Starring 79

7.5K 160 44
                                    

STARRING 79

WALANG MAGAWA

Nagising akong nasa loob ng Everest ni Franz at pinapaypayan ni Ate Gi. Naka-on naman ang aircon pero pinagpapawisan ako ng malamig. Kumurap-kurap ako habang inaalala kung ano nga ba ang nangyari sa akin kanina para humantong dito.

"Ok ka na?" Boses ni Kuya Art ang narinig ko.

Tumango ako kay Kuya. Naalala ko na ang nangyaring nahimatay nga pala ako at agad dinaluhan ni Kuya Arthur. Nakahinga naman ng maluwag si Ate Gi nang mahimasmasan na ako. Umayos na ako ng upo kasi kanina ay nakarecline itong backseat at nakahiga ako.

"Baba na tayo." Yaya ko sa kanila. Hindi ko na kasi alam kung ilang oras akong naririto. Pero ngayong ok na ang pakiramdam ko, gusto ko nang tumulong muli sa mga kaklase ko.

"Kumain ka muna, Stephanie." Sabi sa akin ni Ate Gi habang inaabot sa akin ang styro ng Jollibee.

"Saan galing ito?" Nagtatakang tanong ko. Kasi nasa baryo kami at impossibleng may Jollibee dito.

"Pinadeliver ni Franz para sa ating lahat." Balewalang sagot ni Ate Gi.

Bubuksan ko na sana ang pagkain ng agawin ito ni Kuya Art. "Ako na magpapakain sa iyo." Sabi niya sa akin.

Ngayon ko lang naging close itong si Kuya Art kaya naiilang ako. "Ako na." Kuha ko sa kanya ng pagkain. At dahil ayaw niyang ibigay ay tumagilid ito at tumapon. Aww! Ang two-piece chicken joy ko... Sayang!

"Patay!" Natatarantang sabi ni Ate Gi.

Agad namang pinulot ni Kuya Art ang natapong pagkain sa sahig ng sasakyan. "Sorry!" Nahihiyang sabi niya at binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Ok lang. May baon ako, Kuya Art." Sagot ko habang nakikitulong sa kanila.

"Kumain ka na sa labas at nang maipagpag ko din itong car carpet. Magagalit si Franz nito kapag nalaman ang nangyari. Naku..." Kinakabahang sabi ni Ate Gi sa akin.

"Pero.."

"Sige na, Stephanie. Ako na ang bahalang tumulong kay Manang Gi. Pasensya na ulit." Sabi pa ni Kuya Art sa akin. "Ako na po ang bahalang magpaliwanag kay Franz." Kakamot-kamot na baling pa ni Kuya kay Ate.

Kilala ko si Franz tiyak na magagalit iyon. Una sa lahat ay masinop kasi iyon sa mga sasakyan niya. Pangalawa, iyong inorder niya ay nasayang. Hindi ko pwedeng ipaubaya ang sisi kay Kuya Art. May kasalanan din naman ako sa nangyari at concern lang naman siya sa akin.

Kaya sangayon ako nang sabihin ni Ate Gi na, "Naku Arthur! Huwag mo nang banggitin na may kinalalaman ka. Ang sabihin na lang natin ay dahil kay Stephanie lamang." Suggestion ni Ate.

"Pero dahil po sa pakikipag-agawan ko kaya natapon. Saka baka po ibunton niya ang lahat ng sisi kay Stephanie. Kawawa naman po siya." Concern na sabi ni Kuya.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon