Starring 20

11.6K 171 16
                                    





STARRING 20

CRUISE




"Can we join you?" Nabasag ang pagtititigan naming muli ni Von ng matunghayan namin si Franz at Fatima sa harap ng mesa namin.



"Sure." Nakangiting sabi ni Von sa kanya. Ako naman ay hindi maiwasang hindi mapatingin sa kamay nilang magkahawak.



Bakit ba naman ngayon pa siya nagpakita? Masaya na nga kami ni Von dito eh. Pero dapat mapaglabanan ko ito. Hindi ako dapat umilag sa kanya. Dapat harapin ko ang feelings ko sa kanya.



"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah?" Puna ni Fatima sa amin.



Wala akong maipipintas kay Fatima. Hindi naman siya naging masama sa akin. Palaging mainit ang kanyang pagbati sa tuwing magkikita kami ng hindi sinasadya. Hindi naman siya kontrabida sa buhay ko. Dahil hinsi niya naman kasalanan kung nagustuhan siya ni Franz at parehas sila ng nararamdaman, hindi rin naman niya inagaw sa akin si franz kasi kahit kailan, hindi naman siya naging akin.



"Oo, Fatima. Kadating lang ninyo?" Nakangiting tanong ko sa kanya.



Ngumiti rin siya sa akin. Kung tomboy lang ako, I will surely fall for her. Kaya nauunawaan ko kung bakit nagustuhan siya ni Franz. She was perfect for him. Kaya kailangang maiwaksi ko na itong nararamdaman ko kay Franz ng tuluyan.



"Oo. Ang tagal kasi niyang magbihis." Singit naman ni Franz sa usapan namin.



Napangiti ako. Naalala ko noong nagpupumilit pa akong laging sumama sa lakad ni Franz. Lagi siyang sambakol ang mukha kapag ang tagal kong magbihis at magayos. Mabuti at hindi niya sinusungitan si Fat ng ganoon.



"Ito ring si Steph, napakabagal nito." Puna sa akin ni Von sabay akbay.



Nakangiting nilingon ko siya at inihilig ng saglit ang ulo ko padikit sa ulo niya. "Eh di sana iniwanan mo na ako kung naiinip ka." Panunukso ko sa kanya.



Mas inilapit niya ako sa katawan niya. "Gusto ko sana, pero hindi ko kaya." Nakangiting sabi niya sabay kindat.



"Ang cheesy mo, Pare!" Natatawang sabi ni Franz sabay bato ng tissue kay Von,




Nakangiti lang din si Von. I never knew na magiging ganito kagaan ang atmosphere habang magkakasama kaming apat sa iisang lamesa.



Medyo may kurot pa din ng subuan ni Franz si Fat ng pica-pica na inilagay ng waiter sa lamesa namin. Pero at least, kurot na lang sa puso. Sigurado akong hindi magtatagal ay makakaget-over din ako.



Hindi ko pa din maiwasang mainggit kay Fatima habang nakikita ko silang nagtitigan at nagtatawanan sa harap ko. Pero kaya ko ng icontrol ngayon. Palagi ko ring iniisip, na may Von na ako at dapat makontento ako.



Hanggang sa antukin na si Fatima dahil hindi pala siya sanay uminom ng alak o beer. Nagyaya na siya sa amin na umuwi na daw kami. Iyon ay kung gusto lang din namin ni Von.



Pumayag din naman si Von dahil medyo lasing na ito. Sinabihan ko nga siya na ako na ang magmamaneho sa amin pag-uwi dahil hindi naman ako nakainom kahit patak man lang. Dahil kung mahigpit si Von sa akin, ganoon din si Franz. Nagtataka nga ako, si Fatima hindi niya magawang bawalan. Siguro ay dahil mahal nga niya.



"Good night." Sabi sa amin ni Fatima. Nagbeso siya sa akin tapos kay Von. Kiss ng pamamaalam at walang halong kalandian kaya hindi pa rin nagbago ang maganda kong impression sa kanya. Talagang Fatima is such a fine lady. Masakit aminin pero bagay talaga siya sa kaibigan ko.



Pumasok na siya sa unahan ng sasakyan ni Franz. Kumaway pa siya sa amin bago isinandal ang ulo sa upuan ng kotse sa loob.




"Good night, Pare!" Paalam naman ni Von kay Franz. Nagmanly hug pa ang dalawa. Inalalayan namin ni Franz si Von na umupo sa passenger seat pagkatapos niyang iabot sa akin ang susi. Kinabit ko pa ang seatbelt niya dahil mukhang tulog na siya.



Hinarap ko na si Franz na nakatingin sa amin ni Von. "Good night, Franz! Ingat ka pagmamaneho." Nakangiting paalam ko sa kanya.




"Good night, Steph! Ingat kayo. Itext mo ako kapag nakauwi ka na." Bilin pa niya. Ngayon ko lang narealize na mas mabuti palang ganito lang kami ni Franz. Kasi mas nakikita ko ang pag-aalala niya sa akin kapag magkaibigan lang kami. Well, basically, dati pa naman kaming magkaibigan lang. Pero hindi na tulad dati na lantaran kong inihahayag ang paghanga ko sa kanya.



Tumalikod na ako at pasakay na ng driver's seat nang hawakan ako ni Franz sa braso, "Stay happy, Stephanie. Alam kong si Von ang makapagbibigay sa iyo ng pagmamahal na hindi ko kinayang ibigay." At marahan niya akong hinalikan sa noo.



Napapikit ako ng mariin. Alam kong walang malisya iyon sa kanya, pero syempre, may kilig pa din sa akin. Pakiramdam ko namamaalam na sa akin si Franz.



Nang lumayo na siya ay tinanaw ko pa sila hanggang sa makaalis sila sa harap ng sasakyan ni Von. Kumaway pa siya at nagflying kiss sa akin. Napangiti na lang ako.




Ngayon, tanggap ko na. Magkaibigan lang talaga kaming dalawa.



Sumakay na rin ako ng driver's seat at nagmaneho ng pauwi. Hindi na napawi ang ngiti sa mga labi ko. At least, we are all happy.



**



SECOND MONTHSARY:



Naandito kami ni Von at nakasakay sa isang Cruise Ship. Ito ang regalo niya sa akin ngayong second monthsary namin. Magbabayahe kami sa isang cruise ship.



Ganito pala kaganda ang isang cruise ship. Halos parang hotel siya na pinalutang sa tubig. Kumpleto sa mga facilities. May ballroom, may gym, may mga entertainment area, may parang casino sa loob, may swimming pool pa sa taas atbp. Basta parang lahat ng leisure activities na hahanapin mo, meroon dito.



"Are you happy?" Tanong sa akin ni Von. Naandito kami sa upper deck at nakatanaw ako sa malawak na dagat. Si Von naman ay nakatuon ang magkabilang kamay sa magkabilang gilid ko, habang nakapatong sa isang balikat ko ang baba.



Ang ibang mga pasahero ay nasa loob ng barko. May party kaseng nagaganap sa loob ng ballroom. Marahil ay nagsasayawan sila at ang iba ay baka nasa casino at naglalaro.



Ang ganda ng mangasulngasul na dagat. Kitang-kita pa mula dito sa taas ang mga isdang malalaki na lumalangoy sa gilid ng barko. Tingin ko ay balyena, dophins at pating ang mga isdang nakita ko kanina. Siguro kung mahuhulog ako dito papuntang dagat ay pagkakaguluhan ako talaga ng mga pating sa gilid ng barko.



"Oo. Ang sarap pala dito!" Parang batang palatak ko pa sa kanya. First time ko kasi makasakay ng barko at masaya ako na si Von ang kasama ko.



Iniharap niya ako sa kanya. "Anything for you, my Sweetheart." Nakangiting hinalikan pa niya ako sa noo. Hindi ko mapigilang hindi kiligin. Pakiramdam ko, sobra-sobra talaga ang pag-galang niya sa akin.



"Talagang mahal na mahal mo ako no? Biruin mo, gumastos ka ng ganito para sa celebration lang." Nakangisi kong pang-aasar sa kanya.



"Sus! Feelingera naman ito! Gusto ko lang talagang magbyahe kaya niyaya kita kasi wala akong makasama." Balik pang-aasar niya.



Kinurot ko siya sa tagiliran. Nanggigil ako eh. Ang cute niya kasi sa suot niyang 3/4s na shirt at denim shorts. "Ah.. Wala lang palang kasama ha..." At tinadtad ko ng kurot.



Napapangiwi si Von habang tumatawa. Iniinda ang bawat kurot ko sa kanya. "Aray! Awe! Ouch! Steph, tama na." Saway niya sa akin.



"Bagay yan sa mayabang na tulad mo." Natatawang sabi ko habang halinhinan kong kinukurot ang magkabilang gilid niya.



Hinuli ni Von ng isang kamay ang mga kamay kong panay ang kurot sa kanya ng pino. Pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit at kiniliti.



"Ayyy! Tama naaa.." Reklamo ko habang tawa ng tawa. Natrapped ako talaga sa kanya.



Hagalpak ng tawa si Von habang patuloy ang pagkiliti sa akin. "Iyan ang bagay sa iyo." Sabi pa niya habang ako ay parang bulateng inasinan at nagkikisay.



Nasa ganoong landian kami ng parang may nadaanang malaking alon ang barkong kinalululanan namin. Umalog ng konti ang barko. Muntik na akong mahulog sa dagat sa kabila ng bars na kinasasandalan ko. Mabuti na lang at alistong kinabig ako ni Von palapit sa katawan niya at palayo sa bars.



Dahil sa lakas ng hila niya sa akin ay bumagsak kami sa sahig ng barko. Mas mabuti nang dito kami sa sahig ng barko lumagabog, kesa naman tumilapon ako sa dagat. Nadagaanan ko pa nga siya. Ako ang nasa ibabaw at siya ang nasa ilalim.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon