Starring 23

11.1K 165 9
                                    




STARRING 23

PINAGBATI





Kuhanan na ng classcards. Nasa out of town sina Von kaya ako ang pinakiusapan niyang kumuha ng classcards niya. Syempre, sumunod naman ako. Mahal ko iyon eh. Kaya inuna kong kunin ang classcard nya kasunod ang akin.

Busy sina Von kasi may plano silang bigyan ng debut concert. Kilala na kasi sila sa buong Pilipinas. Ang mga kanta nila ay laging top sa Myx Charts. Parateng number 1 ang lahat ng albums nila.


Pauwi na sana kami ni Dei nang hintuan kami ng sasakyan ni Franz. Hindi kasi ako susunduin ng driver namin ngayon kaya magcocommute sana kami ni Dei.



"Si Franz." Pigil ang kilig ni Dei nang bumaba si Franz ng kotse niya. Nakita niya kami ni Dei dito sa waiting shade na nagaantay ng masasakyan.  Ako naman ay nakatingin lang.



"May kailangan na naman yan sa akin." Balik bulong ko kay Dei. Commute ako ngayon kasi gamit ni Papa ang sasakyan namin. Si Mama naman ay sinamahan si Dale sa debut ng anak ng kumare niya. Kasama kasi ang bunso kong kapatid sa 18 roses.



"Ang gwapo niya talaga!" Palatak pa ni Dei. "Pero gwapo din naman si Papa Von mo." Napangiti pa ako sa dagdag papuri niya sa boyfriend ko. Tumahimik din siya agad ng makalapit na ng tuluyan si Franz samen.



"Hatid natin si Dei." Sabi niya sa akin na nakapagpakunot ng noo ko. Bakit ihahatid pa namin si Dei? Saan na naman kaya ako nito dadalhin?



Noong mga nakaraang linggo kasi, napapadalas ang pagpapasama niya sa akin (minsan kasama namin si Von) para puntahan si Fatima. Napapadalas ang tampuhan nila dahil sa mga nalilink sa kanilang mga artista at models din.



"Thank you!" Hindi na ako nakasagot ng pumasok agad si Dei sa front seat ng kotse ni Franz. Hindi man lamang ako hiningan ng opinyon kung papayag ba akong sumakay kami dito. Grabe talaga itong kaibigan ko!



"Tara?" Tanong ni Franz sa akin matapos isarado ang pinto nang makapasok na si Dei sa front seat.



Syempre hindi naman ako masamang kaibigan kaya pumayag na lang din ako. Lalo na at kilig na kilig pa si Dei ngayon. Alangan namang yayain ko pa siyang mamasahe na lang kami? Kaya tahimik na lang ako dito sa backseat.



Tuwang-tuwa naman si Dei ng ihatid na namin siya sa kanila. Gusto pa nga sana niyang pumasok kami sa loob pero tumanggi na si Franz. Tamad na tamad naman akong lumipat sa unahan ng kotse sa tabi ni Franz nang makababa si Dei.



"Steph, samahan mo ako sa bahay nina Fat. Tulungan mo naman kaming magkabati." Sabi niya ng sumulyap siya sa akin ng mabilis, tapos sa kalsada na siya ulit nagconcentrate.



Napataas ang kilay ko. Sabi ko na nga ba, may kailangan na naman ito eh. Naiinis ako kasi kailangan ko na namang makialam sa kanila. Mabuti pa kami ni Von at kami mismo ang lumulutas sa problema namin.



"Ayoko." Naiirita kong sabi kay Franz. Ayaw ko na kasing makialam pa sa relasyon nila. Kung hindi nila kayang ayusin ang simpleng tampuhan, paano pa nila mapapatagal ang relasyon nila?



Itinigil ni Franz ang kotse sa tabing kalsada. Nalalag ang puso ko ng harapin ako ni Franz sa maiiyak na itsura. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Please, Steph? Nahihirapan akong may tampuhan kami. Hindi ako makatulog at makakain ng ayos." Pakiusap niya sa akin. "Please?" Malungkot na malungkot ang itsura niya.



"Ano ba kasi ang pinagawayan na naman ninyo?" Mahinahon na tanong ko. Hindi ko muna susungitan si Franz. Mukha kasing maiiyak na siya.



"Nagselos siya sa isang co-model ko." Sagot niya.



"Bakit naman siya nagselos?" Tanong ko pa.



"Nagpatulong kasi sa akin na ikabit ko iyong zipper ng dress na costume niya sa fashion show namin." Paliwanag niya at nagbabadya ng tumulo ang luha niya.



Niyakap ko si Franz. Alam ko namang in the end, tutulungan at tutulungan ko pa din siya. Dahil sa puso ko, special pa rin siya kahit hindi ko na siya mahal bilang lalaki. Naramdaman ko na lang na nabasa ang balikat ko. Umiiyak na nga si Franz!



"Mahal mo talaga si Fatima no?" Tanong ko sa kanya noong pinahid ko ng daliri ko ang mga luha niya. He looks so vulnerable. Hindi mo aakalain na siya si Franz Roff na pusong bato dati.



"Oo, Steph. Pangalawa sa iyo na hindi ko kapamilya. I love her so much, Steph." Bakas ko ang sinseridad sa sinabi niya.



Pangalawa daw sa akin? Kung noon ko narinig ang ganitong mga salita niya, malamang nahimatay na ako sa kilig. Pero ngayon, natutuwa na lang ako sa binigkas niya. Masaya ako kasi kahit paano, alam kong mahal niya ako bilang kaibigan.



"Steph, sige na. Help me. Last na ito." Pakiusap pa niya.



"Oo na! Sige na magdrive ka na. Baka magbago isip ko." Nakangiting sabi ko.



Ngumiti na siya at pinunasan ang huling luha niya sa mata. So gay! Ha! Ha! Ha! "Yes!" Niyakap pa niya ako ng mahigpit. "I don't know what to do without you!" Dagdag pa niya at binuhay na ang makina.



Napatawa ako sa inasal niya. "Sus! Dati nga parang yaya mo ako, pero hindi mo naappreciate." Biro ko sa kanya.



Umandar na ang kotse niya. Sinulyapan niya ako sandali. "Akala mo lang hindi kita na-appreciate. Nagu....." Naputol na paliwanag niya.



"Just drive." Putol ko sa kanya. Ayaw ko na kasing pagusapan pa ang nakaraan. Ang mahalaga sa akin ay ang samahan namin ngayon.




**

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon