Starring 61

9.3K 155 11
                                    

STARRING 61

UNFORGETTABLE FOR YOU

Pagpasok namin ay nasalubong namin agad si Ninong. Nagbless kami sa kamay niya. Kasama niya si Ninang Hera kaya nagkiss kami ni Franz sa cheeks niya. Tinupad ni Ninong Lance ang pangako niya na pupunta siya sa mismong petsa ng fashion show.

"Ang ganda mo, Iha." Puri sa akin ni Ninang.

Ngumiti naman agad ako sa kanya. "Nang, mas maganda ka naman po sa akin. Pero salamat po." Totoo naman kasi. Ang ganda at ang sexy ni Ninang. May paka-morena siya at bagay na bagay sa kanya ang kulay niya. Kung tititigan mo nga siya, parang kaidad lang namin halos ni Franz.

"Ready ka na ba, Franz? First international stint mo ito kaya galingan mo." Bilin ni Ninong Kay Franz. Tumango lang si Franz at ngumiti.

"Baby, hindi mo na kailangang bilinan ang inaanak mo. Magaling talaga ito at gwapo." Puri ni Ninang at umabrisyete pa kay Franz.

Kakamot-kamot tuloy ng ulo si Franz dahil sa sobrang papuri ni Ninang sa kanya. "Hindi naman po. Mas gwapo pa din si Ninong." Nahihiyang sabi niya. Nagkatawanan na lang kami dahil sabi ni Ninong mga members daw ata kami ng MUTUAL ADMIRATION CLUB.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng lumapit sa amin ang floor director. "Franz & Stephanie, get ready. Change your clothes and we will start in 15 minutes." Sabi niya sa amin. Tumango na lang kami dahil nagmamadali siya para naman lumapit sa grupo nina Fatima, Yi Ling, Keith atbp.

Nagtatakang napatingin tuloy sa akin si Ninang. Hindi ko pa nga pala nasasabi. "Kasali ka, Steph? Tama ba ang narinig ko?" Tanong niya sa akin.

"Opo." Nahihiyang sagot ko.

Lumapad ang ngiti ni Ninong. "Wow! Teka, paano ka pumayag?" Baling ni Ninong kay Franz. Alam naman kasi ni Ninong Lance na ayaw talaga akong papasukin sa limelight nina Franz at Von.

"Pinilit kami ng designer." Sagot naman ni Franz.

"Talaga? Sabi ko na sa iyo, Steph, bagay kang magmodelo eh. So paano? Pipirma ka na ba sa Lao Entertainment?" Tanong ni Ninang Hera.

Tumingin ako kay Franz. Hindi ko kasi alam kung anong tamang desisyon. Siya ang mas nakakaalam ng mundong ginagalawan niya. Alam niya kung nababagay ba talaga ako dito.

Napuna naman ni Ninang Hera ang reaction ko. "Teka, mukhang may manager na ata si Steph ah." Natawa pa siya. "Ano Franz? Papipirmahin na ba namin si Steph ng kontrata? Malaki ang kikitain nating pare-parehas sa kanya." Biro pa ni Ninang.

Nagseryoso si Franz. "Ninang, pwede naman pong ipasok natin ang kontrata ni Steph para lang sa fashion show na ito. Kasi po first and last na ito. Hindi po siya pipirma ng mga taunan. Kumbaga temporary model lang ng Lao." Suggestion ni Franz.

"Pwede po ba iyon? Modelo ninyo ako for this event lang, Ninong?" Tanong ko pa.

Ngumiti si Ninong. "Oo, pwede. Parang contractual model ka lang namin." Sagot niya sa akin.

Inakbayan ni Ninong si Franz. "Parehong-pareho tayo, Iho. Kitang-kita ko sa iyo na ayaw mo ding ise-share sa mata ng iba ang asawa mo. Tulad ng gusto ko na sa akin lang rumarampa ang Ninang ninyo." Biro pa ni Ninong.

Kinurot tuloy siya ng pino ni Ninang kaya nagtawanan kami. Si Franz naman ay medyo namumula pa dahil sa biro ni Ninong Lance sa kanya.

"Bihis na po kami." Paalam ni Franz. Nakita kasi naming nagpuntahan na doon ang ibang modelo.

Nagbihis kami. Imbes na 8 modelo lang tuloy sila ay naging 9 na kami. Una daw lalabas sina Tae at Yi Ling, sunod ay sina Lee at Grace, next ay kaming tatlo nina Keith, Ming at ako, at ang huli ay sina Franz at Fatima. Bawat palit daw ng damit ay iyan na ang formation namin.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon