STARRING 5
GAANO MO KAKILALA SIYA?
Buset namang mga tao ito eh! Hirap na hirap akong makiraan sa mga tao. Hindi nila ako binibigyang daan kaya hindi ako makalayo agad.
"Steph!" Nahila ni Psy ang siko ko kaya hindi ako nakatakas palayo.
"Pabayaan mo muna ako, Psy." Pagpupumiglas ko.
Pero kahit bakla, matigas ang hawak sa akin ni Psy at kinaladkad niya ako pabalik ng tent. "Bumalik ka dun." Hila-hila niya ako na parang baka.
"Ayoko." Pagpupumiglas ko. Wala akong pakialam kahit ang daming nakatingin sa akin. Basta gusto ko ay makalayo muna sa supladong iyon. I need to breathe!
"Halika na." At halos maputol ang braso ko sa kakahila pa rin sa akin ni Psy. Kaya kesa naman tuluyang mabunot ang braso ko, sumunod na lang ako. Hindi ko rin naman kaya ang pwersa niya eh.
Pagdating ko doon ay tahimik na tahimik ang paligid. Nakaupo lang si Kyla at nakatungo. Sina Miss Menchie at Kuya Dave ay wala na. Marahil bumalik na sa opisina ni Miss Ria, o inihatid na ni Kuya si Miss. At ang mapanglait na suplado ay nakaupo lang at nakapikit habang nakasandal sa upuan.
Wow lang ha! Parang walang nangyari kanina. Ang galing! Sabagay, ano ba ang inaasahan ko? Wala nga pala akong importansya sa isang ito. Wala siyang pakialam kahit na masaktan ako.
"Naandito na si ulit si Steph." Announce ni Psy. Kitang-kita kong nagmulat ng mata si Franz at tumitig sa akin. Iba ang tingin niya sa akin ngayon. Hindi mukhang galit o nagsisisi. Mukhang gustong humingi ng paumanhin. Pero ayokong umasa. That is impossible. Kahit kailan, hindi ko pa naringgan na nagsorry si Franz kahit kanino.
"Oh bumalik ka na pala." Nakatingin sa aking sabi ni Kyla. Nasa itsura naman niya ang naghihinayang na nakabalik pa ako. Hindi ko na lang siya pinansin. Napagod ako sa pagtakbo ko at pakikipagsiksikan kanina eh.
"Please pagtyagaan muna ninyo ang isa't-isa. Alang-alang sa special na ito." Pakiusap sa amin ni Psy. Ipinaghila pa niya ako ng upuan at pinaupo sa tapat ni Franz. Tatanggihan ko sana, pero ayoko namang lumabas pang nagmamalaki ako sa kanya. Ako na isang pangit niyang kaibigan. Ay hindi pala! Pangit na kakilala.
Hindi naman sumagot ang dalawa. Nagpatuloy na lang si Psy sa pagsasalita. "Uunahin natin si Steph. Dahil isang simpleng kaklase mo lng siya, Franz." Paliwanang niya sa nakikinig na si Franz.
"Tatanungin ka sa buhay estudyante ni Franz. Hindi ba't ang sabi mo magkaklase kayo?" Baling naman sa akin ni Psy.
"Oo. Magkaklase kami." Walang emosyong sagot ko. Napagod kasi talaga ako sa pagtakbo.
"Pagkatapos ay si Kyla naman. Madaming itatanong sa iyo, Kyla. Dahil mas kilala mo siya, hindi ba?" Baling naman niya kay Kyla na sinagot naman ng tango ni Kyla. Paano niya kaya mapapangatawanan iyon eh hindi naman sila masyadong nag-uusap? Bukod sa pang-iistalk niya kay Franz dito sa school, hindi niya naman alam ang favorite food, color, movie atbp ni Franz. Ako ang nakakaalam noon eh.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...