Starring 57

9.6K 158 16
                                    


A/N:


Guys & Gals, can I ask you a favor? Pwede po bang pakidaanan ng basa iyong BS CHAPTER (Chapter 55)? Nabura ko kasi iyong original noon kaya ni-repost ko kagabi. Nawala tuloy ang number of reads at votes/likes. Please lang po? Sige na pagbigyan na po ninyo ako. Para medyo tumaas ang rank ng THE STAR based on number of reads, votes & comments. PLEASE?

-AngelMelay

________________________________________


STARRING 57

BECAUSE OF ME?



30 minutes break nila ay tapos na. Kung anu-ano nang naikwento nina Keith at Tae tungkol sa kanilang mga sarili, pero wala pa rin sina Fatima at Franz. Nasaan na nga ba sila? May dapat na naman ba akong ipag-alala? Sina Ate Gi, Kuya Max at Kuya Jo ay nagmerienda sa labas. Nagpaalam sila sandali sa akin, kaya hindi ko mapahanap ang dalawa.



Kung hindi nga lang dahil sa kadaldalan nina Keith ay malamang hindi ako na-entertain at napraning na ako kakaisip sa dalawa. Ayoko namang itext si Franz kasi gusto ko maramdaman na binibigyan niya ako ng importansya. I mean, sa mga pagkakataong ganito ay sana man lang i-inform niya ako. Dahil asawa niya ako..........sa papel nga lang.


"I'll chat with you later, Steph." Kumindat pa si Keith sa akin. Tinatawag na nga kasi sila ng floor director nila para sa practice.


Agad namang kumontra si Tae. "Chat with her? Just the two of you? No! We will chat with her later!" Kunot ang noong pagtatama ni Tae kay Keith.


Natawa ako sa kanila. Makikipagkwentuhan lang nag-tatalo pa? Ganoon ba ako kasarap kausap para pag-awayan. "Ok. Just go!" Taboy ko sa kanila.


Ngumiti sila sa akin at nagpaalam na. Pero nang makatalikod sila papuntang stage, hindi maiwasang hindi ko marinig ang kanilang pagtatalo.


"I saw her first!" Si Keith.


"And so? I like her too!" Si Tae.


Hanu daw? Napanganga ako! They like me? OMG! Cannot be! Ganoon ba ako kamanhid para hindi ko mahalata na gusto pala nila ako? Kakikilala lang nila sa akin ah? 30 minutes halos ko lang sila nakausap at gusto na nila agad ako?


Oh noes! Wala naman akong maibibigay sa kanila kundi friendship. Para tuloy gusto kong batukan ang sarili ko. Hindi ko man lang nabanggit sa kanila na girlfriend ako ni Franz. At least, iyong alibi man lang na iyon. Basta ang point, taken na ako ni Franz. Ke asawa ako, o girlfriend, ang point, I am Franz' girl! Patay ako nito kay Franz kapag nalaman niya ito.


Speaking of Franz? Asaan na sila? Nagpalinga-linga ako, wala pa talaga silang dalawa. Nagdate ba sila? Tumakas? Or worst, nagtanan?? Bakit hindi man lang kasi binanggit sa akin? Kumakabog tuloy ang puso ko sa kaba. Baka nagkabalikan na. Baka inakit ni Fatima.


Ipinilig ko ang ulo ko. Bukod sa kiss na nakita ko noon, ay wala namang ginagawa si Fat na moves kay Franz, para pagisipan ko siya ng hindi maganda. Nakikita kong parang gusto niya si Franz hanggang ngayon, pero hanggang pagtitiis na lang siya. Hindi siya ang pangkaraniwang kontrabida sa mga pocketbooks na nababasa ko. She's a fine lady! Ang sama ko para maisip iyon.


Hindi kaya si Franz ang yumaya kay Fatima? Dahil ayaw niyang makita akong kausap ng iba? Pero bakit naman? Nakipagkilala lang naman si Keith sa akin kanina? Don't tell me, naamoy niya agad na type ako ni Keith? Male's intuition? Impossible!


"Sir, Franz and Fatima are still not here." Nakasimangot na sabi ng isang female model na napakadaming freckles sa dibdib, American siguro.


Naagaw niya ang attention ko. Naku! Nasaan na ba sila? 45 minutes na, baka mapagalitan sila.


"Let's start without them. Anyway, they are the last to walk on the ramp." Cool na sagot ni Direk. Nakapagtataka na hindi siya galit? Ganoon ba talaga kapag star models? Pwedeng magdate kahit during rehersal.


Out of curiousity eh lumapit ako sa make-up artist dito sa set. "Where's Franz and Fatima?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya.


Ngumiti sa akin ang baklang make-up artist. "They were ordered by the Director to fetch the designer." May British accent pang paliwanag niya.


"Ahh." Nasabi ko habang tatango-tango. All the while kung anu-ano ang iniisip ko sa dalawa, inutusan naman pala. Nahihiya ako sa sarili ko. Ang bad ko! Masama na agad ang naiisip ko, iyon naman pala trabaho ang dahilan ng pag-alis nila. Dapat talaga magtiwala lang ako. I should learn how to trust Franz.


After an hour, dumating na si Franz na kasabay naglalakad ang isang sikat na designer na sa tv at magazines ko lang nakikita. Wow! Big time ang taong ito ah. Sa likod nila ay nakasunod si Fatima.


Nahinto sandali ang show at pinalapit sila sa designer. Isa-isang pinakilala ni Direk ang mga modelo. Habang nagkakamayan sila doon ay lumapit naman sa akin si Franz.


"Sinundo namin si Luther (designer) sa hotel niya." Paliwanag niya kahit hindi ko tinatanong. May kung ano siyang hinahanap sa bag niya.


"Ah ok." Iyon ang sabi ko pero hindi niya ako tiningnan. Parang hinahalughog na niya ang bag niya. "Anong hinahanap mo, Franz?" Hindi ko napigilang magtanong. Gusto ko kasi siyang tulungan sana.


Hindi siya sumagot, pero tinigilan na niya ang paghahanap at isinara ang bag niya. "Ito." Sabay pakita niya sa phone niya.


"Hindi mo pala dala iyan?"


"Hindi." Sagot niya habang pindot ng pindot sa iPhone niya. Nakita kong biglang kumunot ang noo niya.


"Anong problema?" Hindi ko napigilang tanong sa kanya at nakisilip na rin ako sa tinitingnan niya.


Noon na siya tumingin sa akin. "Hindi mo man lang pala ako hinanap kanina." Malamig na sabi niya at ibinalik na sa loob ng bag niya ang telepono niya.


Alam kong wala siya sa mood. Sa tagal ko na siyang kilala, alam ko na ang mood swings niya. "I trust you kasi. Hindi kita kailangang i-monitor para lang alamin ko ang lahat." Nakangiting sabi ko.


I lied, I know! Sarap batukan ng sarili ko. Alam na alam kong halos umikot na ang tumbong ko kanina. Mabuti na lang at nabanggit ni Bakla kung nasaan sila. Saka ko nga lang narealize na dapat magtiwala ako sa kanya nang nagpaliwanag na si Bakla.


Hindi siya kumibo at nakasimangot na kinuha ang pamalit niya para sa next practice. Pinanuod ko lang siya na pumasok sa dressing room para magbihis. Nang matapos siya at makabalik sa tabi ko ay inagaw ko na ang hinubad niya damit. Ititiklop ko sana ng padabog niyang hinablot sa kamay ko.


"Ako na." Malamig pa ring sabi niya. Naku! May topak na!


Isinabit ko ang isang braso ko sa kamay niyang nagtitiklop. "Franz, malaki ang tiwala ko sa iyo kaya hindi kita kailangang bantayan tulad ng iniisip mo." Malambing na sabi ko. Ngumiti pa ako ng ubod ng sweet sa kanya. Pero siya, deadma!


Tapos na siya at babalik na sana sa tabi ni Luther nang hilahin ko ang siko niya. How can He walk on the ramp while wearing that cloudy face? Bawal silang ngumiti kapag nagmomodel, pero hindi kailangang mukhang galit.


"Franz naman." Sabi ko pa.


Tinitigan niya ako sa mata. "If I know, hindi mo ako hinanap dahil busy ka kay Keith." Nakasimangot na sabi niya.


"No! Hindi ganoon." Tanggi ko. Sasabihin ko sana na, 'sinamahan lang niya ako, plus Tae pa nga pala, noong umalis ka at pinaghihinalaan kita', pero hindi ko itinuloy. Nakakahiya kasi ang dumi ng utak ko.


Nag-igting ang panga niya habang nakatitig sa akin. "Tandaan mo, Steph, seloso ako." Huling sabi niya at umalis na. Tinatawag na kasi siya ng co-models niya. Si Fatima naman ay noon ko lang napansin na nakatanaw pala sa amin mula sa stage. Mukhang nag-aalala.


Nang magtama ang paningin namin. "May problema?" Tanong niya sa walang boses. Nabasa ko lang sa buka ng lips niya. She looks sincerely worried.


Umiling ako at ngumiti bilang pagtanggi. Kasi oo nga't medyo may inaarte-arte si Franz, pero wala namang kinalalaman si Fatima dito. Problema lang namin ito ni Franz. Naiinis siya kasi hindi ko daw siya hinanap kanina. Ang totoo nga, kung hindi lang ako napaliwanagan, dahil sa pag-iisip ng masama sa kanila, malamang ay ako ang nagiinarte ngayon dito. Nakakaguillty tuloy sa kanila!


Tumango siya at ngumiti. Mabuti na lang at 20/20 ang vision ko at nagkintindihan kami kahit halos 15 feet ang layo namin sa isa't-isa.


Bumitiw na kami ng tinginan ni Fatima at noon ko nakita ang nakabusangot pa ring si Franz sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin. Nagtatampo talaga siya, alam ko. Kaya lang lumagapak naman ang tingin ko kay Taechoon o Tae, for short. Nakangiting kumaway siya sa akin.


"What do you think are you doing, Tae??" Galit na sabi ni Luther. Napansin pala ang pagkaway niya habang nakatayo doon sa stage, sa tabi ni Franz.


Ngumiti si Tae kay Luther. "Nothing, Sir." Sagot niya at ibinalik ang tingin sa akin.


Naniningkit na ang mata ni Franz kaya tumalikod na ako. Ayaw ko na ngang humarap sa kanila at manood. Kung anu-ano lang nakikita ko. Mabuti pang lumayo na nga lang ako dito. Humakbang na ako palayo habang nag-iisip kung paano ko pahuhupain ang sumpong ni Franz mamaya, nang biglang....





"WHAT THE H3LL!!" Mura ni Luther.


Nanginginig ang tuhod kong humarap ulit sa kanila. Napatid ko ang saksak ng ilaw at namatay ang connection ng spotlights ng stage. Kitang-kita ko nang galit at mabibigat ang paang nagmarcha sina Luther at Direk papunta sa lugar ko. Maagap naman ang electrician at hinanap agad ang cable na napatid ko.


"You! Who are you? Are you crazy? Can you leave my set now?!" Sigaw sa akin ni Luther. Napatungo na lang ako. Napaka-clumsy ko kasi.


"I'm sorry." Mangiyak-ngiyak na sabi ko. Kasi hiyang-hiya ako. 'Lupa, lamunin mo na ako ng buo, please??' Piping dasal ko.


"You're so stu....." Hindi natapos ni Luther ang sasabihin niya dahil bumalik na ang liwanag sa stage.


"Sir, please don't shout on her." Mahinahon na awat sa kanya ni Franz. Nakalapit na siya sa amin. Inakbayan ako ni Franz. "Don't cry." Bulong niya sa akin. Pakiramdam ko lalo akong naiiyak kaya tumungo na lang ako.


"Who is this stupid?" Galit na tanong ulit ni Luther.


"She's not stupid, Sir. Stephanie Cruz. She's my..." Si Franz na halos kasabay ng sagot ni Direk kaya hindi na siya nakipagsabayan pa. Hindi rin naman sila maunawaan ni Luther kung parehas silang magsasalita ni Direk.


"Stephanie Cruz. She's a friend of Franz." Mabilis na paliwanag ni Direk.


Naramdaman kong humigpit ang akbay sa akin ni Franz. Parang gusto niyang ipaliwanag pa ng ayos ang status naming dalawa. Siniko ko nalang siya. Hindi naman importante kung magkaanu-ano kami. Ang topic dito ay ang ka-careless-an ko.


"I'm sorry. It's my fault." Hingi ko ulit ng paumanhin. Nag-angat na ako ng tingin para makita ni Luther sa mga mata ko na I'm sincere.


"Let's just continue." Awat ni Direk. Gusto ko siyang yakapin sa tuwa na niyayaya niya na palayo si Luther sa akin. Baka kasi bigla akong sakalin sa kagagahan ko eh.


"Wait." Itinaas ni Luther ang isang kamay para pigilin si Direk sa pag-alis. "What is her name again, Franz?" Tanong niya kay Franz habang titig na titig siya sa akin.


Diosmiyo! Papatapon na ba ako ni Luther palabas ng event hall dahil sa ka-eng-engan ko? Napalunok tuloy ako ng sunod-sunod dahil sa kaba. Sumiksik na lang ako lalo sa tagiliran ni Franz dahil sa kaba.


"Stephanie Cruz." Sagot ni Franz na nakataas ang kilay kay Luther. "Why?" Dagdag tanong pa ni Franz.


'Oo nga naman. Why nga ba, Sir Luther?' Kinakabahang tanong ko sa utak ko. Alam kong namumutla na ako sa kaba dahil iyong tuhod ko nagseshake na.


"Sorry, Sir Luther." Ulit ko sa paghingi ng paumanhin. Baka nga ipatapon ako nito palabas eh.


"Do you really want me to forgive you?" Tanong niya sa akin habang nakahalukipkip. Lumapit na rin ang ibang models sa amin dahil siguro natagalan bago bumalik si Direk, pati na rin si Luther, sa pwesto ng mga ito kanina.


Sunod-sunod ang tango ko. Lumapit ako sa kanya kaya nabitawan na ako ni Franz. "Please? How will you forgive me? I know, I am the cause of delay." Desperadang sabi ko.


"Then model for me." Simpleng sagot ni Luther.



"WHAT??" Sabay naming tanong ni Franz at Keith. Nakakagulat naman kasi.


"And Director Steve, we won't continue this until she agrees with me." Dagdag ni Luther at tumalikod na.


"No! Absolutely, no!" Kontra ni Franz nang makaalis na si Luther. Ako naman ay parang napipi na dito at pina-process pa ng utak ko ang sinabi ni Luther.


"Please, Franz. Just this once. Agree on this, please?" Pakiusap pa ni Direk Steve.


Umiling si Franz. "No!" May diing tanggi niya.


Sumingit si Tae. "Please, Dude. Everybody needs to rest. If you will not agree, it will take us forever waiting for this rehearsal to finish." Pakiusap ni Tae na sinangayunan ng mga models. Si Franz, nagtatagis na ang bagang.


Sumingit na ako. Tutal, ako naman ang topic dito. Saka ako naman ang may kasalanan. Kapag hindi ako pumayag ay baka isumpa na ako ng mga modelo. Imagine, ginulo ko ang practice sa pagpatay ko ng ilaw. Tapos ngayon, kapag hindi ako pumayag ay hindi daw itutuloy ang rehearsal.


"Sige na, Franz. Makabawi lang kay Luther." Pakiusap ko sa kanya.


"No!" Mariin niyang sabi. Madilim na naman ang itsura niya.


Ang mga tao sa paligid namin ay naiinip na. Para tuloy wala talaga akong choice na tumanggi. Ayaw man ni Franz ay papayag ako. Ayoko nang madagdagan pa ang atraso ko sa kanilang lahat. Ako ang dahilan ng pagkaantala!


"Ngayon lang, magtiwala ka, Franz. Alam kong noon pa ninyo ako iniiwas ni Von sa ganitong sitwasyon, pero eto na. Dumating pa rin. Payag na ako, kaya pabayaan mo na ako. Please?" Pakiusap ko.


Iyong mga kaharap namin ay nakakunot ang noo. Hindi nila ako naintindihan kasi tagalog ang sinalita ko.


Bumuga ng hangin si Franz. "Sige na nga. Pero oras na may hindi ako magustuhan sa paligid eh iaalis kita dito. Wala akong pakialam kahit hindi na matuloy ang show na ito. Naintindihan mo?" Seryosong sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata.


"Opo. Salamat." At wala sa sariling nayakap ko siya. Mabuti at nakakaya ko nang baliin ang desisyon ni Franz. Noon kasi kapag sinabi niyang ganito o ganyan, hindi na iyon nababago. Kahit umiyak o magwala ang kahit na sino, para lang baguhin ang gusto niyang mangyari, ang salita niya ay batas talaga.


"Go back now. Franz agreed already." Share ko, sa mga kaharap namin, ang good news para sa kanila. Nakangiti naman silang nagsialisan na. Tinapik pa ako ni Keith sa braso. Si Fatima naman ay hinaplos ang buhok ko.


I'm happy. Franz is changing for the better. Is this because of me?



_________________________________________

A/N:


VOTE & COMMENT. Thanks!

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon