A/N:
Thanks sa votes. Salamat sa comments nina : @arianeaviso, @karlrichmell, @miaka_love, @jhasmincute12, @oishiangela, @Paul_Samboa, @dhione, @RaRaDee, @SummerFlinn, @KyungBaekSu, @nelvinPots, @CecileCabanig, @VanessaSeralde, @NikkiLegastoElbo, at @mjvelasc0.
Magcomment din po ang mga nagvovote para mabasa ko ang names ninyo. Ang hirap po kasing hanapin kung sino-sino ang mga nagvovote. Pero gayun pa man, maraming salamat po.
30 VOTES & 25 COMMENTS = UPDATE!
_____________________________________
STARRING 69
MANIPULA
Tinawag kami ni Dale at kakain na daw. "Kain muna tayo." Yaya ko sa kay Von habang inaabot ang saklay ko. Hindi ko namalayang tanghalian na pala. Sa dami kasi ng kinokoberan namin ay hindi ko namalayan ang oras.
Tumayo naman agad siya para iabot sa akin ang crutches ko. "Dahan-dahan." Nagtayuan ang balahibo ko nang alalayan pa akong tumayo ni Von at hawakan ako sa magkabilang siko.
"S-Salamat." Nabubulol na sabi ko. Natetense talaga ako kapag ganito siya kalapit. Lalo na at napapa-flex ang braso niyang matipuno kapag inaalalayan ako. Wow ulam ang dating! Extra rice please?!
Bumaba na kami at kumain kasabay ng family ko. Hindi ko mapigilan ang pagtibok ng puso ko ng malakas ng asikasuhin pa talaga ako ni Von kahit kaharap ang pamilya ko. Siya ang nagsandok para sa akin ng pagkain ko. Siya rin ang nagsalin ng tubig ara sa akin. Kung i-pamper niya ako, daig ko pa ang baldado. Kilig much lang!
Everything was perfect. Kumpleto ang pamilya ko, naandito ang boyfriend ko daw(?). Ito ang mga moments na hindi kayang bilhin ng pera. Masaya. Kumpleto. Pero bakit parang may kulang pa rin akong nararamdaman sa puso ko?
Natapos kaming kumain ng tanghalian at nagpaalam na si Von sa amin. May practice na naman daw kasi sila at may tv guesting pa daw. Kahit iika-ika ako, hinatid ko siya sa front door namin.
"Von, bukas ah?" Bilin ko pa sa kanya. Pinaaalala ko ang pagsabay ko sa kanyang pumasok bukas.
Hinaplos niya ang bisig ko. "Opo. Sige na, aalis na ako. Salamat ulit sa inyo." Sabi pa niya at tumalikod na para umalis pagkatapos magpaalam sa parents ko.
Nakangiti ako kasi nakasama ko si Von sa tanghalian. Nakasaklay na bumalik na ako sa sala. Busy sila sa panonood ng bagong cd na binili ni Papa. Nakinuod ako at maganda naman ang kwento ng palabas.
Nasa gitna na kami ng pamilya ko sa panonood nang may maalala akong itanong. "Ma, bakit nga pala laging dvd ang pinapanuod natin? Ano na bang nangyari na sa cable natin?" Tanong ko pa kay Mama ko.
Nagkatinginan sila ni Papa. Si Dale naman ay walang pakialam na nakamulaga lang sa dvd na pinapanuod nila. "Pa, bakit wala tayong cable at internet?" Ulit ko pa sa tanong ko.
Bubuka sana ang bibig ni Papa nang hawakan ni Mama ang kamay niya kaya naitikom niya ito muli. "Ah kasi... Kailangan niyang... I mean, magpapalit tayo ng mas malinaw. Right, Pa?" Nalilitong sagot ni Mama.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...