Starring 3

13.7K 220 10
                                    

STARRING 3

PERFECT COUPLE

"Ui, Steph, nabalitaan mo na ba? Dito daw magsoshoot ng ilang eksena sina Franz para dun sa kwento ng buhay niya?" Tanong ng aking kaibigan dito sa school na si Deiseree na kaklase namin ni Franz. 

"Huh? Anong kwento ng buhay?" Tanong ko. Walandyung Franz na iyon, wala man lang nabanggit sa akin na magso-shoot sila dito sa school. Gusto ko pa namang nanonood ng mga gigs niya. Kahit nga meeting lang ay sumasabit ako minsan eh. Sabagay, care niya naman kung alam ko o hindi. Deadma nga pala iyon sa akin. Kilala lang ako kapag may kailangan sa akin.

"Seriously, hindi mo alam? Ang balita ko ay gagawa sila ng special feature tungkol sa buhay ni Franz sa likod ng mga camera." Sagot niya naman. Napakunot ang noo ko. Akala ko, ako na ang dakilang stalker at fan ni Franz, pero bakit hindi ko alam?

"Teka lang, tawagan ko si Von. Itatanong ko." Sabi ko kay Dei. Kasi parehas sila ng Manager ni Franz. Malamang alam ni Von kung meroon nga.

"Sige." Naghalumbaba pa si Dei habang nakatitig sa akin. Naandito kami sa room kasi vacant namin ng isang oras. Iyong mga iba naming kaklase, ayun nagdadaldalan. Si Franz ay kanina ko pa hindi nakikita. Nasaan kaya iyon?

"Hello, Von? May shoot daw si Franz dito?" Tanong ko sa kabilang linya ng sagutin na ni Von ang tawag ko.

("Meroon, Steph. Isang segment ng biography niya na ipapakita iyong pagiging studyante ni Franz.") Sagot naman ni Von habang ang ingay sa background niya.

"Ah ganoon ba? Teka, nasaan ka? Bakit ang ingay?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Si Dei naman ay halos magkapalit na kami ng mukha sa pagdikit sa tenga ko para marinig ang kausap ko sa fone.

("Nasa music room. May practice ang banda eh.") Sagot niya naman sa kabilang linya. Kaya pala ang ingay kasi nagpapractice ang mokong na ito.

"Ahh..."

("Iyon lang ba? May kailangan ka pa ba?") Tanong niya sa akin.

Iyon lang naman talaga ang pakay ko. "Ah wala na. Thank you! Bye." Paalam ko na sa kanya.

("Ok. See you!") Then he hung-up.

Bumaling na ako kay Dei. "Meroon nga daw." Nakangiting confirm ko sa kanya nang maibaba ko na ang tawag kay Von.

Lumuwang naman ang ngiti ni Dei. "See? Sabi naman sa iyo eh." Proud na sabi niya. Fan na fan din kasi siya ni Franz. Hayy! Franz! Bakit ba ang dami kong kaagaw sa iyo?

Naputol ang chikahan namin ng maramdaman kong may umupo sa likod ko. Base sa naaamoy kong perfume na abot dito sa upuan ko, it's Franz. Dahan-dahan kaming lumingon ni Dei at nangkangitian kami ng makita naming si Franz nga!

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon