STARRING 40
NOT HIS GIRLFRIEND
Ang asim ng mukha ko sa nakikita ko. Kasi naman, kanina ay ayaw ako pagtagalin ni Franz sa weight lifting section nila ng mga boys, tapos ngayon ay andun siya at may babaeng inaassist.
Wala bang pambayad ng instructor ang isang ito? Ang dami namang ibang nagygym, bakit kay Franz pa siya kailangang magpa-assist?Kasalukuyang nagka-crunches ako sa mat tulad ng turo ni Miss Sharon sa akin, pero ang full attention ko ay nasa dalawang nilalang na masakit sa matang panoorin. Nakakaasar sila huh!
"Bend mo dito. A little more, Kate." Narinig ko pang sabi ni Franz. So, Kate pala ang pangalan! Morena at medyo maliit sa akin ang magandang si Kate.
"Ganito ba?" Ngiting-ngiti na tanong noong Kate kay Franz.Ang walanghiy@! Nakakapit pa talaga sa bewang ni Kate! Nasa may likod siya nito at tinuturuan niyang tumuwad ng konti. Iyong behind ni Babae ay halos dumikit na sa Warrior ni Franz, na kahit ako ay hindi ko pa nasasalat kahit minsan.
Awe! Ano ba itong naiisip ko? Nagiging pervert na ata ako? Sinubukan ko na lamang na mas magconcentrate sa ginagawa ko. Bakit ba ako nagpapaepekto sa kanila?
Pilit kong ibinalik ang attention sa ginagawa ko, pero naging unsuccessful ako ng makarinig ako ng mahinhing hagikhagik noong Kate. Napatingin akong muli sa gawi nila.
"Bakit ka pa naggygym? Sexy ka na naman ah?" Ngiting-ngiti na tanong ni Franz sa kanya. Sarap sundutin ng mata dahil napuna ko na sa cleavage ni Kate na-stuck ang mga mata niya!
"Ikaw naman, bolero!" Nagtaas ang kilay ko ng hinampas pa niya ng mahina sa dibdib si Franz, pero hindi na niya nakuhang ibalik sa tabi niya ang kamay niya. Nagpahinga na lamang iyon sa chest niya.
"Hindi kaya! Kung ako lang ay may ganyan ka-sexy na girlfriend, hindi ko na isasama sa gym." Narinig ko pang bola ni Franz sa kanya. Lalong naningkit ang mata ko ng marinig ang kanilang usapan. Impaktong Franz ito! Ibig sabihin, hindi ako sexy sa paningin niya kasi pilit niya akong isinama dito kaninang umaga? Nakakaasar ka na ha!
Tumayo na ako sa mat. Nawalan na akong ganang mag-exercise. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako ngayon. Feeling ko, nagseselos ako eh.Pumunta na ako sa may elliptical at doon naman ako sinalang ni Miss Sharon. Iniwan niya ako sandali kasi tinawag siya ng mga clients niyang lalaki. Pinayagan ko naman siya dahil magpapadyak lang naman ako dito, kailangan ko pa ba ng bantay?
"May girlfriend ka na ba, Franz?" Narinig kong tanong noong Kate sa kanya. Napatigil ako sa ginagawa ko dahil pinapakinggan ko kung ano ang isasagot niya.
Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ng marinig ko ang sagot niya. "Girlfriend? Wala."
BOOM!
Nakapanggigil na Franz ito ah?! The last time I checked, He was proudly announcing to everyone that I was his girl. Tapos nakakita lang ng bansot na maganda at sexy ay ide-deny ako? Bwisit! Boys will always be boys nga naman! Kagigil lang ha?!
Naputol ang pagmamatyag ko sa kanila ng lapitan ako ni Steve. "Pagod?" Tanong niya sa akin in a friendly tone. Napansin siguro na tumigil ako sa pagpapaikot nitong elliptical.
"Medyo." Sagot ko at itinuloy na ang ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...