STARRING 30
THE KISS
Tahimik lang ako sa isang sulok habang nagsoshoot sina Franz. Wala na akong balak maggala sa labas. Ayoko na dahil baka may makita na naman akong hindi maganda. Mamaya sina Tita Zyrah o Tito Zeon naman ang makita ko, patay kang bata ka.
Kanina ng makabalik ako ay nakatingin lang sa akin si William. Marahil ay natatakot siyang batiin ako dahil sa pagkainis ko sa kanya noong may sinabi siyang hindi maganda about Franz. Sinabi ko lang naman ang totoo, bakit ba niya kailangang pagbintangan si Franz?
Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood ng shoot. Natuyo na rin sa wakas ang mga luha ko na bumuhos dahil kay Von kanina.
Tatlo silang lalaki at dalawang babae ang kasali sa shoot. Parang ang eksena ata ay kunyari nasa bar sina Franz at iyong dating FHM model na si Ayvee. Ang eksena ay kunyari nagsasayaw sila at makikita nila ang mga kaibigan nilang si William, Dianne, at Troy sa bar.
Kasalukuyang kinukunan iyong kunyaring pagsasayaw ng maharot nina Franz at Ayvee sa bar. Naka sando na puti na labas ang cleavage, shortshorts, at maong booths si Ayvee. Kitang-kita ang maganda at mahaba niyang legs. Habang tinititigan ko siya, parang nakikita ko ang kurbada ng katawan ni Fatima sa kanya. Ang kaibahan lang ay ang mukha nila. Hindi sila magkahawig.
Si Franz naman ay naka-tight jeans na bakat ang firm legs at butt niya, polo na binuksan ni Direk hanggang sa ika-3 na butones exposing his firm chest, at naka-topsiders siya. Kitang-kita ang god-like features ni Franz ng greek mythology. Features na noon ay hinangaan ko sa kanya.
Napalunok ako habang pinapanuod sila na sumasayaw ng patalikod si Ayvee kay Franz at sumasanggi-sanggi ang behind niya sa harap ni Franz. Si Franz naman ay nakadungaw sa may leeg niya at kunyari ay hinahalik-halikan ang balikat niya.
Whew! Ang init! Parang nauuhaw ako sa eksena nila. Ang hot lang kasi ng dating. Napatayo tuloy ako at kumuha sa table ng gamit ni Franz ng isang bote ng mineral at nilagok iyon. Napapaypay pa ako at hinawi ng konti ang buhok sa batok ko dahil feeling ko ang init kahit aircon ang studio.
Nang matapos akong uminom ay nakita kong nakatingin sa akin si Direk at ngumiti. Hindi naman bastos ang dating ng ngiti niya. Siguro ay friendly lang talaga itong director nila ngayon. Nahihiyang ngumiti ako pabalik at nanuod na ulit sa shooting.
Hawak ko pa ang bote ng mineral na ipapatong ko pa lang sana ng mabitawan ko iyon. Lumagabog tuloy sa sahig! Paano ba naman ang kinukunan na ay iyong isasabit na nung Ayvee ang kamay sa batok ni Franz at ikikiss siya ni Franz? Hindi ko alam pero naapektuhan ako sa isiping mag-kikiss sila.
"CUTTT!!" Sigaw tuloy ni Direk. Napatingin kasi sa akin si Franz ng marinig iyong nabitawan kong bote.
Kinabahan ako ng nilapitan ako ni Direk. "Who are you?" Seryosong tanong niya sa akin. Natatakot ako! Kanina ang akala ko mabait siya, pero ngayon parang nakakatakot ang aura niya!
"S-stephanie Cruz po. Kasama po ako ni Franz." Kasama ang sinabi ko kasi hindi pa nga pwedeng ipagsabi na asawa ako. As if naman, magiging proud ako na magpakilala bilang asawa niya? Si Von pa nga rin ang laman ng puso ko eh.
Umikot si Direk sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Nacoconcious tuloy ako na napatungo. Nakakahiya! Marahil ay pagagalitan ako nito dahil sa pangiistorbo ko sa shoot.
"Bakit Direk?" Nagaalalang tanong ni Franz ng makalapit na siya sa amin.
"Hmm.. magandang bata. Gusto mong magmodel?" Tanong ni Direk habang nakatingin sa akin.
Napalunok ako at nakahinga ng maluwag. Akala ko ay pagagalitan ako eh. Nabigla ako ng hatakin ako ni Franz at itago sa may likod niya. "Hindi siya pwedeng magmodel. Ayaw ko at ayaw din ni V..." Natigilan si Franz.
"Nino?" Nagtatakang tanong ni Direk habang sinisilip ako.
"Ayaw ko po mismo." Ako na ang sumagot. Baka mamaya idugsong pa ni Franz na ayaw ni Von eh. Ayaw kong magkaroon pa ng kahit na anong kaugnayan kay Von lalo na at tinapos na niya ang relasyon namin.
Umiling-iling si Direk. "Sayang! Pero kapag nagbago ang isip mo, tell me ha? Or better yet, contact-kin mo si Miss Hera Lao." Bilin pa niya.
"Ikuha mo nga ako ng towel, Steph." Mahinahong utos ni Franz sa akin.
"Excuse me po." At umalis na ako sa harap ni Direk. Si Direk naman ay tumango lang at bumalik na sa tabi ng crew. Sumunod naman si Franz sa pwesto ng gamit niya na nilapitan ko.
"Ito oh." Inaabot ko sa kanya ang towel sa kanya.
"Paki punasan ang likod ko, Steph." Pakiusap niya sa akin. Sinunod ko naman ang utos niya. Marahil ay nainitan siya sa mga ilaw na nakatutok sa kanila kaninang nagsoshooting sila.
"Hi!" Nakangiting bati sa akin nung Troy. Nakakunot ang noo ni William na napalingon sa amin ng lumapit itong si Troy.
"Hello!" Nakangiting bati ko naman pabalik. Inaayos ko na ang suot ni Franz na polo dahil tapos ko ng punasan ang likod niya.
"I'm Troy. Ikaw?" Tanong niya sa akin sabay abot ng kamay.
"Steph." Balik pakilala ko. Makikipagkamay na rin sana ako, pero biglang tumayo sa gitna namin si Franz at inayos iyong upuan niya. Medyo itinulak pa niya ako ng konti para mapalayo kay Troy at para hindi madali ng upuan niya.
Dinungaw naman ako ni Troy, dahil nahaharangan kami ni Franz, na hindi ko maintindihan dahil ngayon naman ay nakatagilid na nakatayo sa gitna namin, at parang may hinahanap sa bag niya.
"Kaano-ano mo si Franz?" Nakangiting tanong ni Troy. Matangkad din si Troy, pero medyo moreno. Pogi rin naman siya at halatang firm din ang muscles.
"READY!" Hindi ko na nasagot si Troy kasi sumigaw na si Direk. Si Franz ay nauna nang bumalik sa harapan ng mga camera at inirapan pa ako bago talikuran. Hindi ko na lang pinansin. Tama na ang pamomroblema ko kay Von kanina.
"Later ulit, Steph." Paalam ni Troy at kinindatan pa ako.
Napangiti na lang ako ng mapakla. Madali naman akong maka-attract ng opposite sex, pero bakit sa isang tulad ni Von na sinukuan pa ako nainlove? Heto na naman ako, Von na naman.
Sinimulan ang eksena sa part na maghahalikan na si Franz at si Ayvee. Ikinawit na ni Ayvee ang mga braso niya sa leeg ni Franz. Tapos si Franz, unti-unti ng tinatawid ang espasyo sa pagitan nila.
Napalunok ako. Maghahalikan sila sa harap ko? Para tuloy nakikita ko ang sarili ko at si Von noong panahong nagkiss kami. Nalungkot na naman ako. Naalala ko na naman siya.
Napabalik ako sa realidad ng sumigaw muli si Direk ng, "CUTT!!" Nagtatakang sinundan ko ng tingin si Direk ng lapitan niya si Franz.
"Franz! Ano ba? Bakit hindi mo halikan si Ayvee? Don't tell me, hindi mo pa nahalikan ang girlfriend mong si Fatima?" Galit na sermon ni Direk.
"Direk!" Apektadong awat naman ni William. Sa sobrang tactless ni Direk, hindi niya ata napansin na naandito ang kapatid ni Fatima na si William.
"W-wala na kami." Malungkot na sabi ni Franz na parang iyon lang ang naintindihan niya sa sinabi ni Direk.
Bigla akong naawa kay Franz. Kanina ay nagawa niya akong damayan ng umiiyak ako kay Von, samantalang siya ata hanggang ngayon ay hindi pa nakakalimot kay Fat. Siguro kaya hindi niya mahalikan iyong girl ay dahil naaalala niya pa rin si Fat. Pero bakit naman ako, nahalikan niya noong isang gabi kahit hindi naman ako si Fat?
"Direk, don't talk about my sister. She's not even here." Nakasimangot na singit ni William.
Para namang napahiya si Direk sa pagsaway ni William. "Ok. Ulitin natin. Pwesto na ulit." Sabi niya at bumalik na sa likod ng camera.
"ACTION!" Sigaw niya nang nakapwesto na sila.
Inulit ang eksena. Titig na titig pa din ako sa kanila. Nadismaya ako ng ilalapat na lang ni Franz ang lips niya kay Ayvee ay bigla na naman siyang napalayo. Ano bang problema ni Franz?
"CUTT!!" Galit na sigaw ni Direk. "Anong problema mo, Franz?!" Pasigaw na sabi ng direktor pero hindi na lumapit. Bagkus ay nakatayo lang siya sa tabi ng camera.
"Sorry." Nakatungong hingi ng paumanhin ni Franz. Si Ayvee ay napapairap na tuloy sa kanya.
"Direk, maybe we should change the male lead. Ako na lang." Pagbibida ni Troy. Papaltan niya si Franz? Ang akala ko,mabait siya, mayabang pala. Pss..
Tuluyan ng lumapit sa kanila ang direktor. "Sige nga, Troy. Ang mas mabuti pa, idemo mo kay Franz kung paano komportableng kikiss sa isang girl sa harap ng camera." Utos ni Direk.
Hindi ko napigilang mapalapit na rin sa kanila. Alam kong magaling si Franz kaya I don't think na kailangan pa niya ng demo-demo ekkekk na iyan. Pero ano nga bang nangyayari sa kanya at hindi niya magawa?
"Ayvee, kunyari ay si Troy ang ikikiss mo." Utos ni Direk.
Lumapit si Ayvee kay Troy pero agad namang umatras si Troy. Mukhang kay Ayvee may problema ah? May bad breath ba siya at natatakot silang ikiss siya?
"Siya na lang." Nagulat kaming lahat ng ituro ako bigla ni Troy ngayong nakatayo ako sa ilalim ng isang spotlight.
Napalingon ako sa likod ko tapos ay itinuro ko ang sarili ko sa kanya. "Ako??" Nagtatakang tanong ko. Namula tuloy ako dahil sa sinabi ni Troy. Makikipag-halikan ako dahil lang sa gagawin ako sample? Hell no! Ayoko! I don't just let random guys kiss me, no?!
"Si Steph ang kukunin kong sample." Dagdag pa ni Troy at nilapitan ako na nakatayo sa tabi ng mga ilaw at camera.
"Ayoko." Tanggi ko. Napatingin ako kay Franz na parang humihingi ng saklolo pero nakatungo pa din siya. Marahil ay iniisip nga niya si Fat at nahihiya na hindi niya magawa ang kiss.
"Sige na, Iha." Pakiusap ni Direk sa akin. "Para matapos na ito." Dagdag pa niya.
"Ako na lang magde-demo." At hinatak ni William ang kamay ko papunta sa kanya. Nakatayo na kasi siya sa tabi nina Direk at Franz. Madilim pa rin ang kanyang mukha. Siguro ay inis pa din siya sa pagbanggit nila sa kapatid niya kanina.
Napaatras naman ako at nagpapanic na! Kahit sino pa ang pahalikin nila sa akin ay ayoko! Bakit ba nila ako sinasali dito? Ang dami namang ibang modelo ditong babae.
"Sige na, Iha." Pakiusap ni Direk.
"Ako na magdedemo." Halos sabay na sabi nina William at Troy. Hinatak pa nila at pinag-tig-isahan ang palad ko. Parehas silang gustong makapareha ako sa demo. OMG! Bakit ako?
"Franz.." Mahina pero humihinging tulong na tawag ko sa kanya. Manang na kung manang pero ayaw kong magpahalik na wala namang feelings. Teka, ibig sabihin ba, may feelings ako kay Franz noong hinalikan niya ako?
"Teka lang." Sa wakas ay nagising din sa pagkatulala si Franz. Hinawakan niya ako sa balikat at inilapit sa kanya kaya nabitawan ako ng dalawa. Salamat at sa wakas ay maipagtatanggol na niya ako sa dalawang ito! Talagang maasahan ko siya.
Pero..
"Ganito ba?" Tanong niya kay Direk sabay lapit ng ulo niya sa akin.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at namilog ang aking mga mata. Gulat na gulat ako ng bigla niya akong kabigin sa batok at halikan! Pikit na pikit siya at parang sarap na sarap sa paghalik sa akin.
Upper lip, lower lip, upper lip.... Palitang labi ay nilalasap niya. Hindi pa siya nasiyahan at ikiniling pa ang ulo niya sa kabilang side naman. Hawak niya ng isang kamay ang batok ko at ang isa ay nasa pisngi ko.
Parang huminto ang ikot ng mundo.
Parang wala akong ibang taong nakikita.
Hindi naman siya lasing, hindi ba?
Samantalang ako, parang naesatwa na hinayaan lang siya, pero hindi ko siya sinagot pabalik. Hindi ko siya itinulak pero hindi ko rin siya hinawakan. I was really shocked!
Clap..
Clap..
Palakpakan ng mga tao sa paligid. Si William ay halos umusok ang ilong. Siguro ay dahil sa galit na hinahalikan ako ng ex-bf ng kapatid niya. Habang si Troy naman ay nalaglag ang panga na nakamulagat sa ginawa ni Franz. Si Ayvee at ang ibang girls ay manghang-mangha sa makalaglag panty na kiss niya sa akin.
"Amazing!" Tuwang-tuwang puri ni Direk.
Nagkatitigan kami ni Franz pagkatapos. Ako ay blank stare lang, siya naman ay titig ng may pagaalala. Marahil ay ngayon lang niya narealize kung ano iyong ginawa niya. Gustong-gusto ko siyang sampalin, pero ayoko namang ipahiya siya sa mga co-models niya. At least, I'm still on my right senses.
"Steph, I'm sorry.." Bulong niya sa akin. Inilapit niya ang labi niya sa tenga ko at parang may kuryente tuloy na dumaloy sa buong katawan ko.
"READY!" Sigaw ni Direk na nakaalis ng pagkabigla ko. Tumakbo ako palayo doon at lumabas ng studio one.
"STEPH!" Narinig ko pang sigaw niya at sigaw ni Troy. Pero hindi ko pinansin at tumakbo lang ako. Hinanap ko ang pinakamalapit na restroom na akala mo'y ihing-ihi ako sa pagmamadali.
"Franz shoot na!" Sigaw ng assistant director nila.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...