STARRING 43
CARD GAME
Dito kami nagdinner sa bahay nina Franz. Naandito ang inlaws ko kaya kasabay rin namin sila. Inimbita rin nila ang family ko sa tapat kaya sabay-sabay na ang buong family. Ang sabi kasi ni Mama Fanny (Mom ni Franz) ay dito na rin daw kumain ang parents at kapatid ko. Para daw hindi na kami mahirapan ni Franz kung sino ang pagbibigyan na makasabay maghapunan.
Nakakamiss din ang ganitong sabay-sabay kami sa hapag. Sayang nga lang at wala ang family Lee. Dati kasi ay tatlong family kami na nagiipon-ipon kapag nagkayayaan. Iba na talaga ang panahon ngayon. Marami talagang nagawang pagbabago ang pagpapakasal namin ni Franz.
"Iha, kain ka pa." Sabi sa akin ng aking father-in-law na si Papa Red. Tahimik lang si Papa Red pero mabait naman siya. Medyo may pagka-under nga lang siya kay Mama Fanny.
"Salamat po." Sagot ko habang si Franz ang naglalagay ng inabot na chicken curry sa akin ni Papa Red.
Napansin kong parang kinilig si Mama ko sa amin. "Bagay talaga ang anak natin, Mareng Fanny!" Ngiting-ngiti na sabi ni Mama Sheila kay Mama Fanny.
Nagkatinginan kami ni Franz sa kalokohan ni Mama ko at parehas pa kaming namula. Saan ba naman nakukuha ni Mama kasi ang mga ganyang ideya? Heist!
"Oo. I know!" Ewan ko ba kung bakit kinikilabutan ako sa pagngisi ni Mama Fanny. Parang nagdudulot ang sinabi niya ng abnormal breathing na naman sa akin.
"Kumusta naman kayo?" Tanong ng Papa Jack ko pero kay Franz nakatingin.
Nilunok muna ni Franz ang nginunguya niya bago sumagot. "Adjusting pa rin po, Papa." Magalang na sagot niya.
I hate this conversation. I think it's going nowhere. Bakit kailangan nilang magsalita at magtanong ng mga ganyang bagay? Para namang we married out of love, well infact, napilitan lang naman kami ni Franz.
"Kelan kami magkakaapo?" Tanong ni Papa Red.
"Uh.. Uhh." Hindi ko naiwasang hindi masamid sa sinabi ng Papa ni Franz. Ano bang apo-apo? If we only love each other, malamang may apo na kayo.
Alistong inabutan agad ako ng tubig ni Franz at hinimas ang aking likod. Nahawakan ko pa ang kamay niya nang abutin ko ang baso. Kaya agad kong binawi ang kamay ko. Kaya si Franz nalang ang nagpainom sa akin. Para kasing nakuryente ako ng mahawakan siya.
Mga tanong ni Papa Red! Hay! Mabuti na lamang at hindi ako tuluyang nachoke at namatay eh. Napaka-out of this world naman kasi! Kami ni Franz, magkakaanak? OMG! I can't imagine.
"Ok lang." Simpleng sagot ko ng makainom ng tubig.
Malambing na hinapas ni Mama Fanny si Papa Red sa braso. "Ano ka ba? Ang bata pa nila para diyan." Saway niya sa asawa.
"Oo nga naman, Pareng Red." Dagdag pa ng Papa ko.
Napaka-awkward tuloy ng atmosphere. Ang mga magulang namin, parang pinagkakanulo kami sa isa't-isa. While si Dale ay kanina pa ako tinitingnan ng makahulugan habang nakangisi. Sarap bulagin ng mata eh! Alam kasi ng bunso namin kung gaano ako ka-patay na patay kay Franz dati.
"Can we just eat?" Sabi ni Franz sa matatanda. Alam kong hindi rin siya kumportable sa mga questions nila sa akin.
"Sorry, Anak." Hingi ng paumanhin ni Mama ko. Ew! Ang ngisi talaga ni Mama, oh-oh! Parang siyang witch na masaya ng kagatin ni Snow White ang mansanas.
Pero si Papa ko, alam niyang takot ako sa kanya kaya patuloy sa pagtalakay sa topic. Ang topic about our married life ni Franz.
"May feelings na ba, Franz? Hindi naman mahirap mahalin ang anak ko, Franz." Grabe si Papa! Para siyang tunog bugaw sa mga lumalabas sa bibig niya. Nakakahiya talaga!
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...