A/N:
Mayroon pa po bang hindi nakakabasa dito ng Starring 90 kahit binura na ninyo at ini-reinstall sa inyong library?
___________________________________________
STARRING 93
REUNION
Kanina pa ako kinakabahan dito sa reunion na ito. Sa bahay pa lang ay hindi na ako mapakali. Isang linggo na ng malaman kong nasa Pilipinas nang muli si Franz. Mabuti na nga lamang at hindi na muling nagkukrus ang aming mga landas. Hindi pa kasi ako handa. Hindi pa ako desidido kung ipapakilala ko ang anak ko sa kanya. Ayokong makagulo sa kanyang bagong pamilya.
"Stephanie!" Tuwang-tuwang salubong sa akin ni Deiseree. Niyakap niya ako nang mahigpit.
"Dei!" Sinuklian ko din ng yakap. Noong isang buwan pa kami huling nagkita dahil parehas kaming busy.
"Von!" Bati kay Von ni Janelle. Matagal na ng huli namin siyang nakita. Tapos na rin siya ng dentistry tulad ni Von. Hanggang college kasi ay magkaklase sila.
"Hi!" Tipid na bati ni Von at umatras ng konti sa likod ko. Halatang ayaw niyang magkaroon ng kahit na anong physical contact kay Janelle. Hanggang ngayon ata ay ayaw niya pa rin dito.
Kami lang ni Von ang umattend ng highschool reunion. Hindi namin isinama si ZL kasi hindi naman siya magiging masaya dito. Saka ang hirap na kasama siya. Hindi kami makakapag-enjoy. Mabuti na nga lamang at nagvolunteer si Papa na sila na muna ang magalaga sa apo nila.
"Kumusta naman na kayo? May mga asawa na ba kayo?" Tanong ni Richard, ang aming class president noong highschool kami.
Nagkatinginan kami ni Von. Ano nga bang isasagot ko? Sasabihin ko ba sa kanila na annulled na ang marriage ko kay Franz? Babanggitin ko ba?
"Si Von, binata pa. Hindi ba, Von?" Baling sa kanya ni Janelle. Ngiting-ngiti siya. At base sa nababasa ko sa kanyang mga mata, after all this years, gusto pa rin niya si Von.
"Oo." Mabilis na sagot ni Von sa kanila. Nakatingin lang siya kay Richard, Dei, Anne at Mayeth. Hindi niya man lang tinapunan ng tingin si Janelle. Ang damot talaga ng bestfriend ko sa pansin.
"Ikaw, Stephanie? Are you married?' Tanong naman sa akin ni Mayeth. Siya ang class vice president namin dati.
Imbes na sagutin ko ang tanong na iyon ay iba ang naisip kong sabihin. "I have a daughter. 3 years old na siya." Kwento ko sa kanila.
"Babae pala iyong pinagbubuntis mo?" Tanong sa akin ni Anne. Si Anne kasi ay kaklase namin ni Franz. Kagrupo pa nga namin noon sa CBR. Hindi na kasi ako pumasok noong 6 months going 7 ang tiyan ko.
Ngumiti ako sa kanila maliban kay Dei kasi madalas niya na naman makita si ZL dati. Mapag-usapan pa lang ang anak ko, feeling ko ay proud na proud na ako. "Oo, babae. Sobrang bibo." Sagot ko habang naiisip kung ano na kayang ginagawa ni ZL ngayon.
"Sino ang tatay? Si Franz ba?" Tanong ni Janelle.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...