A/N:
Help me plug this story. Please po? Mahaba ito promise!
________________________________________________
STARRING 10
MONALIZA & WHIMPER
Convoy kami ni Von noong pauwi na ng bahay. Sa kanyang sasakyan na niya pinasakay si Franz at ako ang nagmaneho ng kay Franz. Mabagal lang dahil hindi pa ako masyadong sanay magmaneho. Pagdating namin kina Franz ay magkatulong kaming pinasok siya sa loob ng bahay nila. Medyo nagulat pa nga si Tita Fanny, Mom ni Franz, ng makitang lasing na lasing ang anak nila.
Madaming tanong sa isip ko ngayong gabi, pero ipinagkibit balikat ko na lang. Tulad ng, 'bakit napaaway si Franz? Bakit naglasing siya? May problema ba siya? Bakit parang iba ang sinabi niya sa akin kanina, kesa sa nabasa ko sa kanyang mga mata?'
Mabuti na lang talaga at dumating si Von kanina para tulungan akong i-uwi siya. Medyo awkward pa nga kami noong umpisa. Kasi naman, nakonsensya ako kanina sa ginawa kong pag-iwan sa kanya.
Ngayon ay nakaupo kami ni Von sa garden set sa labas ng bahay namin. Naihatid na namin si Franz kanina sa tapat bahay.
"I'm sorry kanina, Von. Sorry kung bigla akong umalis." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Magkatabi kami sa upuan at nakasalampak siya sa sobrang pagod.
"I understand, Steph." Sagot niya pero hindi nakatingin sa akin.
Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha. Parang stress na stress siya. Somehow, bilang kaibigan niya, gusto ko sanang tanggalin ang stress na nararamdaman niya.
"Kumusta nga pala si Janelle kanina? Ininis ka na naman ba?" Tanong ko pa sa kanya.
Bumuga siya ng hangin. "As usual, hindi na naman ako tinantanan. Buti nga at tinulungan ako nina Syd na makatakas kanina." Sagot niya.
"Von, can I ask you this?"
Lumingon siya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo at inaantay ang sasabihin ko. "Shoot!" Maikling sgot niya.
"Bakit hindi mo siya magustuhan? Pretty naman siya ah." Interasadong tanong ko. Kasi naman, maganda naman talaga si Janelle. She's standing 5'6, maputi, mahaba ang kanyang curly brown hair at sexy. Ano pa bang hinahanap ni Von sa isang babae para hindi niya magustuhan?
Umiling si Von. "Hindi sapat ang pretty, Steph. Alam mo naman ang ugali niya, hindi ba?" Sabi niya sa akin. Sa bagay na iyan, agree ako sa kanya. May pagka-bitchy kasi si Janelle. At madalas ay ako ang gusto niyang sinasampolan ng pagka-bratty niya.
"Ibig sabihin, kapag bumait siya, magugustuhan mo na siya?" Tanong ko kay Von. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero parang may tumutusok sa dibdib ko sa bagay na naiisip ko.
"Hindi pa rin."
"Ha?"
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...