A/N:
Ang tagal ninyong magvote at magcomment. VOTE & COMMENT agad para may update tayo agad. Pagkabasa ninyo, boto agad at comment..
Salamat po sa comments nina: @Paul_Samboa, @karlrichmell, @Athena_9, @Zeus_9, @Mayee2227, @oishiangela, @atashinche24, @CecileCabanig, @KhayEm, @maika_love, @EmilyPinos, @QuelaiDulas, @KyungBaekSu, @rehyuma, @mjvelasco, at @RaRaDee.
20 COMMENTS AND 30 VOTES = UPDATE!
_________________________________________________
STARRING 64
THE ACCIDENT
(Play youtube video para mas feel------->>>>)
"What went wrong?" Tanong ko sa sarili ko. Sa sobrang sakit ay napaupo na lang ako dito sa sulok ng elevator.
Humahagulhol ako ng iyak na lumabas ng elevator. How can be our love last this short? Kakaamin lang ni Franz na mahal niya ako, tapos ito ang aabutan ko? Ano ito lokohan? Is this some kind of a practical joke? Kung oo, sana ilabas na nila ang hidden cameras.
"Are you, allright?" Tanong sa akin ng guwardiya ng hotel. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglakad palabas ng hotel. How can this thing happen to me? Hindi pa nga kami nakakarating ng Pilipinas, ganito na agad ang nangyari?
Huminto ako sa harap ng hotel at naupo sa ilang baitang na hagdanan. Pakiramdam ko, pagod na pagod na ako emotionally and physically. Ang saya ko pa naman kanina habang dala niya pauwi iyong mga regalong binigay niya sa resto. Mga regalong para daw sa mga okasyong hindi niya ako binigyan. Natulog lang ako, ganito na? Hindi kaya dream sequence lang iyong dinner kagabi?
"Steph!" Napatayo ako ng makita ko si Franz na humahangos palabas ng hotel. Naka topless pa din siya at pajama pants lang sa baba. Samantalang ako, naka pajama terno lang din. Wala akong pakialam sa mga taong napapatingin sa akin.
"Magusap tayo!" Umalingawngaw ang boses niya sa buong lobby. As an instinct, tumalikod ako at tumakbo palayo. Kailangan kong makalayo. Kailangan kong lumayo kay Franz. Si Franz na pagkatapos akong pasayahin ay sasaktan rin pala ako.
Umiiyak na tumakbo ako sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko, ayaw ko muna siyang makita. Isa siyang mangloloko!
"Steph, wait!" Lumingon ako at nakita kong nakasunod pa rin siya sa akin kaya mas pinag-igi ko ang paglayo. Wala naman akong kahit ano sa bulsa kaya walang ibang paraan para makalayo kundi ang tumakbo.
"Let me explain!" Sigaw pa niya.
"Gag*! Tigilan mo ako!" Balik sigaw ko habang patuloy sa pagtakbo. Pakiramdam ko, hindi na ako makahinga ng ayos sa sobrang pagod ko. Isama pa ang sipon na dulot ng pag-iyak ko.
Napakasama nilang dalawa. Pinaniwala nila akong magkakaroon ng magandang resulta ang pagmamahalan namin. Pinaniwala ako ni Franz na sa wakas, ako lang ang babae para sa kanya. Kahit si Fatima ay sobrang bait sa akin. Hinangaan ko pa naman siya dahil nagawa niyang manahimik kahit nasasaktan, iyon naman pala may lihim pa pala silang pagtitinginan!
Pinapahid ko na lang ng kamay ang mga luha kong nagpapalabo ng aking mga mata. Ipinunas ko sa sleeves ng aking pangitaas na pajama ang aking sipon. I don't care kung magmukha akong gusgusin, basta makalayo lang kay Franz. Damn Franz Roff! Tangin@ lang!
Pero dahil mas mahaba ang bias ni Franz Roff sa akin, naabutan niya ako. Nahuli niya ang kamay ko at hinigit ako.
"Steph, I'm sorry..." Naluluhang sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...