A/N:
Please naman po, paki VOTE at COMMENT. 40 VOTES + 35 COMMENTS = UPDATE! 9 Chapters to go matatapos na ito. Parang hindi ko kayang pagkasyahin.
_____________________________________
STARRING 91
WALANG PAPA
Matuling lumipas ang dalawang taon. Tapos na ako sa aking pag-aaral. Bumalik na kami ng anak kong si ZL dito sa Manila. Kumuha ako ng sarili kong apartment na malapit sa aking pinapasukang hospital. Hindi na ako bumalik sa bahay ng aking mga magulang dahil patuloy akong hinahabol nang aking nakaraan doon.
Si Von ay malapit ng grumaduate ng Dentistry. Maganda ang takbo ng kanyang career. Sikat na sikat na sila sa abroad. Sila na lang ata ang banda na namamayagpag. Ang uso na kasi ay mga boy bands. Sinisiguro naman niyang dalawin ako kapag may libre siyang oras.
Si Cedric ay nakatira sa isang bahay na malapit din sa akin. Bumili siya ng bahay dito sa Manila. Dito na rin kasi siya nagtatrabaho. Hindi hamak kasing maraming opportunities dito kumapara sa Balayan, Batangas. Ilang taon na ang lumilipas, pero hindi pa rin siya nagsasawang mangligaw sa akin.
Si Franz ay sikat na sikat na sa kanyang career. Pinasok na rin niya ang pag-aartista. International model/actor na siya ngayon. Ang balita ko ay itinuloy niya ang kurso namin sa pagdodoktor. Hindi na muli pang nagkrus ang aming landas. Ayon sa mga news ay sa London na siya naka-based.
Si Fatima ay nagpatuloy sa pagiging modelo pagkatapos manganak. Sa London siya sikat na sikat kaya doon na muna ata siya tumira kasama ang anak nila. Ang sabi sa internet, lalaki daw ang anak niya. Nakakatawang nagkabaligtad ang hula kong gender ng mga anak namin. Iyong akin kasi noon ay parang lalaki sa ultrasound. Iyon naman palang nakita nila na parang lawit ay pusod lang pala.
Lahat kami ay may kanya-kanya ng buhay at masaya. Lahat ay successful na sa aming mga napiling field. Mabuti naman at ganoon. Pero minsan, tinatanong ko ang aking sarili kung masaya nga ba talaga ako? Naka-move on na ako kay Franz, pero hindi pa naman ako humahanap ng iba. Hindi ko kasi malimutan ang sakit ng naranasan ko sa kanya. Kung pwede nga lang sana na nasakop na lang din ng amnesia ko ang bahaging paghihiwalay namin ni Franz para wala na ang sakit na ito.
"Mama, I want to go to the mall." Sabi sa akin ng anak kong si ZL habang karga siya ni Cedric. Dumalaw kasi si Cedric sa amin.
"Ok. Ask Papa Cedric to accompany you." Sagot ko sa aking anak habang hinahalikan siya sa pisngi.
Sinunod naman ng anak ko ang sinabi ko. "Papa Cedric, let's go to the mall." Sabi niya habang hinahawakan ng maliit niyang kamay ang pisngi ni Cedric.
Napangiti si Cedric. Natutuwa siya kapag nilalambing siyang ganyan ni ZL. Siya rin ang nagturo kay ZL na tawagin siyang Papa. Hindi naman ako kumontra kasi minsan ay umiyak ng maghapon si ZL at naghahanap ng ama. Nakita niya kasi sa birthday party ng anak ni Dei na may tatay si Ashley, ang panganay ni Dei at Jacob. Kaya para tumahan lang siya noon, sinabi ni Cedric na siya ang tawaging Papa.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...