Starring 44

10.3K 152 9
                                    

A/N:

WARNING: Medyo SPG!

 ____________________________________________________________

  

STARRING 44

KWARTO NI FRANZ

Nagpahila na lang ako kay Franz paakyat ng kwarto niya. Pwedeng-pwede akong kumontra, pero ewan ko, parang walang boses na gustong lumabas sa akin. Nakakainis!

Pinauna niya akong pumasok ng kwarto. Dirediretso akong umupo sa gilid ng kanyang kama. Kinabahan ako ng marinig kong sumara na ang pinto at ini-lock na niya. Maygad! Bakit kailangang ilock pa niya? Para tuloy akong naiihi na napo-po-poo na hindi ko maintindihan.

Napalunok ako ng umupo din siya sa tabi ko. Ito na naman. Naandito na naman kami sa kwarto niya na pinagmulan ng lahat. Dahil sa pagtulog ko dati dito, kaya naiba ang agos ng aming mga buhay.

Kaya parang napapaso akong napatayo. Napansin kong nakatingin lang siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Grabe lang! Ano kayang iniisip ni Franz sa mga oras na ito? Para makahinga ng ayos, dahil pakiramdam ko kinakapos na ako ng hininga, lumapit na lang ako sa glass window niya at dumungaw sa labas.

Shemay! Hindi ako makahinga ng ayos. Ang tibok ng puso ko ay ang lakas. Nanlalamig ang aking mga kamay, at ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko ay parang binugaw at nagliparan. Malamig naman ang aircon ng kwarto ni Franz, pero butil-butil ang pawis ko sa noo. What the heck is happening to me? Hindi ko alam. Wala akong maintindihan! Basta ang alam ko, naghuhurumentado ang aking sistema ngayong naandito kami sa kwarto niya at kaming dalawa lang.

Napalunok ako ng tumayo si Franz at lumapit sa akin. Literal na nanginginig ang tuhod ko. Anong gagawin niya? Nagpakadungaw-dungaw na lang ako sa labas para makaiwas sa titig niyang damang-dama ko.

“Steph, look at me.” Utos niya sa akin. Nagkunwari na lang akong hindi ko siya narinig. Bagkus ay hindi ako gumalaw sa pwesto ko.

“Steph.” Tawag pa niya.

Sunod-sunod ang paglunok ko ng aking laway. Pakiramdam ko ay natutuyo ang aking lalamunan. Kabado ako, alam ko!

Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang magaan niyang paghawak sa  bisig ko at iniharap ako sa kanya. Joskopolord! Mauulit na naman ba ang nangyari noon lasing siya?

“Steph, tumingin ka sa akin.” Halos mapalundag ako ng bitawan niya ang bisig ko at ilipat sa magkabilang pisngi ko.

Wala akong nagawa kundi idilat ang mga mata ko at tumingala ng konti sa kanya. Kinagat ko ang labi ko para hindi niya mapansin ang panginginig nito. Ngayong ganito kalapit si Franz, tapos naandito na naman kami sa lugar na pinagmulan ng lahat, hindi mawala sa akin ang takot at kaba.

“Uneasy, right?” Seryosong tanong niya sa akin ng mahuli niya ang aking tingin.Tumango na lang ako. Hindi ko kayang magsalita dahil pakiramdam ko, mababasag lang ang boses ko kapag nagsalita ako.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon