Starring 38

10.3K 159 8
                                    



STARRING 38

GAANO KA-IMPORTANTE?





Nasa sasakyan kami at maggygym daw si Franz. Bilang model nga naman, pangbenta nila ang kanilang mukha at tikas ng katawan. Kailangan ay palaging monitored ang weight nila. Kailangan laging nasa proper places ang mga muscle niya. And there's no other way to achieve that kundi ang magpunta sa gym.



Pero bago kami pumunta sa gym niya ay kailangan muna naming dumaan sa St. John Colleges. Bigayan kasi ng classcards namin ngayon. Next month ay enrollment na. Kanina pa kami nagtatalo ni Franz, habang nagdadrive si Kuya Max. Ako na lamang ang baba sa school at antayin na lang niya ako sa loob ng sasakyan dahil ako na lang ang kukuha.




"Steph, dati naman akong nag-aaral doon, kaya I'm sure hindi na ako ganoon kagrabe pagkakaguluhan." Kulit niya sa akin.



Nakaupo kami sa backseat kasi kotse niya lang ang dala namin. Dalawa kasi ang sasakyan niya sa basement ng condo. Nakapark doon ngayon ang Everest, na siyang ginagamit namin kapag kailangan kumpleto sa alalay at madami kaming dala. Ito namang Mercedes Benz ay ginagamit namin kapag may mga lakad lang kaming personal.




"Franz, huwag na. Huwag ka ngang makulit!" Ginulo ko na ang buhok ko kasi kanina pa kami nagtatalo.



Napatingin ako kay Kuya Max at nakita kong nangingiti siya. Ano naman kayang nakakatawa sa pagtatalo namin? Pss..



"Steph, sige na. Gusto kong makita ang teachers natin." Kulit pa niya.



"Makikita mo rin naman sila sa pasukan. Ano bang kailangan mo at You need to see them?" Kunot ang noong tanong ko.



"Pasasalamatan ko lang sila sa pangunawa nila kapag patulog-tulog ako sa classroom at minsan ay tulala sa pagod." Paliwanag niya.



Kinuha ko ang suklay sa bag ko kasi naalala kong nagkabuhol-buhol nga pala ang buhok ko. "Kahit naman patulog-tulog ka ay Dean's Lister ka. As long as mataas ang grades mo, walang problema. Anong kailangan mong ipagpasalamat doon?" Tanong ko pa.



Nagpout na si Franz nang marealize niyang He will never win against me. Kung persistent siya, mas masigasig akong hindi siya bumaba pa. Madami kasing outsiders ngayon kaya hindi ganoon ka-safe ang school. May ibang estudyante na nagpapakuha sa parents, friends, o relatives nila ng classcard. Paano kung may die hard fan na naman doon? Eh di lagot na naman ang buhok ko? Gasgas na naman ang tuhod ko? Or pasa ang mga braso ko?



"Teka lang. May napapansin ako ah." Bigla kong narealize.



Lumingon siya sa akin na nanghahaba ang nguso. Ang cute niya lang. "Ano?" Simangot na simangot na tanong niya.



Tumingin ako sa kanyang mga mata. "Aminin mo nga. Ang professors ba natin ang gusto mong makita o ang mga admirers mo?" Tanong ko sa kanya.



Iyong simangot ni Franz ay unti-unting napupunit. "Nagseselos ka ba?" Nakangiting tanong niya. Ang bilis talagang magisip ng kalokohan ng isang ito.



"Ako? Magseselos? No way!" Ako naman ang napasimangot.



Sinundot ni Franz ang tagiliran ko. "Ui! Si Steph, nagseselos." Pangbubuska niya sa akin.



"Tigilan mo nga!" Singhal ko sa kanya.



Napatigil lang siya ng magsalita si Kuya Max. Siya lang ang kasama namin ngayon. Sikat na gym naman ng mga artista at politicians ang pupuntahan namin, kaya no need to worry sa gulo ng fans.



"Alam ninyo po Sir, bagay na bagay kayo ni Miss Steph. Sana ay kayo ang magkatuluyan." Biro sa amin ni Kuya Max. Ang alam kasi nilang tatlo ay live-in girlfriend lang ako at hindi wife ni Franz.



"Kuya, huwag mo kaming tuksuhin." Sabi niya at nag-iwas ng tingin. Tumingin siya sa labas ng bintana at lumayo ng upo sa akin. Pulang-pula si Franz! Para siyang hinog na kamatis.



Ako naman ay lumayo na rin ng upo. Nang makita kong namumula siya ay nag-iwas na ako ng tingin at isinuot na lang ang headset ko sa tenga at nakinig sa iTunes Music ko. Pauso kasi itong si Kuya! Kung anu-ano ang sinasabi. Nakakailang tuloy!



Tahimik na kami buong biyahe kaya naging mapayapa na ang loob ng sasakyan. Si Kuya Max ay ngiting tagumpay. Pasipol-sipol pang nakikinig sa kanta ni Tita Zyrah sa fm station. Feeling ko ay inasar niya kami para matahimik na kami. Hindi ko akalain na mautak ang isang ito.




Huminto na kami sa parking lot ng school. "Antayin mo ako diyan ah. Huwag kang baba." Bilin ko sa kanya while giving him my death glare.



"Oo na." Padabog na kinuha niya ang maliit na pillow sa unahan ng sasakyan at nahiga sa backseat. Pwede naman palang maging good boy eh. Ito pala ang advantage kapag hindi na ako patay na patay sa kanya. Kaya ko ng pagsabihan at awayin ang supladong STAR ninyo.



Naglakad na ako papunta sa loob ng building namin. Ipinasok ko na sa bag ang headset ko. Mag-iisang buwan pa lang nang mag-summer break kami, pero feeling ko miss na miss ko na ang school.



Napatingin ako sa 3rd floor at tinanaw ang mga classrooms doon. Mga classrooms na naging saksi tuwing nakatitig ako kay Franz habang naglelesson. Nadaanan ko din ang soccer field. Nakita ko ang mahiwagang puno na madalas naming tambayan habang siya ay nagawa ng project at ako ay nakanganga lang sa kanya. Iyong umbrella seats sa labas ng canteen na inuupuan namin with Von kapag ayaw namin ng ingay sa loob habang kumakain.



Von? Napakunot ang noo ko. Bakit nga ba puro memories namin ni Franz ang naalala ko? Eh noong bagong mag-sembreak ay kami pa ni Von? Bakit puro lumang memories ang laman ng utak ko? Heist! Bakit pati utak ko nag-mamalfunction tulad ko? Dati heart ko lang ah?



Papunta na ako sa faculty room. Sa labas pa lang ay nakita ko na ang mga kaklase ko. Panay ang tanong nila sa akin kung totoo ang balita. Syempre magtataka sila kasi bago magbakasyon ay si Von pa ang nobyo ko.



Meroon pang nanunukso sa akin dahil sa wakas daw ay nasilo ko na ang Ultimate Crush ko. Alam kasi ng mga ka-batch ko kung gaano ako kahabol na habol kay Franz dati. Nakakahiya!



Napapailing at napapangiti na lang ako sa comments nila. Iba talaga ang mainvolve sa sikat na artista. Kahit hindi kayo magkita ay malalaman ng mga kaklase ko ang nangyayari. Ma-broadcast ba naman sa tv eh.



"Steph!!" Tili ni Dei. Galing siya sa loob at mukhang nakuha na niya ang classcards niya.



"Dei!" Ganting tili ko at niyakap siya.



"Nasaan si Franz?" Tanong niya sa akin.



Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Nasa sasakyan. Hindi ko na pinababa kasi baka pagkagulhan." Bulong ko sa kanya.



"Nadala ka na talaga huh?"



Napangiwi ako. "Medyo." Sagot ko.



"Nakakapagtampo ka, simula ng maging kayo ni Franz, hindi ka na nagpaparamdam." Naka pout na sabi pa niya.



Inakbayan ko siya. "Sorry na. Naging busy kasi kami at palaging akong pagod."



Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. Dramatic actress din itong kaibigan ko eh. "Joke lang! I understand." Nakangiti nang sagot niya. Tapos ay napatingin ako sa relo ko sa kamay. Lagot! 45 minutes na pala akong naandito sa loob ng campus. Baka inip na ang lolo ninyo.




"Dei, antayin mo ako kunin ko lang classcard namin ni Franz." Paalam ko sa kanya.



"Naku, Steph, hindi kita maantay. May lakad kasi kami nina Mama. Text-text na lang tayo."



Tumango ako. "Alryt! Ingat ka." Sagot ko sa kanya.



"Bye." Kumaway pa kami sa isa't-isa bago naghiwalay.


Pumasok na ako sa loob at kinuha ko na ang classcards namin. Nakita ko sa bulletin board na top 4 si Franz, samantalang ako ay top 6. Not bad! At least, Dean's Lister pa rin kami.



Pagkakuha ko ng kailangan ko ay nagmamadali na akong nagpaalam sa batch mates ko. Ngayon ko lang din narealize na ang layo na pala talaga ng agwat sa akin ng dalawa kong kababata.



Pasikat na ng pasikat sina Franz at Von, samantalang ako, nanatiling fan/supporter nila. Kung dati sabay-sabay kaming tatlo kumuha ng classcards (kahit ibang college si Von), ngayon ay ako na lamang. Kailangan kasi nilang umiwas sa matataong lugar. Mahirap para sa kanila ang pinagkakaguluhan, at iyon ang kapalit ng kanilang nagnining na bituin.



Nasa ganoong isipin ako ng matanaw kong makakasalubong ko sina Kyla, Lyn at Lai. Umiwas ako ng daan pero nakita pa rin nila ako. Humarang si Kyla sa dadaanan ko.



"Hi, Steph!" Bati ni Kyla sa akin. Kung natatandaan ninyo, siya iyong patay na patay kay Franz na classmate namin.



No choice ako kaya, "hello!" Bati ko sa kanya.



Umiwas ako at sa kanan sana dadaan, pero humarang naman si Lyn. "Where do you think your going?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.



"May lakad pa kasi ako." Sagot ko at sa kaliwa na ako dumaan.



Si Lai naman ang humarap sa akin. Awe! Kailan ba nila ako balak padaanin? "Ang yabang mo naman. Gusto ka lang namin kakwentuhan." Sabi pa niya na nakangisi.



"Sorry, nagmamadali ako." Sagot ko at dumaan sa kabila pero ang makulit na si Kyla, ayaw talaga akong tigilan.



"Ang yabang ng two-timer na ito ah." Nakapameyawang na sabi niya.



"Hindi ako two-timer!" At naisara ko na ang kamao ko. Anytime ay sasabog na ang galit ko.



Pinipigil ko lang dahil tama si Franz, kailangan kong alagaan ang pangalan ko. Baka mamaya ay may camera dito at makunan ako tapos mapost sa internet. Anything na maling gawin ko, magrereflect kay Franz. Lalo na siguro kung malaman nilang asawa ako. Baka hindi na ako tigilan ng mga paparazzi.



"Excuse lang alis lang kami." Narinig kong bulong ni Lyn kay Kyla. Kung saan sila pupunta ay wala akong pakialam.



Hinarap naman ako ni Kyla ngayong kaming dalawa na lang. "Anong tawag sa pinagsabay mo ang dalawa? Kunyari ka pa kaibigan. Iyon naman pala, dakilang salakay." Pangaasar niya sa akin.



"Hindi mo alam ang sinasabi mo!" Singhal ko. Josko! Nauubos na talaga ang pasensiya ko.



Ang kaso, determinado talaga siyang asarin ako. "Ang galing mo din eh no? Biruin mo, dalawang sikat na teenage icons naging nobyo mo. Masarap ba? Sinong mas magaling humalik? Siguro hindi ka na virgin ano?!?" Panunuya pa niya. Ang bastos din ng isang ito.



"I'm sorry but I don't want to fight with you. I'm in a hurry. Next time tayo magtalo. Kung gusto mo kahit magaway pa tayo. Not now." At tinalikuran ko na siya. Himalang nakapuslit ako. Pero naging maagap siya at nahawakan ang braso ko.



"Huwag mo akong tinatalikuran kapag kausap pa kita!" Sigaw niya sa akin. Halos bumaon ang kuko niyang bagong manicure sa braso ko. Ang sakit!



Hinawi ko ang kamay niya. Ito na. Sumabog na talaga! "Ayoko sabing makipagtalo! Tigilan mo ako!" Sigaw ko din sa kanya. Tiningnan ko ang relo ko. 1 hour na ang pamamalagi ko. Dahil sa pakikipagkamustahan at pagsagot sa mga tanong ng mga batchmates ko ay natagalan ako. Baka mamaya sumunod pa dito si Franz. Lagot!



"Hoy! Ikaw na pokpok ka! Ang lakas ng loob mong lumaban sa akin. Wala dito ang mga Knights mo. Kaya huwag na huwag kang magtapang-tapangan sa harap ko!" Dinuro-duro pa niya ako.



Napuno na ako. "Huwag mo ngang ibintang sa akin ang mga bagay na ikaw ang gumagawa!" Ganting sigaw ko. Nanggagalaiti na talaga ako.



Natigilan ako ng makita ko sina Lyn at Lai na may dalang timba. Mukhang mabigat dahil magkatulong pa ang dalawa. Bakit ang baho? Amoy bangbang ata ah?



Napaatras ako ng iabot nila kay Kyla ang timba. Umabante naman si Kyla. Hindi ako tang@ para hindi ko maunawaan kung ano ang binabalak niya. Itong ngisi niya sa mukha ay halatang may gagawing masama.



"Kyla, no! May lakad pa ako." Sabi ko sa kanya at itinaas ko pa ang dalawa kong kamay.



"Alam mo, kung anong baho nito, siyang bagay sa iyo. Kasing baho ng tinatago mong kalandian." Abante niya sa akin.



Umatras ako. Kinakabahan na ako. "Kyla, please. Huwag iyan! Please." Pakiusap ko habang nakataas pa din ang mga braso ko.




Atras ko.




Abante niya.




Atras. Abante.




"Bagay ito sa mga malalanding tulad mo. Lahat na lang gusto sa iyo!" Sigaw niya sa akin. Ang mga kaibigan niya ay mga nakangisi lang na pinapanuod kami. Ang sama nila!



Napapikit ako ng dalawang kamay na ang pinanghawak niya sa timba. Wala na kasi akong maatrasan. Pader na ang nasa likod ko. Umamba na siyang bubuhusan ako.



Narinig ko na ang paglagapak ng tubig. Unti-unti kong isinilip ang mata ko sa kanya. Hindi kasi ako nabasa. Nabitawan ba niya ang timba?



"Kyla.." Tumakbo ang mga kaibigan niya. Kasabay ng pagtawag nila sa kanya ay ang pagdilat ng mata ko ng tuluyan.



Namilog ang mga mata ko. Kasi nakita ko si Franz na pulang-pula sa galit. Nasa tabi niya ang timba. Samantalang si Kyla ay hindi magkaintindihan sa pagpupunas sa mukha niya at buhok. Basang-basa siya! Mabuti na lang at wala masyadong estudyante. Ang karamihan ay nasa labas ng faculty doon sa building namin.



"Franz.." Namumula ang matang sabi niya. Tumulo na ang luha niya. Ang mga kaibigan niya ay punong-puno ng pagaalala na sinasaklolohan siya.



Nilapitan agad ako ni Franz. Doon lang nawala ang aking pagkabigla. "Ok ka lang?" Tanong niya at inilibot ang mata sa kabuuan ko.



Inilagay ko ang braso ko sa likod. Alam kong pulang-pula kasi iyon sa hawak ni Kyla kanina. Pero napansin iyon ni Franz at hinablot. Ininspeksyon niya at nagigting ang bagang niya.



"Sinong may gawa nito?" Tanong niya sa akin na halatang pinipigil ang galit. Nakakatakot ang aura niya kaya hindi ako makasagot.



Humarap siya kina Kyla. Umiiyak na si Kyla. "SINONG MAY GAWA NITO KAY STEPH?!" Sigaw niya.



Halos manginig ang tatlo dahil sa sigaw niya. Hinawakan ko siya sa kamay. "Halika na. Umalis na tayo." Yaya ko sa kanya palayo doon.



Hinawi niya ang kamay ko at lumapit siya kina Kyla. "Ikaw na babae ka! Pinupuno mo ba talaga ako?!" Gigil na gigil na sabi niya.



Hinila ko na mula sa likod niya ang magkabilang gilid ng bewang niya. "Let's go, Franz. Tara na." Hatak ko na siya. Pero sadyang malakas siya kaya hindi ko man lang siya naialis sa kinatatayuan niya.



"Kasi Franz, inakit ka ng babaeng iyan. Malandi siya." Naiyak na sabi ni Kyla.




PAK!





Sinampal na siya ni Franz. Nang laki ang mata naming lahat. Ngayon lang nanakit ng babae si Franz.



"Hindi ako nanakit ng babae, pero kung ikaw din lang, it's worth it!" Tapos ay dinuro niya si Kyla. "Sa susunod na saktan o bastusin mo ang girlfriend ko, hindi ako magdadalawang isip na baliin ang mga kamay at paa mo!" Galit na galit na sabi niya. Nanginginig pa siya sa galit.



Pumunta na ako sa unahan niya at niyakap ko na siya. "Alis na tayo, please?" Pakiusap ko.



"Ito na ang huling paalala ko sa iyo!" Sigaw niya sa humahagulhol ng si Kyla. Ang mga kaibigan niya ay naiiyak na din. "Kayong dalawa, umayos kayo kung ayaw ninyong matulad sa kanya. LEAVE STEPHANIE ROFF ALONE!" Sigaw niya.



Nalaglag ang panga nila. Parang nagtatanong. Stephanie Roff kasi ang nasabi ni Franz. OMG! Baka kumalat ito.



Natatakot na ako kasi baka kung ano pang masabi niya at magawa dahil sa galit. Hinawakan ko na ang pisngi niyang pulang-pula sa galit. Hinuli ko ang titig niya. "Tama na." At payakap ko na siyang inilayo doon.



Ngayon ko lang nakita na nanampal ng babae si Franz. This is the first time. At nagawa niya iyon dahil sa akin. Nakakataba ng puso. Para ipagtanggol niya ako ng ganoon, gaano nga ba ako ka-importante sa kanya?



________________________________________

A/N:


VOTE & COMMENT please?

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon