mata niya. Kasi naman eh, bakit kailangang sa harap pa niya ako mamula? Sabagay, napaplano ba iyon? Hindi naman diba?

"Tigilan mo na nga ang pagtawa." Saway ko sa kanya. Baka kasi mamaya mapa-ihi siya sa kakatawa, patay kang bata ka! Tiyak na mababawasan ang mga fans niya dito sa school namin.

"Eh... eh.. kasi naman... para kang kamatis sa pula! Ahahahah!" Hirap na ngang magsalita sa kakatawa, tuloy-tuloy pa din siya. Napapatingin na tuloy ang mga dumadaang estudyante sa amin.

Dahil medyo naiinis na ako sa mga babaeng ang sama ng tingin sa akin dahil naiinggit dahil kasama ko siya, napikon na ako. Lumapit akong dahan-dahan sa mukha niya. 

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon