A/N:
Hindi ko alam di po ako nanunuod ng tv.. Lagi akong wattpad, fb, korean drama sa net. Hindi ko alam iyong got to believe na sinasabi nila :(
Salamat po sa patuloy na nagbabasa ng kwentong ito. Salamat din po sa comments at sa mga votes. Sa mga bagong nagcocomment na si @jhaneg. Saka ko na kayo iisa-isahin. Nakakapagtampo iyong iba, napakadamot sa VOTES at COMMENTS. Ayaw magbigay. Anyways, update ko na rin para sa mga masigasig na laging nagcocomment. Alam na ninyo kung sino kayo. Lalo na sa pakiusap ni @jhasmincute12.
Alam na... 30 v0tes & 25 comments = UPDATE po!
__________________________________________
STARRING 72
SINO SIYA?
Dumating kami sa may lobby ng Medical Arts Building. "Von, ikaw na ang bahalang maghatid kay Steph, sabi niya." Sabi ni Jacob kay Von.
'Sino kayang niya? Si Franz ba?' Tanong ko sa aking sarili. Ayoko namang isa tinig dahil baka isipin nila na may gusto ako sa epal na iyon.
"Oo. Iyon naman talaga ang gagawin ko." Sagot ni Von sa kanya. "Steph, antayin ninyo ako ni Dei dito ah." Bilin ni Von sa akin.
"Ok." Nakangiting sagot ko. Iniwan muna kami sandali ni Von para kunin niya ang kotse niya sa parking lot para hindi na ako maglakad.
"Steph, una na kami ni Kyla. Magingat kayo paguwi." Paalam ni Jacob sa akin. Iniabot niya na kay Dei ang bag ko.
"Ui salamat sa pagsilip ninyo sa akin sa clinic ah." Actually, si Jacob lang ang gusto kong pasalamatan dahil naiirita lang ako sa kasama niyang si Kyla. Pero hindi ko na ipinahalata.
Kahit nagtataka ako kung bakit ako dinalaw ng babaeng ito sa clinic ay hindi ko na ginawang big deal. At least siya, kahit ayaw niya sa akin ay naandoon siya. Pero si Franz, hindi ko man lang napasalamatan.
"Walang anuman." Sagot ng nakangiting Jacob habang may tinetext sa cp. Marahil ay driver nila at nagpapasundo.
"Salamat, ah.. Kyla." Sapilitan kong pagpapasalamat sa kanya.
Umismid siya sa akin. "Ok lang. Kung hindi lang dahil kay...." Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang sikuhin siya ni Jacob. Nagkatinginan silang dalawa.
"Dahil kay?" Nakakunot ang noong tanong ko.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Ah wala. Huwag mo nang intindihin ang sinabi ko. Magingat kang huwag sumakit ang ulo mo ulit." Pasupladang sabi pa ni Kyla.
"Ah oo." Iyon na lang ang sinabi ko. Halata kasing pilit ang pagpapakita niya ng concern sa akin.
Bumaling na lang ako kay Jacob na ngayon ay binabasa na ang text message niyang narecib. "Jacob, hindi pa kayo sumabay sa amin? Pahahatid ko kayo kay Von." Offer ko. Kahit ayaw kong makasabay si Kyla ay hindi na mahalaga. Kasi naman nag-aksaya pa rin siya ng oras para sa akin. Hindi naman ako masama para hindi maappreciate iyon.
BINABASA MO ANG
The Star
Teen FictionAko si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkukwento kung paano niya haharapin ang mga challenges sa buhay. Si Franz na mula pagkabata ay natutunan ko nang mahalin. "Hoy, Steph! Wag na wa...