Starring 70

8.8K 158 31
                                    

A/N:

Thanks sa votes. Salamat sa comments nina : @Zeus_9, @Athena_9, @KhayEan, @arianeaviso, @karlrichmell, @rehyuma, @aiapots_ventulove, @miaka_love, @jhasmincute12, @oishiangela, @Paul_Samboa, @tipitipitin, @dhione, @RaRaDee, @SummerFlinn, @KyungBaekSu, @VanessaSeralde, at @mjvelasc0.

30 VOTES & 25 COMMENTS = UPDATE!

_____________________________________

STARRING 70

EXCUSE ME

2nd day of school. Maaga akong sinundo ni Von sa bahay. Hindi ko maiwasang mapatingala sa bintana ng kwarto ni Franz na nakaharap sa kalsada. Tinanaw ko din ang sasakyan niyang Mercedes pero wala sa garahe nila. Marahil ay nakaalis na ang isang iyon papasok ng St. John Colleges.

"May problema ka, Steph?" Tanong ni Von sa akin. Nahalata ata ang pananahimik ko sa loob ng kotse niya. Ang gamit namin ngayon ay ang Ferrari niyang kulay blue. Ang yaman talaga ng isang ito.

Tahimik ako kasi nagtatalo sa isip ko kung tama ba ang mga sinabi ko kay Franz kahapon. Matagal na rin kaming magkakaibigang tatlo. Nauna ko pa nga siyang makilala ng ilang buwan bago lumipat ang Lee Family dito sa tabi ng bahay namin.

Umiling ako at sumulyap sa kanya. "Wala. Kinakabahan lang ako kasi first day ng school. Baka pagtawanan ako ng ibang estudyante kapag nakita akong nakasaklay." Malungkot na sabi ko. Alam kong hindi iyon ang nararamdaman ko, pero iyon na lang ang sinabi ko. Hindi ko naman magawang aminin ang totoong bumabagabag sa akin.

Lumingon sa akin ng sandali si Von. Kinuha ang kamay ko at marahang pinisil. "Hindi nila gagawin iyon. Subukan lang nilang salingin ka, ako ang makakalaban nila." Nakatiim bagang pang sabi niya.

Parang tumalon naman ang puso ko. Kaya pinisil ko din ang kamay ni Von bago niya ito bawiin dahil hahawak siya sa kambyo. "Maraming salamat, Von." Hingi ko ng pasasalamat sa kanya. Alam ko kasing kaya niyang gawin iyon para sa akin. Mula pagkabata ay tagapagtanggol ko na siya.

Pagdating namin ng gate ng school ay madaming reporters ang nagaabang sa gate. Marahil ay excited silang makakuha ng scoop. Dahil bukod kina Von at Franz, dito rin nag-aaral ang gagraduate na ngayong school year, sa second course, ang modelong si Miss Menchie. Graduate na ng specialization niya sa Surgery ang Dentistang si Kuya Dave kaya tatlo na lamang silang artista dito.

"Buti na lang at tinted tayo." Pukaw ni Von sa pagmumuni-muni ko. Nang makita ng guard ang sasakyan ni Von ay agad nitong binuksan ang gate. Nang makapasok kami ay agad ding isinara para hindi makapasok ang reporters.

"Oo nga eh." Sagot ko.

Lumingon-lingon ako ng bumaba si Von ng kotse para pagbuksan ako at alalayang bumaba. Nakita ko kasi ang sasakyan ni Franz na nakaparada sa tabi ng kay Von, kaya hindi ko mapigilang hanapin siya.

'Nasaan na kaya siya?' Tanong ko sa aking sarili. Pero tumigil ako sa paghahanap kay Franz nang marinig ko ang sigawan sa labas.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon